CHAPTER 36

8 2 0
                                    


Mikko Paulino

Noong nareceive ko yung text ni kuya Lhyrrie ay para ba akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Naging manhid ang pakiramdam ko akala ko tapos na ang lahat, akala ko tapos na ang larong ito. Akala ko magiging tahimik na kami. Nung nakabawi na ako ng lakas ay nagmadali akong sumakay ng aking sasakyan at nagtungo sa bahay ni Ranji. Hindi naman ako natagalan sa pagbyahe dahil halos pitong kanto lang ang layo ng subdivision nina Ranji sa amin. Nung nandoon ako napansin ko agad ang mga sasakyan ng aking mga kaklase. Pinatay ko na ang makina ng sasakyan ko at ako'y bumaba. Ang daming pulis na dito at mga taong nakikiusyuso. Pagkababa na pagkababa ko ay hinanap ko agad ang aking mga kaklase. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nasa gilid sila ng bahay ni Ranji na nakabilog at mukhang nagtatalo-talo. Binilang ko ang mga ito walo at pang siyam ako, hindi ko akalain mula sa dalawangput-walo ay siyam na lang kaming natitira.

"Bernard, Kim, Neil, Lance, Dan Chris, Airiek, Fheil at Archibald" isa-isa kong tawag sa kanila.

Lumingon naman ang mga ito. Nakita kong suminyas si Archibald sa akin, kaya pumunta na agad ako doon.

"Bakit ang tagal mo!" Sabi ni Archibald sa akin.

"Late ko na nareceive yung text ni kuya Lhyrrie, kaya nga nagmamadali akong pumunta dito."

"Guys, enough na yan – ang mas importante ngayon, kung papaano ito matatapos" sabi ni Lance.

"May dalawang patay na naman sa ating klase, at siyam na lang tayo" sabi ko sa kanila.

"ayaw ko nang madagdagan pa ito." Dagdag ni Airiek.

"Mali ang hinala natin kay Rommel, wala siyang kasalanan" sabi ni Fheil.

"That's enough, wala na tayong magagawa sa bagay na yan" sabi ni Archibald.

Bigla akong napatalon nung nagvibrate ang aking cellphone sa bulsa. Kinuha ko ito at tiningnan kung ano ito. Nakareceive ako ng isang voice message. Pinindot ko yung open button at pinakinggan ito.

"Guys tumahimik muna kayo at pakinggan ninyo ito" sabi ko sa kanila.

"Ready guys?"

Pinindot ko na 'yong play button. Isa itong voice recorded.

Ang boses nito ay napakababa at nasa bass level ang tono nito.

♫ Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo, isa... dalawa... tatlo.

"HULI KA!" – sabay tawa ng malakas.

Hindi ko makilala ang boses nito. Hindi ito boses ng aking kaklase. Pipindutin ko nasana 'yong stop button nung nagsalita ito ulit.

"ANG MGA BUHAY NINYO AY HINDI PA SAPAT PARA BAYARAN AKO!! WELCOME TO MY HELL BITCHES!

Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan ang dumapo sa amin. Walang makapagsalita o makagalaw sa amin para bang naparalisa kami. Naputol lang ito noong may narinig kaming usapan ng mga pulis.

"Sir, same pa rin po yung case – may mga letra pa rin po sa bawat parte ng sugat sa katawan" sabi nung pulis na medyo bata pa sa kausap niya matandang pulis.

"Anong letra naman ngayon sa dalawang biktima?"

"Letter S po kay Ranji Mercado at yung isa naman na si Lhyrrie Guerwela ay letter S din po."

"I think guys alam ko na ang gustong buohin ng killer!" sabi ni Archibald.

"What is it?" halos sabay-sabay na sabi ng walo.

"Our Class name – CLASS MASAYAHIN" sabi nito.

"Julius – C, Vio – A, Rene – A, Reniel – N, Ranji – S, Lhyrrie – S, Emman – M" sabi nito.

"So what's now, nasolve na natin ang mystery ng mga letra... ano na ang plano?" sabi ni Dan Chris.

"Narinig natin na hindi boses ng isa sa atin ang killer, it means wala sa atin. Pinaglalaruan niya lang tayo" sabi ni Lance.

"Teka lang guys, papaanong naging Class name natin yung mystery letters?" nagtatakang tanong ni Fheil.

"Ganito yun, kapag inarrange mo 'yong mga letter based sa sitting arrangement natin. Matagal ko na itong pinag-iisipan kung ano talaga ito. Una si Marco, siya yung una sa atin at siya rin ang unang nawala" sabi ni Archibald.

"nasaan 'yong clue?" sangat ni Fhiel.

"Wait lang, patapusin mo muna ako – nagsimula 'yong mga letter kay Julius na merong letter C, di ba si Julius ang pangalawa, pangatlo si Rene na merong A at pang – apat si Ranji na may S at sinundan pa ito ni Lhyrrie na may S" sabi nito.

"Kung pagsa-samahin natin ang mabubuo ay "C A S S" – kulang ng "L" pero may napansin ako kanina sa loob ng bahay ni Ranji may letter "L" na nakasulat sa pader ng kwarto nito gamit ang dugo."

"So papaano yung natitirang letra?" tanong ulit ni Fheil.

"So same lang, yung M ni Emman, letter A ni Vio at letter N ni Reniel sa pisngi, pagsasamahin natin ay "M A N" sa-" naputol yung sasabihin ni Archibald noong nagsalita si Lance.

'Wait lang guys may napansin ako last week sa aksidente sa lumang gusali. May napansin akong mga letra – may letter S na nakasulat sa semento malapit kay Jay-jay at meron ding letra si Dave na pa letter A sa gilid nito gamit din ang dugo" sabi nito.

"O di ba, kasunod ni Lhyrrie sa hanay ng bangkuan ay si Jay-jay at kasunod nito si Dave – kaya pagsasamahin natin makakabuo tayo ng "M A S A N"" sabi ni Archibald.

"Ito pa guys merong ukit na pa letter "Y" sa pintuan ng sasakyan ni Lhyrrie – kaya makakabuo tayo ng "M A S A Y N" dagdag pa nito.

"So kulang pa ng tatlong letra "A, H, I" para mabuo ito, so sino ang isusunod nito? Teka guys sino ang kasunod ni Dave sa bangkuan?" tanong ni Neil.

"Si... Si John Chris?" hindi siguradong sagot ni Lance.

"Guys, huwag ninyo na 'yong intindihin pa dahil may mas importante pa tayong kailangang gawin" sabi ko.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now