Kabanata XIX

36 2 0
                                    

Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko at iniisip kung ano ang mga nangyari kagabi at bakit hindi ako pinapatulog ng buong sistema ng katawan ko.

Pasikat na ang araw ngayon pagkatapos nang malakas na buhos ng ulan kagabi. Napasabunot ako sa sarili ko dahil 'di pa ko nakatutulog at sumasagi pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi.

"Hala nakalimutan kong bumili ng gamot para kay Papa!"

Natatarantang sabi ko habang naglalakad na kami ni Mateo pauwi sa bahay. Walang umiimik sa'min sa loob ng jeep hanggang nang makababa na kami. Napakagat labi ako habang nag-iisip ako ng gagawin ko nang biglang may inabot na plastik si Mateo na kanina pa niya hawak.

"Hindi ko alam kung wasto ba ang aking binili ngunit sabi naman sa pamilihan ay iyan ang gamot para sa trangkaso." Ani ni Mateo habang diretso lang ang kaniyang tingin sa daan.

Napatingin lang ako sa kaniya. Ayon pala ang hawak niyang plastik kanina pa. Naramdaman niya ata na kanina pa akong nakatingin sa kaniya kaya tumingin naman siya sa akin pabalik kaya agad naman akong napa-iwas ng tingin.

Napatakip ako ng mukha nang maalala ulit iyon. Kahit ngayon na inaalala ko lang 'yong time na 'yon ay kinikilig pa rin ako. Mas intense pa ang tibok ng puso ko kagabi. Paano naman kasi kahit ang dilim-dilim na nung mga oras na 'yon ang pogi pa rin ni Mateo kahit naka-side view.

Napakagat labi ako nang maisip ko na baka crush ko si Mateo pero hindi pwede kasi crush ko si Liam! Napatakip ulit ako ng mukha.

"Isa na akong taksil sa pag-ibig!"

Nakasimangot akong naglakad patungo sa aking kama at saka binagsak ang aking katawan pahiga rito. Napatulala ako sa kisame at pinikit ko ang aking mga mata.

"Nako basang-basa na kayo! Pumasok ka na Mateo, anong hinihintay mo r'yan sa labas!" Sigaw ni Papa nang mapansin na nakatayo lang si Mateo sa labas ng bahay. Lumingon ako sa kaniya.

"Pumasok ka na!" Pinandilatan ko pa ng mata para pumasok siya sa loob ng bahay. Nagmano rin siya kay Papa.

Naka-upo kami sa salas ngayon at binigyan kami ng tig-isang tuwalya.

"Nako Espeng kanina pa ako nag-aalala sa'yo, hindi ka man lang tumawag na gagabihin ka ngayon at nakita ko pa 'yong payong mo sa labas na sira na. Diyos ko kanina pa akong 'di mapakali, wala rin signal ang cellphone ko kaya 'di ko kayo matawagan."

Nag-aalalang kwento ni Papa habang nag-aayos ng lamesa para makakain kami ng hapunan ni Mateo. Tunog galit man ang lahat ng mga sinasabi niya pero alam ko naman na nag-aalala lang talaga siya para sa akin.

"Pa, 'wag ka na pong mag-alala, naka-uwi na rin naman po ako. Mas lalo lang po sasama ang pakiramdam mo po n'yan." Lambing ko kay Papa at tinulungan ko na siya mag-ayos ng lamesa.

Inabot ko rin kay Papa ang gamot na binili ni Mateo. Napatingin siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mga mata.

"Galing po kay Mateo 'yan, nakalimutan ko po bumili." Bulong ko kay Papa.

"Napakabait na bata, pinauwi ko na siya kanina dahil pagabi na at babadya na ang malakas na ulan pagkatapos ng buong araw sa pagtulong sa akin pero hinatid ka pa niya rito pauwi."

Lumingon naman siya at tinawag si Mateo para kumain ng hapunan. Kitang-kita ko kay Mateo ang pagka-hiya pero hindi rin naman siya makatanggi sa offer ni Papa.

Habang kumakain kami ay pa-simple akong tumitingin kay Mateo dahil 'di ko makalimutan ang sinabi ni Papa na narito pala si Mateo sa bahay kanina at pumunta pa siya sa University para sunduin ako.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now