Kabanata IV

67 7 2
                                    

Naglalakad na kami palabas ng Dungeon na hindi pa rin kami maawat sa pagtawa namin, pati si Benjamin tumatawa na rin sa ginawa n'ya kanina sa loob. Sabay-sabay kaming naglalakad at ako ang nasa gitna nilang dalawa. May narinig kaming tunog na kapag narinig talaga namin ay parang bumabalik kami sa pagkabata. 

"Ice cream!" sigaw ko sabay turo pa kay Manong na sorbetero. "Libre n'yo ko hehe." saad ko pa sabay pa-cute sa kanilang dalawa. "Tigilan mo nga 'yan, nawawalan ako ng gana sa mukha mo." inis na wika ni Benjamin. "Quiz na lang kung may natutunan talaga tayo ngayong araw, matalo manlilibre!" singit ni Liam. Ito na naman tayo sa pustahan nila, syempre kay Liam na puso ko este pusta ko. "Sige!" pagsang-ayon ni Benjamin. 


Nagsimula naman na ko mag-isip ng tanong. "Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?" tanong ko. "Ang hirap naman n'yan!" ani Benjamin. "Hoy! Nakalagay 'yon kanina sa loob ng exhibit!" pagdedepensa ko sa sinabi n'ya. "Espeng naman 'di ko na nga matandaan ginawa ko kahapon e kanina pa kaya? Pinsan ba kita?" reklamo pa n'ya. "Sagutin n'yo na lang baka parehas pa kayong mali." sabi ko na kinatawa ni Liam.

"Ready, one, two, three, go!" 

"Dr. Jose Potracio Rizal y Mercado?" sagot ni Benjamin

"Jose Potracio Rizal Mercado y Alonso Realonda!" sagot with full confidence ni Liam.

Tumawa naman ako dahil nakasimangot na si Benjamin. "Daya naman kasi! Palagi na lang si Liam kinakampihan mo, pinsan ba talaga kita ha?" asar na wika ni Benjamin. "Tanggapin mo na lang ang pagkatalo mo, mananalo ka rin balang araw!" ani ko sabay akbay sa kanya  para mabawasan ang tampo n'ya sa'kin.


Tinatanaw ko sila papalayo at napangiti ako na makitang nagsusumbatan pa rin sila na parang mga bata. Umupo ako sa isang bench para ipahinga ang mga maiikli kong paa. Tumingin ako sa langit na padilim na. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikinang na. Tumingin naman ako sa paligid ko, hindi alintana ang oras sa mga tao ngayon na masayang pumapasyal dito. Napangiti ako nang makita sila Liam at Benjamin na parang kuya ko na rin pero pwede rin namang maging asawa ko si Liam, charot mga 1/4. Hahahaha.


"Parang baliw amp! Nakangiting mag-isa?" may sumigaw sa tenga ko at gulat akong napatingin kay Benjamin na nasa tabi ko na pala. "Aray ko!"reklamo ko. Agad naman s'yang umiwas ng akmang hahampasin ko s'ya. Nagmake face pa s'ya nang makaiwas sa'kin. Binigay naman sa'kin ni Liam ang libreng ice cream ko.


"Salamat." ani ko sabay ngiti sa kanya, hindi lang basta ngiti 'yon ha may kasamang pa-cute 'yon hehe.  "Thank you sa libre, insan!" nagpaparinig naman si Benjamin. "Pera ko pero iba 'yon pinasalamatan." patuloy n'ya pa. Tumawa naman ako. "Ayie, thank you, insan!" sabay kiliti pa sa tagiliran n'ya. "Tigilan mo nga ko!" reklamo n'ya pero tumatawa naman s'ya. "Pabebe?" pangangasar ko pa sa kanya.


"Say cheese!" gulat kaming napatingin kay Liam na katatapos lang kami kuhanan ng picture. "Ang cute n'yo para kayong pinagbiyak na bungo, Hahahaha!" nangasar pa talaga si Liam. "Patingin nga!" sigaw ko pa papalapit kay Liam pero bago pa ko makalapit kay Liam ay agad namang kinuha ni Benjamin ang camera. "Akin na nga! Kayo naman ni Espeng magpicture!" sabi ni Benjamin at inahanda na ang .


Agad naman akong napatigil at nahiya nang lumapit sa akin si Liam. "Espeng lumapit ka naman!" reklamo ni Benjamin sabay tulak sa'kin. Nanigas na nga talaga ang buong katawan ko nang akbayan pa ako ni Liam. "Ready na!" sigaw pa ni Benjamin at lumayo-layo ng konti. Ngumiti naman na kami at nagpeace sign  na 'ko. "One, two, three. Say..."

"Catalina."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now