CHAPTER 29

9 2 0
                                    

Gep Gondra

Nandito na kami ngayon sa may zigzag o sa kilalang bitukang baboy ng Quezon Province. Tumigil 'yong sasakyan namin sa tabi at bumaba si Ariel sa sasakyan.

"Bakit ka tumigil?" tanong ko dito nung bumaba na rin ako sa sasakyan.

Bigla akong nalula nung napatingin ako sa baba ng bangin. Nandito kami ngayon sa gilid ng isang napakalalim na bangin subalit makikita mo ang baba nito na puro batong malalaki at matitilos.

"Dito daw natin iintayin 'yong hinire kong private investigator"

"Para saan yun?"

"Basta ka!"

"......"

Lumipas 'yong mahaba at nakakabagot na isang oras ay walang dumating na tao.

"Ano na!"

"Wait lang, nag-iisip ako."

Nag-iisip? reklamo ko sa aking sarili, bakit siya nag-iisip. Anong gagawin niya. Hay bahala na siya. Tumalikod ako dito at humarap sa bangin, bigla akong namangha sa aking nakita, makikita mo mula sa aking pwesto ang bayan ng Atimonan at kalapit bayan nito.

"Ganda naman ni – " naputol 'yong sasabihin ko noong may naramdaman akong malakas na tulak na mula sa aking likod.

Ariel Farro

"Gep, kapit ka lang" sigaw ko dito "H'wag kang bibitaw"

"Classmate tulungan mo ako" pakiusap niya sa akin

Noong narinig ko yung salitang classmate ay bigla kong naalala yung narecieve kong text kanina galing sa unknown sender. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Gep. Hanggang sa tuluyan na itong malaglag sa bangin. Noong una nagdadalawang isip pa akong gawin ang plano ko. Nagtatalo ang puso at isipan ko kung papatayin ko ba siya o hindi. Hanggang sa naitulak ko na lang siya sa bangin. Wala talaga kaming tatagpuin dito, gagawin ko lang talaga ang aking plano. Hindi ako papayag na unahan niya ako. Ayaw ko pang mamatay katulad na lang ng iba kong kaklase, nung nakita ko si Gep na nakahalundusay ang katawan sa baba ng bangin ay tumayo na ako at sumakay na sa aking sasakyan. Bigla akong napangiti na para bang tagumpay ang aking pakiramdam. Pinaandar ko na ang aking sasakyan at nung nasa daan na ako at tumutungo papauwi biglang tumunog ang aking cellphone, kinapa ko 'yong cellphone sa aking bulsa habang ako ay nagmamaneho. Nung nailabas ko na yung cellphone sa aking bulsa ay bigla itong nalaglag sa may malapit sa may brake. Inaabot ko ito habang pasulyap-sulyap sa daan. Hindi ko maabot yung aking cellphone at nung naabot ko na sa wakas 'yong aking cellphone ay bigla akong nakarinig ng malakas na busina. Bigla akong napatingin sa daan at doon ko nakita na meron akong kasalubong na pambasaherong bus. Kinapitan ko agad yung manebela palihis sa papuntang kabilang kalye. Nakaiwas ako sa may bus pero nagderitso ako sa may bangin at nalaglag ang aking sasakyan dito, wala na akong nagawa kundi ang sumigaw.

Rene Napeñas

Naalimpungatan ako nung may narinig akong malakas na sigaw na nagmumula sa ibaba ng bahay. Tumayo agad ako sa aking kama at nagmadaling pumunta dito. Nung nasa baba na ako ay hinanap ko 'yong sigaw kung saan ito nagmumula subalit katahimikan lang ang sumagot sa akin.

"Manang" tawag ko dito

Subalit wala akong natanggap na tugon na mula sa kanya. Katahimikan lang, nakakabinging katahimikan.

"Manang" ulit ko

Nagulat ako nung may narinig akong malakas na ingay na nagmumula sa kusina para bang kaldero na nalaglag sa sahig. Nagmadali akong pumunta sa kusina, at nung nandoon na ako laking gulat ko nung nakita ko si manang Vivian na nakahalundusay sa sahig habang naliligo ito sa sariling dugo, may saksak ito sa dibdib. Lumapit ako at dito ko napansin na may papel ito sa dibdib kung saan nakasaksak ang kutsilyo. Hinugot ko yung kutsilyo sa dibdib ni manang at kinuha ang papel upang basahin ito.

Rene,

You're next in line

You must Hide before I seek you :)

Good Luck

Tumayo ako at nagmadaling pumunta sa aking kwarto para kuhain ang aking cellphone sa sidebed table ko para tawagan ang police. Nung nasa kwarto na ako ay bigla akong kinalibutan dahil umalingasaw ang napakabangong pabango. Kung hindi ako nagkakamali ay ARMANI ang pabango na ito or baka Vulgar ito. Dalawa lang ang kilala kong gumagamit nito, si Jane at si – naputol 'yong sasabihin ko nung may narinig akong nagsalita sa aking likod.

"I said hide, pero hindi ka nakinig"

Lilingunin ko sana ito subalit nakaramdam ako ng malakas na palo sa aking ulo. Bumaksak ako sa sahig pero bago ako mawalan ng malay ay naaninag ko pa ito. Nakangiti ito sa akin katulad ng dati niyang ginagawa.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon