Kabanata XI

35 4 0
                                    


Ph News:

Sen. Romana patuloy ang pagtanggi sa pagkakasangkot sa kasong Drug Trafficking ibalita mo na sa buong Pilipinas Ph Reporter, Bernice Dicano.

Magandang araw sa inyong lahat. Noong nakaraang linggo ay nahuli na ang isang drug lord na si Tan Lee o mas kilala sa alyas na Dragon.
Nahulian si Lee ng mahigit na 20 kilos na shabu at mahigit 50 Million Pesos. Naglabas na rin ng listahan si Lee ukol sa mga kasapi ng kanilang illegal na negosyo kasama na nga rito si Sen. Dominic Romana. Ang sabi ng senador ay wala pa namang sapat na ebidensiya na magpapadiin sa kanya sa kasong ito at sinasabi niyang tapat siya sa bayan. Wala ng nilabas na komento ang panig. Napanayam naman natin ang police investigator na si P03 Noel Garcia.

P03 Garcia: Isa ako sa mga nanghuli kay Tan Lee at mayroon ng ebidensiya kay Sen. Romana ngunit hindi pa sapat ito. Ang mga ibang impormasyon ay hindi muna ilalabas sa mga mamamayan habang wala pa itong sapat na katibayan.

Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga pulis tungkol sa kasong ito. Nag-uulat, Ph Reporter, Bernice Dicano.






Agad kong kinuha ang remote at pinatay ang TV. Napa-upo ako sa sofa dahil sa napanood ko. Nakita ko si Papa sa TV at kitang-kita ko na seryoso siya sa kasong ito. Alam niyang malaki ang ibinabangga niyang senador ngunit ginagawa niya ang kaniyang responsibilidad bilang isang tapat na tagapaglingkod sa bayan.

Hinahangaan ko si Papa sa kanyang prinsipyo pero natatakot ako para sa kaligtasan niya at alam ko rin na hindi niya ito pinagbibigay alam sa amin ni Ellisa dahil ayaw niyang madamay pa kami. Nanginginig ang aking kamay dahil sa aking mga naiisip pati na rin ang sinabi sa akin ni Exekiel nung nakaraan.

Alam kong hindi titigil ang pamilya nila habang nadidiin sila sa kaso na ito at hindi rin titigil si Papa na makamit ang hustisyang nararapat. Napahawak ako sa akin noo habang kung ano-ano ang iniisip kong pwedeng mangyari.

"Ate tara na!" Natauhan ako ng hinila ni Ellisa ang kamay ko. "Wait lang papatayin lang ni ate ang mga ilaw." Kaming dalawa lang ni Ellisa ngayon sa bahay at araw ng Sabado ngayon kaya may Ballet Class siya ngayon. Umalis si Papa kanina pa at nagbilin na ako na raw ang maghatid sa kapatid ko.

Hinawakan ko na ang kamay ni Ellisa habang naglalakad kami ngayon para makasakay sa jeep. Nakasuot siya ngayon ng pang ballerina at ako mismo ang nagpusod ng buhok niya. Patalon-talon pa siyang naglalakad ngayon na para bang hindi niya alintana ang mga nangyayari sa magulong mundo na ito. Napangiti naman ako nang tumingin siya sa akin.

"Ate are you sad?" Umiling naman ako sa kanya. Hindi naman ako malungkot ngayon. "Worried?" Tuloy niya pa.
"No." Sagot ko pero ang totoo niyan ay sobra akong nag-aalala para sa kaligtasan nila ni Papa.

"Don't be sad Ate, gagalingan ko na lang mamaya sa pagsayaw!" Umikot-ikot pa siya nang sabihin niya iyon. Napangiti ako lalo dahil sa pagiging inosente ni Ellisa. Natutuwa ako kay Ellisa dahil siya ang bunso sa pamilya, siya ang nagbibigay saya sa buong bahay dahil din sa taglay niyang kapilyahan na nakuha raw niya sa akin. Kung narito lang si Mama ay sigurado akong sobrang matutuwa siya sa bunso namin.






Naihatid ko na si Ellisa sa class niya at pauwi na ako ngayon. Babalikan ko siya mamayang hapon. Ayaw pa nga niya akong umalis dahil gusto niyang makita ko siyang sumayaw pero ipinaliwanag ko na may kailangan pang gawin ang Ate niya sa bahay dahil ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay katulad ng paglalaba at paglilinis. Nakasanayan ko na 'yon tuwing weekends ayon ang trabaho ko dahil wala rin si Papa sa bahay minsan. Naintindihan naman ni Ellisa kaya pumayag na rin siyang umalis ako.

Bigla ko na lang naisip si Liam lalo na ang ayos niya kahapon sa dorm ng pinsan ko. Kadalasan ay wala naman siyang paki sa itsura niya o kaya naman hindi talaga siya pala-ayos na tao kung baga simple lang siya. Ang weird nga ng kinikilos niya noong mga nakaraang araw. Napansin ko ang pagiging malambing niya sa akin, 'yong pagbibigay ng pagkain at palagi pa siyang nakangiti.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now