CHAPTER 38

10 2 0
                                    

"Nasaan na sina Neil, Fheil at Kim? Dalawang oras na ang lumipas pero wala pa sila" sabi ni Archibald na may inis sa kanyang tono.

"Tawagan ninyo ulit" dagdag nito.

Tinawagan ni Airiek si Fheil. Si Lance naman si Neil, at si Bernard naman si Kim.

"Out of coverage" sabi ni Lance.

"Nagriring lang pero hindi sumasagot" sabi ni Bernard.

"Wala ring sumasagot" sabi naman ni Airiek.

"Ano ba ang nangyayari sa kanila, Kailangan na nating makaalis at pumu-" naputol yung sasabihin ni Dan Chris nung tumanog ang mga cellphone nina Airiek, Lance at Bernard.

"Huh? Neil – A" sabi ni Lance.

"Kim – H" sabi ni Bernard.

"God, Fheil – I" sabi ni Airiek.

"Shit, Hindi it maaari buo na ang mystery word buo na ang "CLASS MASAYAHIN". Shit, hindi si John Chris ang kasunod ni Dave sa sitting arrangement kundi si Neil, sinundan pa ito ni Kim at pang huli ay si Fheil" sabi ni Archibald na hindi makapaniwala sa kanya pinagsasabi.

"We need to move on, kailangan na nating pumunta sa San Francisco at tapusin ang laro" sabi ni Dan Chris.

"Yes, we need to go – tapusin na natin ito" sabi ni Lance.

"Tara na!" sabi ni Airiek na may takot sa kanyang tono.

+++

"Lance, nasaan na tayo?" tanong ni Archibald.

"Catanuan, Quezon na!" sagot naman ni Lance.

"Guys, natatakot ako" sabi ni Mikko habang nakatingin ito sa bintana.

"Sino bang hindi" sabi ni Dan Chris.

Makalipas ang halos dalawang oras nakalagpas na sila sa huling bayan bago makarating ng bayan ng San Francisco, Quezon.

"Guys, lagpas na tayo sa Mulanay... nandito na tayo" sabi ni Lance

"Shit!" mahinang sabi ni Airiek pero sapat na para marinig ng lahat.

"Tara na guys, 6:47 pm na – masyado tayong gagabihin sa laot" sabi ni Lance.

Naglakad na sila patungo sa dalampasigan, bawat nadaanan nilang bahay ay kilala si Lance.

"Sir Lance?" sabi ng isang matandang lalake.

"Mang Nestor, sakto we need a boat"

"Sige po, ipapasama ko na lang kayo kay totoy"

"Ah eh h'wag na po... kaya na namin ito"

"Sige po sir, nasa dalampasigan po 'yong aming bangka – alam naman po ninyo kung alin 'yong bangka namin."

"Sige po mang Nestor, maraming-maraming salamat po sa lahat. Paregards na lang po kay Manang Esther at Conan. Maraming salamat po sa pag-alaga sa bahay." Sabi ni Lance na merong maluha – luhang mata.

"Wait lang Sir" sabi nito "sino pong Conan?"

"di ba anak ninyo?" nakangiting tugon ni Lance

"Hindi po sir, ang pangalan po ni totoy ay Harry" sabi nito "teka lang sir tatawagin ko"

Napatingin si Lance sa kanyang mga kaklase, na para bang nagtatanung ng "Sino si Conan"

Lumipas ang mahigit kalahating minuto ay dumating na si mang Nestor kasama ang isang lalake na halos kasing-edadan lang nila.

"Sir, ito po si Harry" sabi nito "matagal na rin po kasi kayong hindi nagkikita simula nung bata pa kayo e"

Tumango lang si Lance bilang tugon dito

"Harry, si Sir Lance" sabi ni mang Nestor

"pero sino 'yong sumundo sa amin nung nakaraan?" sabi ni Lance na nagtataka.

"yon na nga Sir" sabi ni mang Nestor "nung dumating kami doon sa bahay ay nakalock na po ang bahay at wala na po kayo doon"

Tumingin si Lance sa kanyang mga kaklase na may halong takot at pagtataka.

"Sir ayos lang po ba kayo?" sabi ni mang Nestor "mukha po kayong natatakot"

"Basta Mang Nestor salamat" nakangiti nitong sabi "Uuna na po kami"

Hindi na nagulat sina Airiek noong nagbago ng emosyon si Lance. Alam na nilang mabilis itong magpalit ng mood sa isang pikit mata. Nagpaalam na sila kay Mang Nestor at nag-patuloy na sa paglalakad at nung naabot na nila ang dalampasigan.

"Guys, ito na 'yong bangka ni Mang Nestor" sabi ni Lance.

"Tara na!" seryusong sabi ni Archibald.

Nagsimula na silang sumakay sa malaking bangka.

"Guys mabuti na lang maliwanag ang buwan, hindi tayo mahihirapang hanapin ang daan" sabi ni Lance.

"Classmates, maiba ako – ano man ang mangyari sa atin sa isla – gusto ko sanang humingi ng sorry at salamat sa inyo" sabi ni Bernard na may luha sa kanyang mata.

Umusad na ang bangka sa dalampasigan. Lumipas ang mahigit ang 45 minutes ay natanaw na nila ang isla.

"Bakit parang lalong nakakatakot ngayong ang isla" sabi ni Airiek.

Lumipas na ilang sandali ay sumadsad na ang bangka sa dalampasigan.

"Tara na?" sabi ni Mikko.

"Sinong may relo, anong oras na?" tanong ni Archibald.

"8:05 pm na Archie" sabi ni Airiek.

"Naglakad na sila sa masukal na daan.

"Mabuti na lang maliwanag ang buwan, hindi na natin kailangang mag-ilaw" sabi ni Dan Chris.


Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now