Si Esperanza Garcia at kaniyang mga kaibigan ay nag-aaral sa isang kilalang Unibersidad nang bigla nila nakilala si Mateo Miguel Rodriguez, isang misteryosong heneral na nanggaling pa sa panahon ng Kastila. Habang naglalakbay patungo sa mga sagot na nais nilang tuklasin, parehas din nila natagpuan ang payapa at nag-iinit na damdamin para sa isa't isa. "Kahit gaano man katagal iyan, Mananatili sa aking kinatatayuan. Ang iyong muling pagbabalik ay aking hihintayin." "Sa mundo kong ako'y isang bihag, Nakita ko ang nakasisilaw mong liwanag. Sa gitna man ng maraming tao, Sa gitna man ng walang sawang gulo. Patuloy kitang hahanapin, Patuloy kitang iibigin." Galing sa magkaibang nakasanayang panahon. Na tila'y pinaglalaruan ng tadhana. Patuloy ba nilang hahanapin ang liwanag ng kanilang puso sa gitna ng kadiliman? O parehas nila tatanggapin ang malupit na tadhana para protektahan ang isa't isa sa kapahamakan? Handa na ba kayo matunghayan ang pag-alab ng malamig na tubig? Highest Rank: #6 in Historical Fiction #6 in Time travel