Kabanata VIII

47 5 2
                                    

Nasa bahay ako ngayon. Hapon na at nasa salas kami ni Ellisa ngayon. Nanonood siya ng paborito niyang palabas habang ako ay nakatulala lang din habang nanonood. Nakahahawa ata ang pagiging sabog nila Benjamin, lalo na si Mateo laging nakatulala. Hinihintay na lang namin makauwi ngayon si Papa. Nagluto na ko ng hapunan at inihanda ang lamesa.

"Ate turuan mo ko sa assignment ko mamaya please." Panglalambing sa akin ni Ellise sabay kandong pa sa hita ko. "Sige, tuturuan ka ni ate mamaya. Katok ka lang mamaya sa kwarto ko ha." Malambing na sagot ko rin sa kanya at pinisil pa ang kanyang mga pisnge. Nanonood naman na siya ulit at napatulala ulit ako. Nagulat na lang ako na may tumawag sa akin.

"Unknown number?" Pagbabasa ko sa nakalagay sa phone ko. Nagtaka naman ako kasi hindi ko binibigay ng basta-basta ang number ko. Tumayo ako at naglakad papalabas ng salas. "Hello?" Sambit ko pagkasagot sa tawag.

"..."

Walang nagsasalita sa kabilang linya pero rinig mo ang ingay ng paligid niya.

"Parang ewan. Tatawag tapos hindi magsasalita?" Saad ko. Ibaba ko na sana ang tawag na biglang may narinig ako sa kabilang linya.

"Heneral! Patulong naman ako rito!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Isang tao lang naman ang kilala ko na may ganoong kapangit na boses.

"Benjamin? Nagpalit ka ng number?"

Naghihintay ako ng sagot pero bigla na lang binaba ang tawag. Nababaliw na ba si Benjamin? O baka may nangyaring masama?! Nataranta ako nang kung ano-anong senaryo ang biglang lumabas sa utak ko nang maalala na kasama niya pala si Mateo na out of nowhere na lang sumulpot sa buhay namin! Agad-agad akong nagdial, 'yong number na tumawag sa akin kanina ang tatawagan ko.

"Bakit ayaw mong sagutin!" Inis na wika ko. Sinubukan ko naman i-dial ang naka-save na number ni Benjamin sa phone ko. Hinihintay ko ang ring sa kabilang linya.

"Oh pangit napatawag ka?" Boses ni Benjamin 'yon.

"Benjamin!" Sigaw ko dahil sa wakas, buhay pa siya at humihinga pa.

"Nababaliw ka na ba? Bakit gan'yan ka magsalita? May nangyari ba?" Tanong niya na may inis sa tono ng boses niya.

"May tumawag kasi sa akin e tapos narinig ko boses mo." Pagpapaliwanag ko. "May tinatawag ka pa tas sabi mo patulong. Kinabahan ako. Ayos ka lang ba?" Saad ko pa.

"Parang ewan, nagluluto ako ngayon." Inis na sabi niya. Medyo nilayo niya ang phone sa mukha niya at rinig ko na may tinatawag siya. "Heneral! Tumawag ka ba kay Espeng?" Tanong niya kay Mateo ata. Naghihintay ako ng sagot pero 'di ko marinig dahil ang kumukulong mantika lang ang naririnig ko ngayon. "Si Mateo raw ang tumawag." Saad ni Benjamin.

"May phone na siya?" Tanong ko.

"Oo, binigay na kanina ni Liam 'yong lumang selpon niya sa amin kanina." Paliwanag niya tapos sumisigaw pa siya. "Ano ba 'yan nagluluto ako. Mamaya ka na tumawag baka ako pa ang maluto sa talsik ng mantika rito." Pinatay niya agad 'yong tawag. May itatanong pa sana ako. Kung bakit napatawag yung lalaking 'yon. Nag-iisip pa ko ng malalim na biglang sumigaw si Ellisa.

"Papa!" Tumingin ako sa pinto at kitang-kita ko si Papa na kauuwi lang, pagod pero nakangiti. Agad-agad kaming nagmano ni Ellisa kay Papa. "Kamusta naman ang mga anghel ko?" Tanong ni Papa gamit ang malambing niyang boses. "Okay naman Papa! Nakakuha pa ako ng star!" Tuwang-tuwa na balita ni Ellisa sabay pinakita ang mga tatak ng star sa kamay niya. Hinubad ko naman ang sapatos ni Papa at kukunin sana ang dala nitong prutas.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon