CHAPTER 19

11 2 0
                                    


Julius Buergo

Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo, Isa.......... Dalawa........... Tatlo..... Boom! Napabalikwas ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na dumating ito. Nakatulog na pala ako ng matagal kaya pala nakakaramdam ako ng pagkasakit ng aking batok. Hello Julius, kamusta ka na? magiliw na tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot sa kanyang tanong bagkus ang sinagot ko dito ay ang malalim na buntong hininga. Oy sumagot ka naman, sabi nito sa akin na may inis sa kanyang tono. Ano ba sa tingin mo ha, syempre hindi ako maayos dito... nakatali ako at walang makita tapos hindi pa kita kilala, ano ba ang problema mo sa akin? Reklamo ko dito. Hindi ito sumagot at dumaan ang napakahabang katahimikan, ang maririnig mo lang ay ang mga hininga naming dalawa na lumalabas sa aming mga katawan. Nagulat ako noong hinawakan niya ang aking ulo at tinanggal ang aking blindfold. Nasilaw ako sa liwanag na sumasalubong sa akin at noong nakapag-adjust na ang aking mga mata sa liwanag ay doon ko nakilala ito. Nakatawa ito sa akin na katulad ng ginagawa niya dati. Bakit? Ito agad ang natanong ko sa kanya. Nilakihan pa lalo nito ang pagkakangiti sa akin. Bakit? Ulit ko dito. Tinatanong mo ako kung bakit, hindi ba alam mo ang nangyari? Nakangiti nitong bulong sa akin. Anong nangyari? Anong pinagsasabi mo? Takang tanong ko dito. Nagbago ang ekspresyon nito, nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng mga kakaibang titig na para bang gusto niya akong lamunin ng buong-buo. Para siyang DEMONYO, nakakatakot. Di ba kilala mo si Jane? Malamig nitong tanong sa akin. Si Jane Praise, O my god..., pero wala akong kinalaman sa kanyang kamatayan... wala ak- naputol yung sasabihin ko noong nakaramdam ako ng malakas na suntok sa aking mukha na galing dito. Aray, sigaw ko at saka ko lang napansin na meron pala itong hawak na itak sa kanyang kaliwang kamay noong napatingin ako sa baba. Ano ba pakawalan mo ako! Reklamo ko habang nagpipilit akong makawala sa aking pagkakatali. Ano ako tanga katulad mo?! Sigaw nito sa akin na may galit sa kanyang tono. Nagulat ako noong lumapit ito sa akin at hinawakan niya ang aking damit at sabay pinunit ito. Nung nasira na niya ang aking damit ay hindi pa siya nasiyahan, inangat nito ang kanyang kaliwang kamay at dinikit nito ang itak sa aking kanang dibdib at gumuhit ng malalim na curve line dito. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Aaahhh, please ayaw ko na, wala talaga akong kasalanan, pustahan lang lahat yun... sigaw ko sa bawat daing. Bigla itong tumigil at gumuhit ang isang linya sa kanyang mga labi. Very good, 'yon lang naman ang gusto kong malaman, malambing nitong sabi sa akin. Pumunta ito sa sa aking likod at hinawakan niya ang aking buhok. Alam mo, uuwi na sila... na hindi ka kasama, bulong nito sa akin. Ha! Gulat kong sabi sa kanya. Oo nga ang kulit mo e pero may alam akong paraan para makasama ka, sabi nito sa akin. Papaano? Pakakawalan mo na ako? Tanong ko dito. Tanga hindi. Ano ako hilo e nabuko ako, reklamo nito sa akin. Ito oh – dagdag nito. Nilapat nito 'yong itak sa aking leeg at gumawa ito ng pahalang na linya na iginuhit sa aking leeg. Nagtalsikan ang aking dugo sa sahig at sa aking katawan. Nahihirapan na akong huminga at nakakaramdam na ako ng paghina ng tibok ng aking puso. At alam ko na malapit na akong mamatay. Aaaaahhhhh ito na lang ang aking nasabi bago ako mawalan ng malay. Narinig ko pa ito nagsalita. Good bye Julius, We'll miss you at tuluyan nang dumilim ang aking paningin.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now