CHAPTER 37

9 2 0
                                    


Airiek Malicdem

Natatakot na talaga ako sa bawat nangyayari sa amin ngayon. Akala ko tapos na ito, akala ko tapos na ang larong ito Hide and Seek, pangbatang laro pero ngayon isa na itong nakakatakot na laro. Hindi namin alam kung sino ang taya o kailan kami matatagpuan nito, siyam na lang kaming buhay. Nakakapangilabot at nakakalambot siguro kapag ako na ang mahuhuli nito. Napatingin ako bigla sa bintana nung may narinig akong kumakanta ng hide and seek song.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa... dalawa... tatlo!"

Isang bata pala na naglalaro. Pagkatapos nitong magbilang ay nag hanap na ito. Hindi nagtagal nahanap na niya halos ang karamihan sa kanyang kalaro.

"Boom, huli ka!" sigaw ng batang taya.

Bigla akong napatingin sa pinto nung biglang may kumatok, pinalipas ko muna ng tatlo hanggang limang katok bago ko ito pinagbuksan. Pagkabukas ko, ang sumalubong sa akin ay isang bata na merong dalang sobre.

"Kuya, kayo po ba si kuya Erick?" sabi nito.

Bigla akong napatawa dahil sa pagbigkas nito ng aking pangalan. Airiek na naging Erick.

"Ako nga" nakatawang sabi ko dito.

"Kuya may nagpapabigay ho nito sayo" sabi nito na may ngiti sa kanyang mga labi habang inaabot 'yong sobre.

"Sino daw ang nagpapabigay?"

"Hindi ko po kilala, basta po inutusan niya ako at binigyan ng lollipop at ng mga chocolates."

Kinuha ko na 'yong sobre at sinarado ang pinto. Pumunta agad ako sa sala. Nung nandoon na ako ay dahan-dahan ko itong binuksan. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman ngayon, para bang ang hirap basahin nito.

Gusto ninyo na ba itong matapos, pumunta ulit kayo sa isla kung saan nagsimula ang laro, kung saan ninyo nilaro ang larong Hide and Seek.

P.S. You will be dead soon – happy trip...

Gusto na niyang tapusin ito sabulit alam ko ang kapalit nito. Ang mga buhay lang namin ang gusto nito – napatayo ako bigla nung tumunog ang aking cellphone.

One message received from Archibald

"Go to Lance's house, kailangan nating tapusin ito! Hurry..."

Neil Carias

Nung nareceive ko 'yong sobre galing sa random na tao ay hindi ako mapakali o maintindihan ang aking nararamdaman. Gusto na niya itong matapos pero natatakot ako sa dulo, alam kong hindi maaring walang magbubuwis ng buhay. Gusto ko na rin itong matapos pero ayaw ko pang mamatay. Kinuha ko na ang aking bag at nagtungo sa aking sasakyan. Nakareceive din ako ng text galing kay Archibald, pinastart ko na 'yong aking sasakyan at pinaandar ito. Nung binabagtas ko na 'yong highway patungo sa bahay nina Lance ay nakareceive ako ng text.

"Happy trip Neil J"

"Huh?" Ito agad ang nasabi ko sa aking sarili.

Binalewala ko lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho, nung inapakan ko na 'yong break ay bigla itong hindi kumakagat ito at bigla kong narealize yung text ng unknown number "Happy trip"

"Shit!" sigaw ko.

Nagpaliko-liko na ako at naghahanap kung saan ko pweding ibangga ang aking sasakyan subalit bigo ako hanggang sa makasalubong ako ng isang bus. At wala na akong nagawa kundi sumigaw.

Fheil Rea

"On the way na ako!" reply ko kay Archibald.

Pinastart ko na ang aking sasakyan at pinaandar ito. Nung binabagtas ko na ang papunta sa bahay nina Lance nung nakareceive ulit ako ng text, hindi ito galing kay Archibald kundi sa unknown number.

"YOU'RE NEXT IN LINE!"

Magrereply sana ako nung may napansin akong tatawid. Isa itong matandang lalaki, parang kilala ko ito pero hindi ko ito maalala. Tinapakan ko ang break at ako ay tumigil para hindi ito mabangga.

"Shit!" sigaw ko

"Manong pabilis po!"

Bigla akong nagulat nung nagsalita ito.

"Ang mga buhay ninyo ay hindi pa sapat para bayaran ako!"

Papaandarin ko na sana ang aking sasakyan pero sa hindi ko inaasahan may napansin akong tao na nakaupo sa aking backseat.

"Ikaw an-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin, dahil bigla akong sinakal gamit ang lubid. Napasandal ako sa aking upuan at ramdam kong hirap na akong huminga. Hinahawakan ko ang lubid sa aking leeg subalit napakahigpit nito.

Nanghihina na ako pero bago ako mawalan ng ulirat ay nagsalita pa ito.

"Welcome to our HELL, for my sister"

Kim Malabatuan

Ano ba ang pakialam ko dito? Hindi naman ako kasali nung namatay si Jane. Hindi ako sumama nung gabi na'yon, bakit ako kasali dito. Bakit ako nadadamay dito? Bigla akong napatingin sa pinto nung may kumatok dito. Lima hanggang sampung katok ang lumipas bago ko ito pinagbuksan. Hindi na ako nagulat nung makilala ko ito. Iniexpect ko na ito mangyayari at alam kong siya ang killer. Napakapredictable kasi niya, madali lang siyang mahuli-hindi siya magaling magtago.

"Bakit ka nandito sira ulo ka!" sigaw ko dito.

"Hindi sana kita papatayin, kaso ang problema nakita mo ang aking tinatagong sekrito. Masyado kang pakialamero, bakit mo kasi hinalungkat ang bag ko?" sabi nito.

"May hinala kasi akong ikaw ang gumagawa ng pagpatay sa mga kaklase natin, so nagimbistiga ako. Napakapredictable mo at madali kang mahalata dahil sa mood mo. Akala ko kasi bipolar ka lang pero mali ako, may sakit ka pa-"

Naputol 'yong sasabihin ko nung itinuloy na nito ang aking sasabihin.

"D.I.D – Dual Identity Disorder?" oh come on Kim, what the fuck you care!" sabi nito. "So magbabayad ka!"dagdag na sigaw nito sa akin.

"Umal-" naputol na 'yong sasabihin ko nung may nilabas itong baril na may silencer. Bigla akong namanhid at para bang binubusan ako ng malamig na tubig. Ganito pala ang pakiramdam kapag kaharap mo na si kamatayan.

"Good bye Kim!" sabi nito na may ngiti sa kanyang mga labi at sabay kalabit ng baril.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Where stories live. Discover now