Kabanata VII

46 6 6
                                    



Late akong nagising ngayong araw at puyat na naman ako. Nagmemorize na lang ako ng sasabihin ko ngayon sa seminar dahil hindi ako makatulog kagabi pagkatapos tumawag ni Liam. Tarantang-taranta pa akong nagising sa tawag niya kanina. Papunta na raw sila sa University ng mga oras na iyon. Tumingin ako sa relo ko, 8:35 am na.

"Bakit walang jeep!" Wala sa sarili kong bulong. Kanina pa ako nakatayo rito at punuan ang mga toki jeep ngayon. Kilala ang toki jeep sa UP dahil binaliktad lang ito ng 'ikot' at paikot lang din ang ruta nito sa loob ng campus. Sabog na sabog na ko ngayong umaga at wala na rin ako sa mood dahil hindi rin ako nakakain ng almusal sa sobrang pagmamadali. Nainis pa ko lalo na mayroong tumawag sa akin, si Benjamin. Nang makakita na ako ng jeep papuntang Palma Hall ay agad akong sumakay at huminga muna ng malalim bago sagutin ang tawag.

"Mission accomplished, boss." Bungad sa akin ni Benjamin. "Anong ibig mong sabihin?" Inis na tanong ko sa kanya. "Nakapasok kami kasama si heneral." Proud na sabi niya. "Sige na, natagalan ako sa pagsakay ng jeep. Malapit na ako riyan." Akmang ibaba ko na ang tawag na magsalita ulit siya. "Dapat kasi sumabay ka na sa amin kanina." Pangaral niya pa sa akin. "Hindi ba late nga ko nagising?" Pagpapaliwanag ko rin sa kanya. "Oo na, mag-iingat ka mayroon pa tayong problema." Isang buntong hininga pa niya ang narinig ko. May sasabihin pa sana ako nang ibaba na niya ang tawag.

Kinabahan naman ako sa huling sinabi ni Benjamin. Tinago ko ang phone ko, umupo ng maayos at huminga ng malalim para kumalma. Inabot ko na rin ang bayad ko. Habang pinapakalma ang sarili ay tahimik naman akong nagkakabisa sa utak ko ng mga sasabihin ko para mamaya. Hindi rin nagtagal ay huminto na ang jeep sa tapat ng Palma Hall. Marami ring estudyanteng nagkalat ngayon dito kasama ang mga outsider or galing sa ibang paaralan.

"Makikiraan po." Sabi ko sa mga taong nakaharang sa daan. Lakad-takbo ang ginagawa ko ngayon at humihingi ng pasensya sa mga taong nababangga ko. Hindi rin nagtagal narating ko na ang silid kung saan gaganapin ang maliit na seminar para sa mga estudyanteng gustong sumali at tumulong sa mga magsasaka natin dito sa bansa. Gumawa ang nakatataas sa University ng fundraising para makatulong sa mga magsasaka.



"Sa wakas na rito ka na rin." Saad ni Benjamin pagkapasok ko. Dire-diretso akong pumunta sa table at nilapag ang gamit ko. Nilabas ko ang script ko pati ang laptop. "Ayos ka lang?" Tanong ni Liam. Isang tungo naman ang sinagot ko. "Anong oras ka bang natulog ha? Tignan mo yang mukha mo sobrang sabog." Hindi ko alam kung nag-aalala ba o nang-iinis 'tong si Benjamin, 'yong tanong laging may lait sa dulo. "Nagmadali na nga akong pumunta rito." Pagpapaliwanag ko.
Tumingin ako sa paligid at nahagip ng aking mata ang isang lalaking papunta sa amin ngayon.

"What the-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Benjamin. "Sabi ko sa'yo e may isa pa tayong problema." Saad niya. "Bakit ka nakaganyan?!" Pasigaw na tanong ko ngayon kay Mateo. Nakabuong uniporme siya ngayon ng pang heneral katulad ng suot niya noong una namin siyang nakita at may hawak na librong "History of UP Diliman."

"Nahihibang ka na ba?" Tanong ko kay Mateo. "Hindi ngunit hindi ko rin maintindihan ang wikang nakasulat sa librong ito baka ako'y tuluyan ng mahibang." saad ni Mateo sabay abot ng libro. Sarap sabihan ng 'syempre nakasukat 'yan sa wikang ingles kaya hindi mo talaga maiintindihan.' Kung ano-anong mura na ang nasabi ko sa utak ko. "Bakit ka nagsuot ng ganyan? Mahahalata ka ng ibang tao na makakakita sa iyo ngayon. Nasa panahon ka namin at dapat lang na magsuot at kumilos ka na-aayon sa amin." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses. Nagkasabay-sabay na ang mga nangyayari. Magsisimula na ang seminar at narito siya ngayon nakasuot ng pang heneral na hindi pa nalalabhan.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now