CHAPTER 7

11 2 0
                                    


2 years ago

"Class summer break na bukas, saan ninyo gustong magbakasyon" saad ni Sir Andrew

"Sasama ka Sir?" tanong ni Grant.

"Yes, sayang naman ang isang taon nating pinagsamahan" saad nito.

"O guys, nag-aakit si Sir" saad ni Archibald

"Saan niyo gusto?" tanong ni Sir Andrew

"wala po kaming idea sir" saad ni Airiek

"Wala po kaming alam na place" saad ni Lhyrrie. "Sige ganito na lang, bukas magkita tayo sa may Diversion 7:00 am"

"Saan po ba tayo?" tanong ni Marco

"doon tayo sa amin sa Sagada maraming magagandang places doon"

"Sige sir, agree kami diyan, di ba guys?" saad ni Neil.

"Yes" sabay-sabay na sagot ng lahat.

Sir Andrew Hernandez

Alam ko kasi na nagbabakasyon ang mga ito tuwing summer vacation. At alam kong papayag sila. Gusto ko talaga makasama sila, isang taon din kaming nagsama sa hirap at kasiyahan. Dito sa klaseng ito naramdaman ko natanggap nila ako.

"Saan ninyo gusto?" tanong ko ulit

Subalit wala silang mga idea or alam na places kaya napagdesisyunan ko na sa aming bayan sa Sagada na magbakasyon kasama ang aking advisory class.

"O guys don't be late" saad ni Fheil

"nakakahiya kay Sir. Magimpake na kayo pag-uwi ninyo" saad ni Bernard.

"Yes, bakasyon na naman" saad ni Rommel.

"Sana maging masaya tayo" bulong ni PJ.

"Sana nga!" saad ni Marco.

"Hoy kayo napakanega ninyo" saad ni John Chris. "Enjoyin na lang natin" saad ni Lhyrrie.

Kinabukasan

"O guys kompleto na ba tayo?" tanong ko.

"Wait lang sir kulang pa tayo" saad ni Gep.

"Sino pang kulang" tanong ni Archibald

"Si Lance po" saad ni Ranji.

Tawagan na nga ninyo, utos ko

"Sir, hindi po nasagot" saad ni Airiek.

I-try ninyo ulit" saad ko ulit.

"Sir, hindi po talaga sinasagot ni Lance" saad ulit ni Airiek.

"I'll try to call him" saad ni Ariel "Sorry sir, naring lang po yung phone ni Lance."

"Ako na ang tatawag" saad ko... Nag-ring ng isa, dalawa, tatlo at apat na ring bago nito sagutin... Nasaan ka na? Mahinahan kong tanong dito.

Lance Cortez

"H'wag mong gawin yan" sigaw ko "please, please" pakiusap ko

Nakita ko ang mga kaklase ko na wala ng mga buhay. "Please" pakiusap ko

pero parang wala itong narinig pinagpatuloy pa niya ang pagsaksak sa dibdib ni Archibald. Pagkatapos niyang gawin ito ay lumapit siya sa akin at sinabing...

"you're next"

Hindi ko makita ang kanyang mukha, madilim ang paligid ang tanging ilaw lang ay ang nasa aking pwesto. Lumapit na siya sa akin at unti-unti kong naaninag ang kanyang mukha... hindi pwedeng mangyari ito, papaano! sigaw ko.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant