Kabanata XVIII

30 3 0
                                    

Nakatulala ako ngayon sa kisame ng aking kwarto. Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ng araw kung saan napunta kami sa presinto ni Mateo. Maraming nangyari sa mga nakalipas na araw na'to. Katulad na lamang ng pagliban ni Papa sa kanilang presinto.

Ilang beses ko siyang tinanong kung ano ba ang tunay na nangyari nung araw na 'yon at kung bakit biglaan na lamang siya 'di pumasok. Pero paulit-ulit din niyang sinasabi na nagbakasyon lang siya para makasama kami.

Hindi na ako nagtanong pa kahit alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit 'di siya pumapasok ngayon. Kilala ko si Papa, kahit anong mangyari ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang serbisyo para sa bayan ay katumbas lamang ng pagmamahal niya sa aming pamilya.Bumangon na ako at lumabas ng aking kwarto para maghanda ng almusal ngunit habang pababa ako ay may naririnig akong kausap si Papa.

"Kuya pogi!" rinig kong sigaw ni Ellisa.

Nagtaka naman ako dahil wala naman siyang tinatawag na "Kuya Pogi" kanila Benjamin at Liam.

"Pa, may bisita ba ta-" Napatigil ako sa sasabihin ko nang mapatingin kay Mateo na nakatingin din sa akin ngayon. Hawak niya ang kamay ni Ellisa na nakatingin din sa akin ngayon pati si Papa.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at napaiwas ng tingin sa kanila.

"Anak narito pala si-" Hindi na naituloy ni Papa ang kaniyang ssabihin dahil dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay."Sandali lang po Pa!" Sigaw ka upang marinig ako ni Papa habang tumatakbo paakyat sa kwarto ko.

Ngayon ko lang na-realize na wala akong suot na bra!Magulo din ang buhok ko at hindi pa ako naghihilamos at toothbrush!Napasandal ako sa pinto at saka sumigaw silently. 'Yong sigaw na hangin lang ang lumalabas sa bibig dahil hindi naman ako pwedeng sumigaw talaga.

Napahawak ako sa pisngi kong nag-iinit na dahil sa hiya. Huminga ako nang malalim at saka nag-ayos bago ulit bumaba. Nasa salas na ngayon sila Papa, Ellisa, at Mateo. Agad na tumawa si Ellisa nang makita ako.

"Hoy si Ate nagpapaganda kay Kuya Mateo!" Pangangasar nito kaya naman lumingon sa akin si Mateo. Umiwas naman ako ng tingin.

"Anong nagpapaganda, Ikaw talaga ang aga-aga nangangasar ka na agad." Suway ko kay Ellisa sabay kiliti sa kaniya. Tumabi ako kay Ellisa kaya magkaharap na kami ni Mateo ngayon. Pilit kong iniiwasan na tumingin sa kaniya.

"Pa, anong meron?" Tanong ko kay Papa dahil kanina pa akong nagtataka kung bakit narito ngayon sa bahay si Mateo na hindi kasama si Liam at Benjamin.

"Samahan mo muna si Mateo mamalengke ngayon." Ngiti ni Papa sabay tingin kay Mateo.

Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin kay Mateo na nakangiti ngayon kay Papa.

"Balak ko muna magtinda ng barbeque at iba pa muna ngayon habang bakasyon ko at para naman dagdag kita para sa gastusin ngayon dito sa bahay." Pagpapatuloy ni Papa. "Ibinigay ko na kay Mateo ang mga listahan ng bibilhin, umuwi kayo agad pagkatapos." 

"Pa kaya ko naman mamalengke mag-isa." Angal ko dahil nakakahiyang kasama si Mateo dahil hindi pa kami nag-uusap pagkatapos nung nangyari sa presinto.

"Hindi mo kayang mag-isa buhatin ang lahat ng mga bibilhin Espeng." Sabi ni Papa.

"Bakit hindi na lang si Benjamin o kaya si Liam na lang sana, mas gugustuhin ko pang kasama si Liam e." Pagtutol ko pa.

"Parehas may lakad ang dalawang kaibigan mo kaya si Mateo ang pumunta, masama ang pakiramdam ko at walang magbabantay kay Ellisa rito." Mahinahon na paliwanag ni Papa. "Parang ayaw mo makasama si Mateo ha." Agad naman nagbago ang tono ng pananalita ni Papa na para bang nangangasar. 

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon