Kabanata XXII

28 0 0
                                    


Ilang buwan na ang nakalipas pagkatapos mawala ni Mateo na para bang bula. Dumaan na ang pasko at bagong taon ngunit wala kaming narinig na kahit anong balita mula sa kaniya. Hindi rin namin alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kaniya. May masama bang nangyari sa kaniya o baka naman nakabalik na siya sa panahon niya?

Hindi ko alam... walang nakakaalam kung saan na si Mateo at kung anong nangyari sa kaniya.

Sinubukan din namin siya isama sa mga missing persons pero wala pala siyang identity sa panahon na ito. Walang Mateo Rodriguez sa panahong ito. Kung mayroon man, sigurado kaming magkaiba sila ng mukha kaya balewala rin ang pag-file nito.

Sinubukan din namin sabihin kay Papa para matulungan niya kami pero sa pagkakaalam niya ay isang probinsyano si Mateo at hindi isang Kastilang heneral na napadpad sa panahong ito.

Ilang araw na akong puyat at kadalasang tulala dahil sa kaiisip ng paraan para mahanap namin si Mateo o kahit anong balita tungkol sa kaniya.

May pasok ako ngayon at sinubukan kong mag-commute. Ayoko muna sumakay sa kotse ni Liam dahil naalala ko lang si Mateo na palagi kong katabi. Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakaupo ako sa dulong bahagi ng jeep.

Muli kong inalala ang nangyari noong araw na hindi na bumalik si Mateo.

"W-wala na si Mateo."

"Anong wala na si Mateo?! Nasaan ka?! Anong oras na!" Natatarantang tanong ni Benjamin nang marinig na niya ang hagulgol ko.

"S-sabi niya magkikita kami rito pero bakit w-wala pa siya!" Nagsimula nang tumulo ang sipon ko kakaiyak habang patuloy akong pinapakalma ng pinsan ko.

"Nasaan ka ba?!"

"Fort Santiago" Bulong ko habang sinusubukang ikalma ang aking sarili.

"Diyan ka lang, 'wag kang aalis diyan." Agad na binaba ni Benjamin ang tawag. Napatulala ako at sinusubukang pigilan ang pagkawala ng mga luha ko.

Napatakip ako ng aking mukha habang sinusubukang sabihin sa aking sarili na baka naligaw lang siya o baka may pinuntahan lang siya pero sinasagot ni Mateo ang mga tawag ko sa kaniya pagtapos ko siyang pagsabihan na 'wag niya kakalimutan ang cellphone niya kahit saan siya magpunta.

"Espeng!" Tawag ni Benjamin na pawis at hinihingal pa. Halatang tinakbo niya papasok dito.

Napatingin ako sa kaniya. Ang mga mata ko ay lumuluha pa rin. Agad niya akong nilapitan at niyakap. Hinahaplos niya ang likod ko para kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

"Ate puwedeng umusog ka?" Nagulat ako nang tapikin ako ng babae kong katabi kaya naman ay sumiksik pa ko sa gilid kahit wala na akong masisiksikan. Napatulala ulit ako at naalala 'yong tanong ko kay Mateo nung nasa Laguna kami.

"Paano kung makababalik ka ulit sa panahon mo, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin pero napaiwas siya ulit ng tingin.

"Sisiguraduhin kong makahihingi ako ng tawad at makatutulong ako sa mga magulang ni Catalina. Kahit sa paraan na iyon makababawi ako sa kaniya." Sagot ni Mateo habang nakatingin sa langit.

"Kapag alam mo na kung paano makababalik sa panahon mo, dapat magpaalam ka man lang sa'min ha? Minsan kasi ang mga taong biglang dumadating na lang sa buhay mo, umaalis lang din nang biglaan." Napatingin din ako sa langit nang sabihin iyon.

Napangisi si Mateo at napatingin sa akin kaya tumingin din ako sa kaniya.

"Mukhang malulungkot ka kapag ako'y lilisan na." Pangangasar niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now