CHAPTER 23

11 2 0
                                    


Archibald Silva

"Gep, pakibuksan mo nga yung TV" utos ko.

Tumalima naman ito, inabot 'yong remote at binuksan ang telebisyon.

BREAKING NEWS

Isang binata natagpuang palutang-lutang sa may Dumacaa river na puno ng saksak sa katawan. At ang nasabing binata ay nakilala bilang si Vio Quejano. Ang biktima ay natagpuan ng isan –

Pinatay ko na yung TV. Dahil hindi ko kayang makita pa ang sinapit ni Vio.

"Bakit mo pinatay 'yong TV?" inis na tanong ni Ariel habang naluha ito.

"Hindi ko kayang makita si Vio sa ganoong sitwasyon" mahinang tugon ko subalit sapat na ito para marinig ng lahat.

Dumaan ang nakakabinging katahimikan sa buong kwarto. Wala sa aming makapagsalita. Hindi namin kung papaano ihahandle ang nangyayari sa amin.

I need to do something, I am the president of this class pero wala akong magawa.

Airiek Malicdem

Nagsisisi ako kung bakit hindi ko na lang siya sinama kagabi. Sana hindi nangyari sa kanya ito. Sana buhay pa siya hanggang ngayon. Sana kasama pa namin siya ngayon. Sana – puro sana na alam kong hindi na magkakatotoo dahil patay na siya. Patay na ang aking matalik na kaibigan. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa aking mga kaklase. Ang kaso ang kinaiinisan ko lang ay hindi ko alam kung ano at sino ang dahilan ng laha ng itot. Bakit niya ito ginagawa sa amin, bakit ang mga buhay pa namin ang gusto niyang kuhain. Bakit sa amin pa itong nangyayari? Nakakainis. Wait a minute, baka naman isa sa aking mga kaklase ang gumagawa nito sa amin. Kunyari ay natatakot din siya pero deep inside ay tumatawa na siya. Maybe si – tama siya yung perfect man para gumawa nito sa amin kailangan kong subaybayan siya. Tama, siya siguro. Magbabayad siya.

The Murderer

Sumasang-ayon ang lahat sa aking plano, nagkakagulo na sila na parang mga tanga. Hawak ko na sila sa leeg, hindi na sila makakawala pa. Ang tanging paraan lang para sila ay makawala ay ang kanilang walang kwentang buhay. Sa bawat myembro ng klasing ito ay may malaking bahagi kung bakit ako naghihiganti sa kanila. Magbabayad sila, hindi nila ako masisisi kung bakit ako nagkaganito, pinatay nila ang aking mahal, pwes ngayon ako naman ang papatay sa kanilang lahat.

Dave Vitoriano

Kinumbinsi ko si Airiek na h'wag ng isama si Vio kagabi dahil baka mabuking kami nito pero dapat pala isinama ko na para hindi na siya napahamak pa. Ginawa ko 'yon dahil pinaghahandaan namin yung birthday niya sa susunod na araw. Gusto sana namin surpresahin siya, nabaliwala na ito dahil napaslang siya ng hindi pa namin nakikilalang tao. Poot at galit ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung saan ito nanggagaling pero ang alam ko ay namatay ang isa kong kaibigan. Gusto kong gumanti pero hindi ko alam kung saan at kung sino ang paghihigantihan ko. What if nasa paligid ko lang siya? What if isa sa aking classmates ang gumagawa nito sa akin at sa iba bang inosente, pero imposible naman 'yon bakit naman nila gagawin 'yon sa iba pero posible rin pala dahil may napapansin akong iba sa aking isang kaklase, ang bilis niyang magpalit ng emosyon. Nakakapagtaka talaga siya, what if siya yung killer, kailangan ko siyang maunahan, kailangan ko silang patayin.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now