Kabanata XX

23 2 0
                                    

A/N: I-play ang video upang mas maging maganda ang inyong pagbabasa.


Unang araw ngayon ng midterms namin at kanina pa sumasakit ang ulo ko pagkatapos ng madugong labanan namin ng test papers ko. Grabi ang pagrereview ko kagabi at ilang oras lang din ang tulog ko dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon.

Nang malaman kong si Liam at Alren ay magjowa na, hindi ako nakaramdam ng kahit anong selos o galit pero sana sinabi lang din nila sa akin. Tanggap ko naman kung ganoon ang nangyari dahil kaibigan ko sila.

Palabas na ako ng building namin para hanapin si Benjamin dahil gusto ko rin siya kausapin ngunit napahinto ako sa palalakad nang makita si Mateo na naghihintay sa tapat ng puno. Agad akong tumakbo papasok ulit ng building.

"Bakit siya narito?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa dibdib ko ngayon at dinadama ang tibok ng puso kong kay bilis.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng isang pinto at tinignan ang itsura ko.

"Grabi eyebags ko ngayon." Bulong ko ulit sa aking sarili at saka inayos ng kaunti ang aking buhok. "Tinotoo niya talaga sinabi niya kagabi ha, nakakaloka!"

Kabado ako nang maglakad ulit ako palabas ng building. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko papalayo. Ilang hakbang na ang ginawa ko at wala pa ring tumatawag sa akin.

"Hindi niya ba ako nakita?" Tanong ko sa sarili ko at saka lumingon.

Lumaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatingin lang sa akin habang sinusundan ako maglakad. Napahinto ako sa paglalakad dahil dito.

"O-oh narito ka pala?" Tanong ko sa kaniya na para bang 'di ko alam nariyan na siya kanina pa.

Naglakad siya papalapit sa akin at naging dahilan ito ng paghinto ko sa paghinga. Ang kaniyang mga kamay ay nasa likod niya habang kitang-kita mo ang matikas niyang tindig. Bakit hindi ako makahinga?

"Batid mong narito ako." Sinabi niya ito na para bang sure na tama siya.

"Ha?"

"Batid kong alam mong narito ako ngunit nagpapanggap ka lamang na hindi mo ako nakita, tama ba?"

"Ha?" Sa sobrang taranta ko, 'yon lang ulit ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi mo ba ako nais makita?"

"Gusto"

Ngumisi si Mateo dahil sa sinabi ko at nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ko.

"I-ibig kong sabihin, gusto kitang ipatapon sa malayong lugar ngayon!" Natatarantang pagpapaliwanag ko habang may kasama pang actions ng mga kamay ko.

"Ako'y nagugutom na." Pag-iiba ni Mateo sa usapan at nagsimula nang maglakad ulit. Hinabol ko siya at tinignan ang kaniyang mukha.

"Bakit ka nakangiti ha?" Mas lalo lang ako naasar sa reaksyon niya ngayon, napakafeelingero!

"Nakangiti ba ako?" Tanong niya sabay balik sa "-_-" niyang mukha.

"Oo kaya! Napaka-" Napatigil ako sa paglalakad nang huminto siya at humarap sa akin.

"Nagagawa mong itago ang tunay mong nararamdaman."

"Sus, parang ikaw hindi." Bulong ko habang naka-iwas ang tingin sa kaniya.

"Kumusta ang inyong pagsusulit?" Tanong niya at naglakad ulit siya.

"Grabi ang hirap! Pinagdasal ko na lang kay Lord na sana makapasa ako!" Nag-aalalang sabi ko habang sinusundan siyang maglakad.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon