CHAPTER 27

8 2 0
                                    


Lance Cortez

Kanina pa ako tumatakbo dito sa madilim na hallway na ito, hindi ko alam kung papaano ako napunta dito. Kanina pa ako paikot-ikot dito, hindi ko makita ang daan palabas.

"Nasaan na ba ako?" tanong ko sa aking sarili.

Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa hanggang sa makatanaw ako ng liwanag. Nagmadali akong pumunta doon, nung malapit na ako ay napahinto ako dahil may pigura ng babae sa gitna ng pinto. Hindi ako pweding magkamali, kilala ko yung likod nito.

"J-jane?" utal na tawag ko dito.

Dahan-dahan naman itong bumaling paharap sa akin, "Jane" ulit kong tawag dito na merong lakas ng loob sa aking tono. Hindi pa rin nagbabago ang mukha niya, napakaganda pa rin nito at nakakahumaling pa rin ang kanyang maamo at mala-anghel na mukha. Nilapitan ko ito subalit nung hahawakan ko siya ay bigla itong naglaho na parang bula. Napayuko ako dahil isang hangin lang pala ito. Lumipas pa ang ilang sandali, nakayuko pa rin ako hanggang sa nakakita ako ng isang pares ng mga paa sa aking harapan. Ang mga paa nito ay puno ng mga putik at dugo. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para makita ang itsura nito, laking gulat ko na lang ng bigla niya akong sinakal.

"Papatayin kita" sigaw nito "Papatayin ko kayong lahat"

"S-sir" utal kong tawag "tama na po Sir A-aa-andrew"

"Aaahhhh"

Napabalikwas ako sa aking kama dahil sa gulat at takot.

"Shit panaginip" hinggal kong reklamo sa aking sarili. Napatingin ako sa aking sidebed table ko noong tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at binasa ang text messege na narecieve ko.

1 messege received

From: Archibald Silva

Hey, go to the masayahin's, NOW!

We need to talk!

Bigla akong napakamot sa ulo noong nabasa ko ito.

"Ano na naman ang problema nito" reklamo ko "ang aga-aga pa e"

Jay-jay Jaluage

"Nasaan na naman 'yong mga 'yon, ang aga-aga e" reklamo ko dahil tulog pa ang aking kapatid na si Yasser noong umalis ako sa bahay. Mag-isa lang ako ngayon dito sa harap ng aming meeting place o tinatawag naming Masayahin's. Nagtext kasi si Archie na pumunta dito, may pag-uusapan daw ang klase pero wala pa naman sila. Napaka-filipino talaga ng aking mga kaklase tsk tsk. Napatigil ako sa aking kina-uupuan nung may napansin akong anino sa loob ng aming meeting place. Tumayo ako at nagtungo sa pintuan para buksan ito.

"May tao na pala sa loob" reklamo ko "tas nandito pa ako naghihintay" nakangiti kong dagdag.

Inabot ko na yung doorknob at pinihit ito pero bigo akong buksan ito dahil nakalock ito. Kinatok ko ito pero walang sumasagot. Pinagulit-ulit ko ito hanggang sa nakaramdam ako ng tapik sa aking likod. Nilingon ko ito at doon ko nakita sina, Archibald, Lance at Dan Chris na mukhang nagtataka.

"Anong ginagawa mo?" nakangiting tanong ni Lance pero mahahalata mo sa kanyang tono na nagtataka ito.

"May tao sa loob" sagot ko dito.

"Pero impossible na merong tao dyan kasi nasa akin yung susi niyan" nakangiting sangat ni Archibald.

"Pero may tao nga" pag-uulit ko "tingnan ninyo may anino!" dagdag ko habang tinuturo 'yong baba ng pintuan. Napatigil 'yong tatlo na para bang nagulat.

"Baka magnanakaw?" nagdududang sabi ni Dan Chris.

"Archie, buksan mo na 'yong pinto para malaman natin kong sino yan," utos ko kay Archibald.

Kinuha na ni Archie yung susi sa kanyang bulsa at inilagay ito sa may butas ng seradura. Narinig namin 'yong pag-unlock nung pintuan. Pinihit na ni Archibald 'yong doorknob at dahan-dahang binuksan ito. Napasinghab kaming apat dahil sa aming nakita. Si Emman na nakabigti, at mulat ang mga mata nito.

"Oh my –" naputol yung sasabihin ni Dan Chris nung nagsalita si Archibald.

"Ano pa ang gingawa ninyo" sigaw nito "Untie him"

Pumunta agad sina Lance at Dan Chris kung nasaan si Emman. At tinanggal ng mga ito ang tali sa leeg ni Emman. Nung natanggal inihiga nila ito sa mahabang lamesa.

"Anong gagawin natin?" sigaw ko "Patay na siya"

"Hindi ko alam" sagot ni Lance "Hindi nami – " naputol yung sasabihin ni Lance nung nagbukas ang pintuan at iniluwal nito si Mikko.

Mikko Paulino

"Napaaga ata ako e, dahil wala pang tao dito" reklamo ko sa aking sarili. Napatigil ako sa aking kinatatayuan nung may narinig akong mga tinig na nagmumula sa loob ng kwarto. Inilapat ko ang aking kanang tenga sa pinto para makinig ang usapan sa loob.

"Patay na siya....."

"Hindi ko alam......"

Hinawakan ko 'yong doorknob at binuksan ito. Nung nabuksan ko na ito ay nakita ko sina Lance na mukhang gulat na gulat. Pinagmasdan ko sina Dan Chris at Lance na may dugo sa mukha, braso at damit.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Ano yang tinatago ninyo sa lamesa?"

Pero sa halip na sumagot ang mga ito ay nagtinginan lang sila. Kaya napilitan akong pumunta sa kanilang pwesto upang hawiin ang mga ito. Nung napaalis ko na sila, bigla akong napasigaw sa takot.

"What have you done?" tanong ko sa kanila habang ako ay naiyak.

"Wait lang Mikko, calm down please" sabi ni Lance na mukhang nagpapanic.

"Papaano ako kakalma ku –" naputol yung sasabihin ko nung nagsalita si Dan Chris.

"Mikko, wala kaming kinalaman sa pagkamatay ni Emman..... natagpuan na lang namin siyang patay dito sa loob ng Masayahin's"

Wala na akong naimik pa kundi umiyak na lang ako. Si Emman ang aking kaibigan na pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng aking mga kaklase pero ngayon isa na siyang malamig na bangkay.

"Magbabayad kung sino ang gumawa nito sa aking kaibigan" sumpa ko sa aking sarili "Hindi ko siya mapapatawad, kahit sino pa siya, kahit isa pa siya sa aking mga kaklase."

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora