CHAPTER 5

11 3 0
                                    


Naalimpungatan ako noong may pumasok sa pinto. Hindi ako makagalaw at wala rin akong makita, ahhhhahh sigaw ko.

"Nasaan ako? Sino ka?"

pero hindi ito sumagot bagkus tumawa lang ito ng malakas

"Pakawalan mo ako dito! Ano ba ang ginawa ko sayo?" hesteryang tanong ko dito

Tumigil ito sa pagtawa at nagsalita ito, "tinatanong mo ako kung ano ang ginawa mong masama?" sabi nito "Putcha pare nagmamaang-maangan ka pa!" sigaw nito

Nagsimula akong matakot dahil kakaiba ang kanyang boses parang punong puno ng poot at maririnig mo sa kanya ang naipung galit na inipun ng matagal na panahon

"Ano ba ang pinagsasasabi mo?" sigaw ko "at sino ka ba?"

"pre tumahimik ka naiirita ako"

"Sino ka ba?"

"pre kilala mo ako, promise matagal na tayong magkakilala, by the way anong gusto mong kamatayan mabilis o mabagal?" saad nito

"What? Anong pinagsasabi mo?" sigaw ko

"Sabi kong tumahimik ka baka magising si Louisse, nakakairita ka sobra" at sabay suntok sa aking mukha

"Pakawalan mo ako ngayon na!" utos ko

"Wow demanding ka" saad nito.

"Ahhhhaahhhh" sigaw ko

"Tumahimik ka sabi, hindi ka ba tatahimik?" saad nito

"Hindi ako tatahimik dito hanggang hindi mo ako pinakakawalan" reklamo ko

"Letche ka, madali naman akong kausap e" saad nito Naramdaman kong umalis ito sa aking harapan pero hindi kalayuan. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na ito at hinawakan ang aking mukha at tiningala.

"Anong gagawin mo?" tanong ko pero hindi ito sumagot at may naramdaman akong malamig na bagay sa aking pangilalim na labi.

"Ano yan?" tanong ko.

"Ayaw mo kasing tumahimik e!" at sabay tusok nung malamig na bagay sa pangilalim kong labi. "Araaayyyy" sigaw ko.

"Huwag kang malikot baka mamali ang aking tahi" saad nito.

Tinusok niya ito ng paulit-ulit. Gusto kong sumigaw pero wala akong magawa, sobrang sakit ng kanyang ginawa sa aking mga labi.

"Ayan na tapos ko ng tahiin yang maingay mong bunganga... salamat naman tumahimik na yung paligid" saad nito sabay tawa ng pangdemonyo.

Umiiyak na ako dahil sobrang sakit.

"Gusto mo na bang magpahinga?" tanong nito.

"HINDI!" saad ko

"Anong sabi mo? hindi kita maintindihan, hahaha," saad nito "Ay ang syunga ko hahaha, paano ka nga pala makakapagsalita nakatahi nga pala yung bibig mo"

Ahhhaahhh, ito na lang ang tangi kong nasagot. Tinanggal niya yong blindfold ko at laking gulat ko noong makilala ko ito. Bakit? Papaano? Ito agad ang nasabi ko sa sarili ko. Ibang–iba ang itsura nito sa normal niyang pagkatao, mukha itong demonyo..nanlilisik ang mga mata nito at sobrang malayo sa katotoohan. Meron palang nagtatagong demonyo sa kanyang maamo at malaanghel na mukha, bakit hindi ko nakita sa kanya ito dati, saad ko sa aking sarili.

"Tadaa, nagulat ka no?" saad nito.

Tumango na lang ako para sumagot sa kanya. Hindi na kita papahirapan pa dahil naaawa na ako sayo. At isa pang dahilan ay nakita mo na ang aking pangalawang pagkatao. Kumuha siya martilyo at pako sabay lumapit ito sa akin...

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now