CHAPTER 42

14 2 0
                                    


Archibald Silva

Kanina ko pa hinahanap sina Lance subalit hindi ko sila makita. Naghiwalay-hiwalay kami kanina nung tumakbo si Mikko papalayo sa amin. Bigla akong napatingin sa aking paligid nung may narinig akong putok ng baril. Nandito ako ngayon sa pangatlong palapag. Hinanap ko 'yong putok ng baril kung saan ito nagmumula, isa, dalawa, hanggang apat na putok ang narinig ko. Natagpuan ko ang aking sarili na nasa huling kwarto, kwarto ito nina Lance at Neil kung hindi ako nagkakamali. Hinawakan ko na 'yong doorknob at pinihit ito. Nung nabuksan ko na ito ang sumalubong agad ay ang lamig ng hangin na galing sa bintana. Medyo madilim din ang kwarto kahit maliwanag ang buwan sa labas, dahil sa malalaking kurtina nito sa bintana.

"Guys?" tawag ko sa kanina subalit katahimikan ang sumagot sa akin.

"Lance, Mikko, Dan Ch-" naputol yung sasabihin ko nung may naramdaman akong malamig na bagay sa likod ng aking ulo.

"Ops boom, Archie!" sabi nito.

Unti-unti akong humarap dito at nakita kung sino ito.

"Drake, please itigil mo na ito!" pakiusap ko dito.

"Shut up, Archie pinatay ninyo si Jane!" sigaw nito sa akin habang nakatutuk yung baril sa aking mukha.

"Hindi namin siya pinatay, it was an accident!"

"Liar!" sigaw nito.

"Plea-" naputol yung sasabihin ko nung binaril nito ang aking kanang binti. Bigla akong napasigaw sa sakit at natumba sa sahig pero nung nakabawi na ako nang lakas ay dahan-dahan akong tumayo. Nung akmang babarilin niya ako, ay inagaw ko sa kanya 'yong baril subalit hindi siya pumayag, kaya nag-agawan kami dito. Nag-agawan lang kami na para bang lollipop ang pinag-aawayan. Lumipas ang ilang sandali ay biglang pumutok ang baril, isa, dalawa hanggang tatlong putok. Namilog ang aking mata nung marinig ito, binitiwan ko 'yong baril at ako ay umatras. Nakita ko si Drake na nakatawa sa akin na para bang tagumpay subalit lumipas ang kalahating segundo ay bumagsak na ito sa sahig at kumalat ang dugo mula sa katawan niya. Nagmadali akong lumabas sa kwarto kahit ako ay papilay-pilay at nung nasa baba na ako ay napansin ko si Dan Chris na nakatayo sa gitna ng salas na puro dugo ang damit nitong kulay dilaw at meron itong hawak na itak sa kaliwang kamay.

"Oh my god, Dan Chris – tapos na!" sigaw ko dito habang papalapit dito.

"..."

"Patay na si Drake, napatay ko na siya" sabi ko dito habang niyayakap ko ito.

"The game is over!" sabi ko dito habang nakayakap pa rin dito.

"No, hindi pa" bulong nito sa akin.

"An-" naputol yung sasabihin ko nung sinaksak ni Dan Chris ang aking tiyan gamit ang itak nito. At ako ay napaatras at natumba sa sahig.

"Hindi pa tapos ang laro, dahil nandito pa ako! Ako kaya ang taya!"

"Please, Dan Chris itigil mo na ito, aksidente lang ang lahat!" pakiusap ko.

"Alam kong aksidente ang lahat at alam kong buhay pa siya nung iniwan ninyo si Jane sa lumang gusali"

"Ha?" gulat ko tugon dito.

"Ako talaga ang pumatay sa kanya!"

"Bakit mo ito ginagawa?" maluha-luha kung sabi dito.

"Wala lang, gusto ko lang may magantihan!" nakangiti nitong sabi sa akin "pero alam mo ba, ang totoong dahilan kung bakit gusto ko kayong mamatay lahat, dahil sawang-sawa na ako sa inyong mga masasakit na pangungutya at pagpapahiya sa akin. Galit talaga ako sa inyo. Ginamit ko lang ang aksidente ni Jane para matago ko ang tunay kong hangarin, ang sarap sa feeling kapag humihingi kayo ng awa. At dahil sa inyo nabuhay ang aking pangalawang pagkatao" dagdag pa nito.


Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now