Kabanata IX

52 5 3
                                    




Walang umiimik sa amin ngayon ni Mateo pagkatapos ng nangyari sa loob ng library. Naglalakad kami ngayon para maghanap ng kakainan. Gusto ko sana kasama sila Liam ngayon dahil gusto kong sa labas ng University kumain.

Kanina pa kami naglalakad papalabas, ako naman ang magbabayad ng pagkain namin kaya ako ang magdedesisyon.

"Saan ba tayo tutungo?" Napalingon ako dahil sa tanong ni Mateo. Hindi kami magkasabay na naglalakad at nasa likod ko lang siya, sumusunod sa akin. Ayaw ko rin naman makasabay siya, nakakahiya talaga ang nangyari kanina at baka simulan na naman niya ang pagtatalo namin.

"Sumunod ka na lang! Puro ka reklamo!" Sagot ko naman sa tanong niya.

Pumasok kami sa isang fast food restaurant malapit dito. Lumingon ako sa kanya para malaman kung nakasunod ba siya sa akin. Nakita ko siyang tumitingin sa paligid. Pumila ako at nasa likod ko naman siya. Medyo mahaba rin ang pila dahil lunch time na rin.

"Dito ka nga sa tabi ko." Hinila ko pa siya papalapit sa akin. Gulat na gulat naman siyang napatingin sa akin at kung makatingin ay parang may ginawa akong masama.

"Oh bakit ganiyan ka makatingin dyan?" Tanong ko at sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Isang kapahangasan ang iyong paghawak sa akin. Maari bang huwag mo akong hawakan ng basta-basta?" Inis na sabi niya at pinandilatan pa ako ng mata. Inirapan ko naman siya at tumingin sa menu na nasa itaas ng counter.

"Anong gusto mo?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. Ilang segundo ko hinintay ang sagot niya kaya tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng 'ano na sis?' look.

"Tsi-tsiken?" Sabi niya habang naniningkit ang mata at sinusubukan basahin ang nakikita niya. Tumingin naman siya sa akin na mapansin niyang pinagtatawanan ko siya.

"Anong nakakatawa? Baka ikaw ay bigla na lang umutot muli rito." Nahihiya niyang sabi at umiwas pa ng tingin. Tumikhim naman ako sa sinabi niya para pigilan ang sariling tumawa ulit.

"Ako ng bahala sa pagkain mo tiyak na magugustuhan mo 'to." Saad ko at ngumiti ng hindi nakatingin sa kanya pero alam kong tumingin siya sa akin.





Pinahanap ko siya ng lamesa para sa aming dalawa at sinabihan na hintayin niya ako roon dahil parami na rin ang tao rito. Hawak-hawak ko na ang tray kung saan nakapatong ang pagkain na binili ko. Tumitingin naman siya sa paligid na parang may hinahanap. Nang makita niya ako ay bigla na lang siya tumayo at naglakad papalapit sa akin.

"Ako na ang magbubuhat niyan." Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at inagaw na agad ang tray. "Akala ko ay iniwan mo akong mag-isa rito." Saad pa ni Mateo. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya kung sakaling totoo nga ang nangyari sa kanya alam kong takot siya sa panahon na ito dahil hindi siya sanay sa mga pagbabago na nakikita niya.




Umupo na kami ngayon at ako na mismo ang naghanda ng mga pagkain na ipapatikim ko sa kanya. Inihanda ko na rin ang mga trivia ko sa kanya at magpapakitang gilas ako, kunwari brainy ako today.

Humanda na kayo sa panibagong episode ng 'Learn with Esperanza ang
charotera'

"Fried chicken ang tawag diyan, galing sa salitang ingles pero pritong manok iyan." Ani ko at inilahad sa harap niya ang fried chicken.

"Ito naman ay spaghetti para siyang pansit pero kakaiba ang sahog niyan." Pagpapakilala ko sa spaghetti at inihalo ito para sa kanya. Nakikinig naman siya ng mabuti at nakatingin lang din sa pagkain.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now