Ayaw Ko Nga Sa'yo

32 11 0
                                    



Hindi kita mahal. Yan ‘yung totoo. So please, stop it already. Tumigil ka na sa akin. Layuan mo na ako.

Nung una pa lang, sinabi ko na. “Wala akong nararamdaman para sa‘yo.” Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi kong ‘yan? Bakit kailangang mangulit ka pa rin sa akin? Araw-araw na lang lagi kang nandiyan para mangulit na naman sa akin. Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses na kitang pinahiya dahil talagang ayaw ko sa‘yo, pero bakit nandito ka pa din? Bakit nandito ka na naman para kulitin ako? Talagang hindi mo maintindihan ang sinabi ko ano? Ayaw ko nga sa‘yo.

At kung alam mo lang, sa tuwing bumabanat ka ay pandidiri ang namumuong pakiramdam sa akin at hindi kilig. Ayaw ko nga kasi sa‘yo. Ayaw ko talaga sa‘yo. Ginagawa ko na ang lahat para masaktan ka at layuan ako pero bakit parang hindi mo pinapaniwalaan ang lahat ng ‘yon? Masyado kang positibo na makukuha mo ang loob ko, pero ilang beses ko nang inulit sa‘yo ‘to ‘di ba? Ayaw ko nga sa‘yo.

Lagi kang naka-dikit sa akin, hindi mo ba maintindihan na naririndi na ako sa‘yo? Ayaw ko na malapit ka sa akin pero ‘yun ang laging ginagawa mo. Rinding-rindi na ako sa‘yo. Kaya pwede bang layuan mo na ako?

Kahit na anong effort pa ang gawin mo, hindi mo makukuha ang loob ko. So, please. Tama na. Dahil nagsasayang ka lang ng oras at efforts sa akin. Hindi mo ba ako maintindihan? Ayaw ko nga sa‘yo.

Ayaw na ayaw ko sa‘yo. Kaya please, mag-hanap ka na lang ng ibang babaeng mamahalin mo. ‘Wag ako. Please lang, ‘wag ako. Dahil kahit kailan ay hinding-hindi kita magugustuhan. Mag-hanap ka ng ibang babae na talagang magmamahal sa‘yo. ‘Yung babae na kayang ibigay ang lahat para sa‘yo. ‘Yung babaeng pwedeng-pwede mong mahalin at ‘yung babaeng handa ka ring mahalin. ‘Wag ako.

‘Wag ako dahil pinsan mo ako.

made up lives.Onde histórias criam vida. Descubra agora