CHAPTER 14

9 1 0
                                    


Neil Carias

"Kuya Neil, hindi namin makita sina Dan Chris, Lance, Lhyrrie, Archie at Julius" sabi nung tatlo nung nandoon na sila sa salas.

"Wait si Kuya Lhyrrie ay nasa banyo" sangat ni Gep. "Tawagin mo bilis" utos ko.

Nagmadali namang sumunod si Gep sa utos ko. "Guys, anong nangyayari?" takang tanong ni Lance habang ito ay papalapit sa amin.

"Saan ka ba galing?" galit na tanong ni Bernard, kanina pa kita hinahanap e.

"nasa basement lang ako kanina pa ah, ano ba talaga ang nagyayari dito?" Taka nitong tanong sa amin. Magsasalita sana si Bernard noong pumasok si Dan Chris ng bahay.

"SAAN KA NAMAN GALING HA?" Tanong ni Bernard na halatang galit ito dahil sa bawat salitang binibigkas nito ay may diin.

"Sa labas bakit?" takang tanong nito habang ang mga pawis nito ay tumutulo pa para bang galing ito sa malayong takbuhan.

"Nakita mo ba si Archibald?" Tanong ni John Chris kay Dan Chris.

"Hindi pa e, ano ba talaga ang nangyayari. tinatakot ninyo na ako" sabi ni Dan Chris.

"Si Kuya Archie" ayon sigaw ni Mikko habang tinuturo ito kung nasaan ito nakapwesto.

"Hoy Archibald, pumunta ka nga dito" sigaw ko na may autorative voice.

Nagmadali namang bumaba si Archibald at noong nandoon na ito ay nagtanong ito.

"Anong problema?" tanong nito.

"Malaki!" mahinang sabi ni Vio pero sapat na ito para marinig ng lahat.

"Hay, bakit ang tagal ni Gep. Nasaan na ba yung dalawa?" Inis na sabi ko sa kanila.

"Kuya Neil ayun sila O" turo ni Rommel.

"Hoy para kayong naglalakad sa buwan, bilisan ninyo nga" Sigaw ko. Noong nandoon na yung dalawa ay nag salita si Lhyrrie.

"Ano naman ang nangyayari sa atin?" nakakunot noong sabi nito sa amin.

"Kasi kanina habang kami naliligo sa dagat" panimula ni Dave sa amin.

"Kasama ko sin –" napatigil bigla si Dave sa sasabihin niya noong napatingin siya sa may bintana at sinundan naman namin ang mga tingin ni Dave pero bigo kaming makita ang nakita ni Dave.

"Maa-taa-ndaa" utal na sabi ni Dave sa kanila.

"Ano?" Tanong ni Archibald.

"Matanda!" Ulit nito habang tinuturo yung bintana. Tumingin kaming lahat sa bintana sa pangalawang pagkakataon pero bigo pa rin kaming makita ang sinasabi ni Dave na matanda.

"Wait guys meron din akong nakitang matanda kanina" sangat ni Vio.

"Ano ba ang mga pinagsasabi ninyo?" takang takang sabi ni Ariel sa amin.

"Yung matanda na muntikan na nating masagasaan kahapon ay nakita ko ulit siya kanina sa likod bahay" paliwanag ni Vio.

"E ano naman ang pakialam naming doon e ikaw ang hanap noon, baka naman pare bading yun tapos sinundan ka dito" nakatawang sabi ni PJ sa kanila. "Ano ba PJ hindi nakakatawa, kasi yung matanda may sinabi sa akin kanina, ang sabi ay "WALA NA KAYONG TAKAS, MAMAMATAY NA KAYONG LAHAT".

"Scary, ano ang ibig sabihin niya?" Tanong ni Kim habang halatang halata sa kanyang mga kilos na hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan. "Hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin niya" pagpapaliwag ni Vio sa lahat.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu