CHAPTER 35

8 2 0
                                    


Rommel Camonias

Kailangan ko ng maka-alis dito o makatakas sa gulong ito. Baka ako na ang isunod ng killer, halos kalahati na ng klase namin ang patay na. Tumayo na ako sa aking kinauupuan.

"Rommel, saan ka naman pupunta?" tawag na tanong ni Archibald.

"Susundan ko sina Dave at Jay-jay." Pagsisinungaling ko.

Tumuloy na akong lumabas ng hide out. At pumunta sa aking sasakyan. Nung bubuksan ko na 'yong pinto ng aking sasakyan ay biglang tumunog ang aking cellphone.

1 new message received

Unknown Number

"Hi, Rommel gusto mo ba akong makilala?" Nagreplay agad ako dito.

"Yes, who the hell are you?!!!"

Lumipas ang ilang sandali ay nakareceive ako ng mensahe mula rito.

Unknown Number

"Okay, your wish is my command, pumunta ka kung saan nagsimula ang lahat."

Lumipas ang sampung minuto bago ko makuha ang lugar na sinasabi nito.

"Alam ko na, sa lugar kung saan namatay si Jane Praise Cayetano."

Nung nasa harapan na ako ng building ay may napansin agad ako.

"Jay-jay?" tawag ko dito

Subalit wala akong natanggap na tugon mula rito. Wala rin itong kibo, nanatili pa rin itong nakahiga. Nagmadali akong pumasok at pumunta sa loob.

"Jay-jay." tawag ko dito habang inaalug-alog ko ito.

Subalit wala na akong maramdaman sa pulso nito.

"Patay na siya..."

Lumipas ang ilang sandali ay tumunog ang aking cellphone.

Unknown Number

"Rommel, umakyat ka sa pangatlong palapag at makikita mo ako doon."

Binitawan ko na si Jay-jay at nagmadaling nagtungo sa pangatlong palapag. Noong nandoon na ako, nakita ko agad si Dave na nakahiga malapit sa veranda. Pinuntahan ko agad ito.

"Dave?" tawag ko dito habang papalapit sa pwesto nito.

Nung malapit na ako, napansin ko agad na may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib nito. At puro dugo ang ulo nito na para bang nalaglag ito o inuntog sa pader. Nilapitan ko agad ito.

"Dave" tawag ko dito habang nakaluhod ako.

Kinapitan ko 'yong kutsilyo at tinanggal sa dibdib nito. Nung natanggal ko na ito ay may narinig akong mahinang pagtawag.

"Rommel?"

Nilingon ko ito at nakita si Archibald, kasama ang iba kong mga kaklse.

"What have you done?" shock na sabi ni Ranji.

"Ikaw? Ikaw yung killer?" sabi ni Mikko na merong galit sa kanyang tono.

Napatayo ako at nabitawan 'yong kutsilyo na hawak-hawak ko.

"Wait guys, mali yu-" naputol 'yong sasabihin ko nung nagsalita si Archibald.

"Bakit mo nagawang lapastanganin ang mga kaklase mo?!?" sabi nito "magbabayad ka, buhay ang kinuha mo, buhay din ang kapalit" dagdag panito.

"Wait lang guys" habang naatras ako.

Nakita kong suminyas si Archibald kina Fheil at Bernard. Nakita ko naman 'yong dalawa nagmadaling lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now