CHAPTER 40

12 2 0
                                    


Mikko Paulino

Nasa third floor ako ngayon at naghahanap ng magagamit pero bigo akong makahanap ng bagay na pandepensa. Masyadong planado itong nangyayari sa amin. Masyado kaming nagbasta-basta at hindi namin na isip na pweding patibong ito. Bigla akong napalingon sa hallway nung may narinig akong nagsalita. Hindi ko kilala ang boses nito pero natatandaan ko ito kung saan ko ito narinig doon sa voice message nareceive ko nung nakaraang araw.

"Mikko, let's play hide and seek... Ako ang taya!"

"Hide and seek your face" sigaw ko dito.

"Okay, tagu-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo..."

Hindi ko pa rin siya makita kahit maliwanag ang hallway.

"Isa"

Nagpalinga-linga ako subalit wala akong nakita.

"Dalawa – malapit na ako Mikko"

Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya napagdesisyunan ko ng tumakbo pababa ng bahay. Nung nasa baba na ako ay doon ko nakita sina Lance na may hawak na baril, si Archibald na may hawak na kutsilyo at si Dan Chris na merong itak.

"Guys, nandito na sa loob 'yong killer!" sabi ko sa kanila sabay dumilim ang paligid.

"Shit!" sigaw ni Lance.

"Sinong may flashlight?" tanong ni Archibald.

Magsasalita sana ako nung may narinig kaming nagsalita.

"Guys, ituloy na natin ang laro" sabi nito.

"By the way, lima na lang tayong maglalaro dahil nagpapahinga na si Bernard."

"Bakit ganoon, bakit alam niya ang pasikot-sikot dito sa bahay?" tanong ko.

"Lance?" tawag ko dito.

"Wait lang, kung ano man ang iniisip mo... ay hindi ko alam. Nagtataka rin ako!" pagtatanggol ni Lance sa sarili.

"Guys, h'wag na tayong magbintangan pa, ang mas importante ay kung papaano ito matatapos!" kalmadong sabi ni Dan Chris.

"Pero – " naputol 'yong sasabihin ko nung nagsalita yung killer.

"By the way, I'm Drake Cayetano – Brother of Jane Praise Cayetano! so let's start the game" sabi nito na hindi namin alam kung saan ito nagtatago.

"Hindi ko siya masyadong kilala pero sabi ni Dave may kapatid nga si Jane na lalake na galing state pero matagal na daw itong hindi nauwi dahil sa trabaho nito, kaya sina Jane ang napunta sa U.S para bisitahin ito.

"Tago-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo"

Hindi ko na alam ang gagawin ko, ayaw ko pang mamatay kaya inagaw ko kay Lance 'yong baril at ako ay tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta kailangan kong magtago. Narinig ko pang tinawag ako ni Lance subalit hindi ko na ito pinansin pa. Narinig ko na rin 'yong killer na si Drake na nagsisimulang magbilang.

"Isa"

"Mikko, ibalik mo sa akin 'yong baril" sigaw ni Lance.

"Dalawa"

Hindi ko naalam kung ano na ang ginagawa nung tatlo nung natapos na magbilang si Drake.

"Tatlo"

Napakalaki rin ng kasalanan ko kay Jane. Alam ko ang nangyari pero tikom ang bibig ko. Hindi ako nagsalita o nagsumbong, nanatili akong tahimik. Ngayon, kailangan ko nang bayaran ang pagkakautang ko sa kanya, nagsisisi na ako ngayon sa aking ginawa.

Natagpuan ko ang aking sarili na nasa isang kwarto sa pangatlong palapag, nakatago ako sa isang walking closet, malaki ito at kasya ang limang tao.

Lance Cortez

Hinabol ko si Mikko paakyat ng bahay para mabawi ang baril ni papa, subalit bigo ako dahil napakabilis nito. Nandito ako ngayon sa pangatlong palapag at halos nalibot ko na ang mga kwarto subalit hindi ko siya nakita. Bigla akong napatingin sa kisame ng pangatlong palapag nung may narinig akong kaluskos sa pangapat na palapag. Bigla akong kinabahan dahil baka doon nagtago si Mikko kaya nagmadali akong umakyat dito. Hindi pweding malaman ng mga kaklase ko ang sekreto ng aming pamilya, hindi maaaring makita nila ang laman ng kwarto sa dulong bahagi ng pangapat na palapag na merong kulay pulang pinto. Nung naka-akyat na ako at nabuksan ang unang pinto ay lalo akong kinabahan nung napansin kong medyo bukas ang pinto sa dulong bahagi nito. Nagmadali akong pumunta dito at nung nandoon na ako at nasa harapan ng pinto ay may napansin agad ako dito, may nakaukit sa pinto na salita.

"Per Lusum Latitare et Quaeritara"

Natandaan ko agad itong salitang ito dahil ito yung nakalagay sa sulat na natanggap namin dati. Simula noon hindi na ako mapakali, kaya niresearch ko at nalaman ko ito na isa itong Latin verb na ang ibig sabihin nito ay "to play hide and seek," lalo akong napasigaw nung nakita ko ang daan papasok dito. Puro dugo ang sahig nito, dahan-dahan kong tinulak ang pinto upang ako ay makapasok.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now