CHAPTER 43

32 3 0
                                    


5 Years Ago

Dan Chris Salvania

Biglang nagvibrate ang aking cellphone sa aking bulsa nung nanonood ako ng T.V sa aming sala gabi ng March 1. Kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa ang laman nito, bigla akong nagulat nung makita kung sino ang nag text sa akin si Jane,

Girlfriend XD,

Hi babs, nandito ako ngayon sa lumang gusali. If you want to join me here, meron akong bagong friends. Bye ily J

"Nasa Pilipinas na si Jane" nakatawa kong sabi sa aking sarili.

Tumayo na ako at nagmadaling umalis ng bahay. Ititext ko sana si Jane nung namatay ang aking cellphone.

"Shit, lowbat!" reklamo ko.

Wala na akong nagawa kundi sumakay sa aking sasakyan at nagdrive papunta kay Jane. Alam ko kung saan 'yong sinasabi nito dahil doon kami laging nagkikita. Bigla akong napaisip nung narealize kong meron siyang "bagong friends?" pero binalewala ko na lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nung nandoon na ako at nakapark sa ilalim ng puno ay may napansin akong mga pamilyar na mukha na lumabas galing sa lumang gusali. Mga kaklase ko ito.

"Bakit sila nandito?" taka kong tanong sa aking sarili.

"Sila ba 'yong sinasabi ni Jane na bagong friends?" dagdag ko.

Nung masiguro ko na nakaalis na ang lahat, ay nagmadali akong pumunta sa lumang gusali. Binuksan ko 'yong gate at pumasok ako dito. Bigla akong napasigaw nung napansin kong nakahiga si Jane.

"Jane!" sigaw ko dito.

Lumapit agad ako dito at lumuhod sa kanyang harapan. Nakita kong nagmulat ito.

"Toto" mahina nitong tawag sa akin.

"Shhh" sabi ko dito.

"It was an accident, wala silang kinalaman"

"No, I will call a police!" sabi ko dito habang kinukuha ko 'yong bag nito sa kanyang tabi. Hinalungkat ko ito para makuha ang kanyang cellphone subalit iba ang nakuha ko, sobre na may pangalan ko. Binuksan ko ito at binasa.

Dear Toto,

Papaano ko ba ito sisimulan – Ah e, I will straight to the point na Toto, I need space! Kailangan ko munang mag-isip, maghiwalay na muna tayo – may gumugulo kasi sa aking isipan. Pasensya na but remember this I love you,

Sorry Dan Chris

Yours,

Jane P.

Pagkatapos ko itong basahin ay biglang dumilim ang aking paningin, hindi ko alam ang gagawin ko... gusto kong makasakit o kung ano man. Nakakita ako ng isang malaking bato sa kanan ko at kinuha ito.

"Naging tapat ako sayo Jane, bakit mo ito nagawa sa akin?" maluha-luha kong sinabi dito.

"I just need space, Dan" nakapikit nitong bulong sa akin.

"No, siguro may nakilala ka na sa Amerika no?" galit kong sabi dito.

"Gusto mo patayin ko rin siya katulad ni Craig?" dagdag ko.

"And? Wait lang Dan, hindi ko maintindihan... pinatay mo si Craig?" hindi ito makapaniwala sa kanyang naririnig.

"Yes, I killed him – kasi nga sobra kitang mahal... tapos gagaguhin mo lang ako!"

"Wait lang, hindi kita ginagago... kailangan ko lang mag-isip!"

"No, kasinungalingan!"

"Hindi ako nagsisinungaling Dan-" hindi ko na pinatapos pang magsalita ito dahil hinampas ko na 'yong bato sa ulo nito. Pinag-ulit-ulit ko ito hanggang sa hindi na ito gumagalaw pa. Tumayo na ako at binitawan ang bato na hawak-hawak ko at ako ay umalis sa lumang gusali.

Present

"Ano na Archie, game over na tayo"

"Hayop ka!" sigaw nito.

"Dahil sa inyo!"

"Wala kaming kasalanan, pinatay mo siya – hindi kami!"

"And so what, sinong makakaalam... si Drake? O come on pinatay mo na siya. And thank you nga pala dahil wala na akong problema sa kanya!" sabi ko dito sabay taga ng itak sa mukha nito.

Hindi ko na alam kung ilang taga ang natanggap niya mula sa akin.

Bigla akong napatigil sa pagtaga nung may narinig akong putok ng baril at bigla rin akong nakaramdam ng masakit sa aking likod. Dahan-dahan akong humarap dito at laking gulat ko nung makilala ko ito.

"Shit Drake, buhay ka pa?" sigaw ko dito.

"Hayop ka, you killed my sister!"

"No, I didn't"

"Gago, ako pa ang pinagsinungalingan mo. Narinig ko ang lahat!" sabi nito sabay putok ng baril at tumama ito sa aking kanang dibdib, bigla akong napasigaw sa sakit.

"Let me ex-" naputol yung sasabihin ko nung muling pinutok pa nito ang baril, tumama ito sa aking leeg. Halos sabay kami ni Drake na bumagsak sa sahig. Napasigaw ako sa sakit, bumabagal na ang tibok ng aking puso at ako'y nahihirapan huminga. Alam kong malapit na akong mamatay pero bago ako tuluyang malagutan ng hinginga ay nagsibalikan ang lahat ng alaala sa aking tuwina na kasama ang buong klase, lahat ng tawanan at sekreto na pinagsamahan namin. Nasayang lang ang lahat dahil sa akin. At biglang sumagi sa aking isipan si Jane, na nakangiti at tumatakbo papalayo sa akin. Ito ang huli kong naalala bago ko ipikit ang aking mata.

+++

Tago-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo...

"Isa!"

"Dalawa"

"Magtago na kayo"

"Tatlo!"

"Huli ka!"

Napabalikwas ako ng gising at ako ay nalaglag sa aking kinauupuan.

"Aray!" daing ko habang hinihimas ang aking puwet.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at doon ko nakita ang aking mga kaklase na nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Ano ba naman Dan Chris, tulog ka ng tulog. Hindi ka tumutulong eh" nakangiting sabi ni Archibald na aming presidente.

"A, e sorry... ano ba ang problema?"

"Di ba nakagawian na ng klase natin ang laging nagbabakasyon, eh bukas na ang umpisa ng ating bakasyon – may alam ka bang place na pwede nating puntahan?" sabi nito.

"A, e... doon na lang tayo sa probinsya ni Lance, sa San Francisco, Quezon" sabi ko sa kanila.

"Ha?" sabi ni Lance "Papaano mo nalaman na meron kaming bahay sa San Francisco, Quezon?"

"Uhm, doon na lang tayo!" dagdag ko dito sabay ngiti.

-Wakas-

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon