CHAPTER 28

12 2 0
                                    


"Itext ninyo 'yong iba nating mga kaklase na bilisan ang punta dito" utos ni Archibald na may autoridad sa kanyang boses.

Tumalima naman yung apat sa utos ng kanilang presidente. Makalipas pa ang mahigit na kalahating oras ay halos sabay-sabay silang dumating. Halos napasigaw ang karamihan sa kanila nung nakita nila si Emman sa lamesa.

"Classmate, nasaan na si Reniel?" tanong ni Archibald "Bat ang tagal niya"

"hindi ko na siya makontak pa, not attended na yung kanyang cellphone" sabi ni Ariel.

"Guys, we need to do something" sigaw ni Dave "Iniisa-isa niya tayo" dadgdag nito habang nagpupunas ng luha niya.

Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan sa mga ito. Naputol lang ito nung tumunog ang cellphone ni Fheil at bigla ring nagsitunugan ang sa iba. Nung nabasa na nila 'yong text na narecieve nila ay bigla silang nagsitinginan sa isa't – isa.

Airiek Malicdem

Hindi ako makapanilawala sa aking nababasa. Hindi kayang tanggapin ng aking isipan kung totoo ba ito o hindi. Sa pangalawang pagkakataon ay binasa ko ulit 'yong text ng unknown sender. Para masiguro ko na totoo talaga ito.

1 messege received

From: Unknown Sender

Gusto mong malaman kung sino ako?

H'wag kang mag-alala, malay mo nasa paligid mo lang ako. Ay hindi pala ang bagay na salita pala ay Parte ako ng klasing ito.

P.S: How does it feel na pinaglalaruan ko lang kayo and sino ang pagkakatiwalaan mo?

Classmate mo ba na alam mong papatay sayo?

O ang sarili mo lang ang pagkakatiwalaan mo.

It's your choice classmate. Good Luck :)

Tiningnan ko ang aking mga kaklase, tahimik lang sila pero mahahalata mo na naguguluhan sila. Kailangan kong mamili. Hindi ako papayag na patayin nila ako. Kailangan ko silang unahan. I choose to trust my ownself.

Rene Napeñas

Paulit-ulit ko ng tinawagan 'tong sender na ito pero block na. Hindi ko na siya macontact pa, napakaplanado at napakagaling ng bawat galaw ng taong ito. Kahit mismong maliit na ditalye ay napapansin niya. Anong gagawin ko, ayaw ko pang mamatay. Kailangan ko silang maunahan bago nila ako mapatay. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi nila ako mapatay. Kailangan ko munang makaalis dito, kailangan kong makauwi at para makapag-isip ng maayos. Nagmadali akong tumayo sa aking kinatatayuan, pumunta sa may pintuan at lumabas pero bago ako tuluyang makalabas ay narinig kong tinawag ako ni Lance pero hindi ko na ito pinansin pa at tuluyan na akong lumabas.

Noong nakauwi na ako ay dumiritso na agad ako sa aking kwarto at ibinaksak ang aking sarili sa aking malambot na kama.

Gep Gondra

Nakauwi na ako galing sa aming tagpuan at nakahiga ako ngayon sa aking kama, iniisip ko pa rin 'yong nangyari kanina. Hindi ko alam ang aking gagawin, ayaw ko pang mamatay. Kailangan kong makaisip ng paraan bago nila ako maunahan. Ako'y napatingin bigla sa aking pinto nung may narinig akong munting katok. Isa, dalawa hanggang limang katok bago ako sumagot.

"Bakit po?"

"Nak, may bisita ka"

"Sige po ma, baba na po ako"

Tumayo na ako sa aking kama at pumunta sa baba ng bahay. Nung nasa baba na ako ay nakita ko si Ariel na nakaupo sa aming sofa. Nakangiti ito sa akin nung nagtagpo ang aming paningin.

"Anong masamang hangin kaya ka napadpad dito?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Gep samahan mo naman ako sa Atimonan"

"Bakit?"

"meron akong kausap doon at takot akong mag-isa baka ako na ang isunod nung killer"

"Bakit ako?"

"dahil ikaw lang ang aking pinagkakatiwalaan sa lahat at alam kong hindi ikaw 'yong killer"

"Sige magbibihis lang ako"

"Bilis" nakangiti nitong tugon sa akin.

Yasser Ontar

"Manang nasaan po si kuya?" tanong ko sa aming katulong.

"Umalis iho, kanina pa siyang umaga wala dito" sabi nito "may meeting daw 'yong klase ninyo"

Bigla akong napakamot sa aking batok noong malaman ko na hindi niya ako sinama.

"Ang daya e" reklamo ko.

Nakakainis talaga pagminsan si Jay-jay, alam kong may galit siya sa akin simula pa ng bata dahil isa lang akong anak sa labas ng nanay niya. Kaya ang aking apelyedo ay iba sa kanya, ang dinadala ko ng surname ay ang sa aking ama. Noong namatay si papa ay kay mama na ako tumira. Kaya ako napadpad dito sa Lucena.

Kinuha ko ang aking cellphone para itext si Jay-jay at doon ko nakita ang text ni Archie. Binasa ko ito at tiningan ko kung anong oras ko ito narecieve, 6:05 am at napatingin ako sa aking relo, 1: 57 pm na. Napasarap pala ang aking tulog. Bigla akong nakaramdam ng pagkulo ng aking tyan kaya napagdesisyunan ko na kumain na lang. Bagbukas ko ng ref ay wala akong makita noong paborito kong pagkain. Wala 'yong chocolate cake.

"Manang, nasaan po 'yong aking cake dito?" sigaw ko.

"Ay sir, kinain po ni señorito Jay-jay kagabi"

"Ahhhhaah, manang pwede po bang ibili ninyo ako?"

"Sige po, bibili po ako."

Nakita kong umalis na ito at nung nakaalis na ito ay pumunta agad ako sa aking kwarto at dumeritso sa aking banyo para maligo. Hinubad ko na 'yong aking mga saplot at lumublob sa aking bathub. Lumipas pa ang ilang minuto ay nakarinig ako ng mga yabag na nagmumula sa labas ng aking banyo.

"manang ikaw na po ba yan?"

Pero bigo akong makatanggap ng sagot mula dito. Nagpatuloy pa rin yung mga yabag hanggang sa nakita ko nagbukas 'yong pinto ng aking banyo. At iniluwal nito ang hindi ko inaasahang bisita.

"Bakit ka nandito?"

"May sasabihin kasi ako sayo, wala ka kasi sa meeting kanina"

"Papaano ka nakapasok?"

"nagdodoorbell ako kanina, pero walang sumasago sa akin. Tapos nung napansin kong bukas yung gate ninyo ay pumasok na ako"

"Sige pumunta ka na sa baba, magbibihis lang ako"

"H'wag na madali lang ito"

"Ano ba 'yong sasabihin mo?"

"Ito oh!"

Nakita kong inangat niya yung kanyang kamay at doon ko napansin na may gloves pala ito. At bigla nitong hinawakan ang aking ulo.

"Anong gagaw –" naputol 'yong sasabihin ko nung nilublub nito ang aking mukha sa tubig. Nahihirapan na akong huminga, hindi ko kayang makaangat dahil napakalakas nito at napakahigpit ng hawak sa aking ulo. Pinipilit kong makawala sa kanyang pagkakahawak pero nanghihina na ang aking katawan nawalan na rin ako ng hangin sa aking baga. Hindi nagtagal ay dumilim na ang aking paningin.

Dave Vitoriano

Kailangan kong makaganti at hindi ako papayag na maunahan nila akong patayin. Kaya ngayon kumikilos na ako. Inuunahan ko na ngayon si Yasser, hindi ako papayag na patayin niya ako. Nung nakita ko na itong hindi gumagalaw ay itinigil ko na ang paglunod dito. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya na nagmumula sa aking kalooban. Hindi ko mawari kung bakit ako nasasayahan dahil siguro napapaghiganti ko ang aking kaibigan.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now