CHAPTER 9

16 2 0
                                    


Present day

" Guys wala pa rin sina Grant" saad ni Archibald. "Sobrang lalim na yung gabi, baka napano na yun?" sambit ni Vio

"Ganito na lang guys, matulog na muna tayo dahil pagod tayo sa mahabang byahe kanina at isa pa anong oras na 12:45 am na, kailangan din nating magpahinga" saad ni Neil

"Oo nga bukas na lang natin sila hanapin" sangayon ni Lance

"Pero –" naputol ang sasabihin ni Julius noong nagsalita si Archibald

"Tama sina Lance at Neil, we need to rest" saad ni Archibald. "Umakyat na kayo para matulog, utos pa nito

"Ok" sabay sabay na sagot ng lahat.

Nagsimula na silang umakyat. "Good night guys" paalam ni Archibald sa lahat.

Gep Gondra

Naalimpungatan ako noong may narinig akong mga ingay sa baba ng bahay. Ginising ko si Lhyrrie pero hindi ito magising. Takte si kuya Lhyrrie tulog mantika talaga, reklamo ko sa sarili. Nagsimula na akong tumayo sa kama at nagsimulang maglakad patungong pintuan ng aming kwarto. Noong nakalabas na ako ng aming kwarto ay ang sumalubong sa akin ay ang napakadilim na hallway. Takte ang dilim naman, wala akong makita at bakit ang lamig dito, reklamo ko. Nagsimulang mapanglaw ako sa aking naramdaman pero hindi na ko ito pinansin at nagpatuloy na ako sa paglakad patungong hagdanan. Noong naabot ko na yong hagdanan ay tuluyan na akong bumaba para tingnan kung ano ang ingay sa baba. Noong nandoon na ako sa baba ay wala akong nakita kundi kadiliman. Takte wala naman, baka guni-guni ko lang yon reklamo ko sa sarili at nung paakyat na ako para bumalik sa aking kwarto ay may nakita akong pigura ng tao sa may kusina. Hindi ko ito maaninag dahil sa kadiliman. Sino yan? tanong ko pero hindi ito sumagot bagkus ay lumapit ito sa akin. Biglang binalutan ako ng takot dahil sa hindi ko mapaliwanag na nararamdaman. Sino yan? ulit ko noong malapit na yong tao sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag noong nakilala ko kung sino yung tao sa may kusina.

"Bryan!" gulat na tawag ko sa ngalan nito. Anong ginagawa mo sa kusina ng ganitong oras? nagtatakang tanong ko kay Bryan.

"ah...eh nagutom kasi ako kaya ako bumaba" paliwanag ni Bryan

"Sige tutulog na ulit ako akala ko ay magnanakaw o sina Grant, sige na aakyat na ako bahala ka na diyan. Ang aga mong gumising e, reklamo ko.

"Sige!" tugon ni Bryan.

Bryan Fatalla

"Please, h'wag mong gawin yan!" sigaw ko

"Maawa ka kay Grant please let him go!" pakiusap ko, pero wala pa rin itong tugon.

"Please, please, please!" pero parang wala itong narinig pinagpatuloy pa rin nito ang pagpatay kay Grant. Nagtalsikan ang mga dugo nito sa mukha nito at bigla itong tumawa ng parang baliw at pagkatapos nitong tumawa ay bigla ito umimik, ang boses nito ay parang hinugot pa sa kailaliman ng lupa parang demonyo ang boses nito.

"ANG MGA BUHAY NINYO AY HINDI PA SAPAT PARA BAYARAN AKO"

sabay tawa ng napakalakas. Napabalikwas ako ng gising.

"Ano ba 'yon?" reklamo ko, ito agad ang nasambit ko. Takte nakakatakot parang totoo, anong ibig sabihin nito! Napatingin ako sa orasan na malapit sa aking kama, 3:00 am pa lang. Takte ang aga pa! makatulog muna ulit, pero kahit anong pilit kong matulog ulit ay hindi na ako dinalaw ng antok. Takte ano ba yan! reklamo ko ulit at makalipas ang limang minuto napagdesisyunan kong bumaba muna para makainom ng tubig dahil kailangan kong makabawi ng hininga. Nagsimula na akong tumayo at nagtungo sa may pinto, pinihit ko yung doorknob at binuksan, ang sumalubong sa akin ay ang napakadilim na hallway at ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat na hindi ko alam kong saan nanggaling. Hindi ko na pinansin ang aking naramdam, nagtungo na agad ako sa may baba at dumiretso sa kusina. Pinindot ko 'yong switch ng ilaw pero hindi ito sumisindi. Ay takte nalimutan ko, automatik nga palang namamatay ang ilaw kapag ng ala una ng madaling araw. Pumasok na ako sa kusina ng tuluyan at hinanap ang refrigerator, hindi naman ako nahirapan sa paghahanap kahit madilim ang paligid. At noong nasa tapat na ako ng refrigerator ay hinawakan ko na yong handle at binuksan, 'aaahhhhhhaaaahhhh" sigaw ko.

Natakot ako dahil nakita ko yong ulo ko na nakalagay sa may plato. Hindi ko alam ang gagawin ko, sinarado ko yong pinto ng ref. Binuksan ko ulit ito, pagbukas ko ay wala na yung ulo ko ang nandoon na lang ay ang ulo ng baboy na binili nami kahapon. Putcha malik mata lang, reklamo ko pero bigla na lang tumayo ang aking mga balahibo, pero hindi ko na ito pinansin at sinarado ko na ng tuluyan ang pinto ng refrigerator. Hindi na ako uminom ng tubig dahil sa takot, nagtungo na agad ako sa may hagdanan at doon ko nakita si Gep na nakatayo at parang pinagmamasdan ako. Sumigaw ito "Sino yan?" tanong nito. Hindi ako sumagot bagkus nilapitan ko siya at malapit na ako sa kanya ay bigla itong sumigaw ulit na parang natatakot

"sino yan?" tanong ulit nito.

Noong nandoon na ako sa kanyang pwesto ay tinanong niya ako ng ano daw ang ginagawa ko? Pero ang nasagot ko ay nagugutom ako instead of nauuhaw ako. Wala na ako sa aking pagiisip dahil sa takot. Nagpaalam na ito na matutulog na ulit, ang akala niya ay sina Grant, Louisse at Marco na. Tumugon ako ng Sige para magpaalam sa kanya. Umakyat na ito at naiwan akong mag-isa sa baba. Paakyat na sana na rin ako noong may narinig akong kaluskos sa may kusina.

"Sino yan?" sigaw ko pero nagpatuloy pa rin ito sa paggawa ng mga munting ingay. Nagsimula akong mapanglaw noong may naaninag akong pigura ng tao sa may kusina.

"Sino yan?" sigaw ko ulit.

"Kilala mo ako, h'wag kang matakot" saad ng tao sa may kusina.

"Sino ka nga?" tanong ko ulit.

"Halika dito maguusap tayo" anyaya nito

Para akong na hipnotismo sa kanyang boses dahil ang mga paa ko ay kusang naglakad patungo sa kusina na parang may sariling isipan

"Bilisan mo, halika dito malambing na panganyaya nito"

At noong malapit na ako ay bigla itong nawala. Nagpalingalinga ako subalit hindi ko siya makita. Pagkalipas ng ilang sandali ay may narinig ulit akong boses pero ang boses na ito ay nakakatakot hindi katulad ng kanina na malambing at mapangakit. Maririnig mo sa kanyang boses na sobrang galit ito, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit nito. "HINDI SAPAT ANG BUHAY MO PARA BAYARAN MO ANG PAGKAKAUTANG MO SA AKIN."

Nagulat ako dahil ito yong binanggit nung lalake sa aking panaginip kanina. At bigla akong nakaramdam ng malakas na tulak mula sa aking likod. Tumama ang aking ulo sa pader at bigla na lang dumilim ang aking paligid.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now