CHAPTER 4

18 4 0
                                    


Airiek Malicdem

Ano ba yan! reklamo ko.. sinumulan ko na ang laro, Tago-taguan, maliwanag ang buwan pagkabilang ko nang tatlo nakatago na kayo, isa..........dalawa........... tatlo.....pagharap ko sumalubong sa akin ay ang malamig na simoy ng hangin at ang kadiliman ng paligid pero salamat sa liwanag ng buwan nabibigyan ito ng kakaibang ganda. Takte nakakapanglaw pero ang ganda panginstagram to, saad ko sa sarili ko habang nakuha ako ng mga litrato at pagkatapos kong kumuha ng litrato ay nagsimula na ako maghanap... makalipas ang limang minuto ay wala pa rin akong nahanap. Takte yan ang gagaling ng mga kaklase kong magtago, naghanap pa rin ako hanggang sa napadpad ako sa likod ng bahay sa may tubuhan... nagsimula na akong maghanap pero wala pa rin akong makita hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa may dulo ng tubuhan, at nagmadali agad akong pumunta doon.

Marco Cada

Tago-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo isa.... dalawa... tatlo... ito ang huli kong narinig kay Airiek habang naghahanap ako ng pweding taguan. Saan kaya ako pwedeng magtago? Bawal sa loob ng bahay, saan kaya? Aha! Doon sa may tubuhan, hindi ako makikita doon ni Airiek. Kumaripas na ako ng takbo papuntang tubuhan. Umupo na ako para magtago, mabuti na lang maliwanag ang buwan hindi nakakatakot na magtago dito. Makalipas ang limang minuto ay may narinig akong mga kaluskos mula sa harapan ko. Nakita ko si Airiek naghahanap pa rin, hahaha hindi niya ako nakita. Pinagmasdan ko si Airiek na papalayo sa aking kinatatayuan. Safe talaga ako dito, saad ko. May narinig nanaman akong mga munting kaluskos sa aking likuran. Sino yan? tanong ko, nagsimulang magsitayuan ang aking mga balahibo. Sino yan? tanong ko ng may mas malakas na boses pero wala pa ring sagot. Tumayo na ako para umalis subalit napatigil ako noong may narinig akong pagtawag sa aking pangalan. Marco?... lilingon sana ako sa aking likod subalit may biglang humampas sa aking ulo na matigas na bagay para itong kahoy, ito ang huli kong naalala bago ako nawalan ng malay.

Airiek Malicdem

Nagmadali akong tumungo kung saan nagmumula 'yong mga ingay. Noong nandoon na ako nadismaya ako dahil hindi ko kaklase ang nakita ko kundi isang baboy, baboy na nakatali sa isang puno. Napagdisyunan ko na maghanap sa ibang parte ng bahay pero bago ko sila mahanap sa may narinig akong sigaw mula sa harapan ng bahay.

"Save" sigaw ni Bernard

Naglabasan na rin yung iba.

"Ang hirap ninyong hanapin e" reklamo ko

"Hala, apat na yung mata mo hindi mo pa rin kami nakita" saad ni Fheil

"Babawi ako, promise!" Pangako ko

"Guys, have you seen Marco?" saad ni Archibald. Tiningnan namin ang bawat isa, "si Marco wala?" saad ni Dave

"Hindi nandito, di ba nga wala..ang syunga mo talaga e" sabi ko dito habang nakangiti

"Baka may nakilalang babae diyan" saad ni Rene

"Tange! Walang ibang tao dito kundi tayo lang" nakangiting saad ni Gep.

"Let's wait for him" saad ni Rommel.

Makalipas ang sampung minuto ay walang Marcong lumabas. Nagsimula na kaming kabahan.

"Guys baka napano yun, alam naman natin na may pagka abno yun" saad ni Louisse

"At isa pa medyo PTT (Patangatanga) yun" saad ni Ranji

"Tara hanapin natin" saad ni Julius

"Good idea, maghiwa-hiwalay tayo para madali nating mahanap si Marco" saad ni Archibald

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now