Kabanata XVI

21 2 0
                                    





Nakatingin ako ngayon sa harap ng salamin. Tinignan ko ang buong itsura ko na hindi ngumingiti, nakatulala dahil sa mga nangyayari ngayon.

Hindi ko aakalain na sa tagal ko nang nag-aaral sa UP ay ngayon lang ako gagawa ng ganito. Sasama ako sa isang rally kung saan ipaglalaban namin ang karapatan ng mga magsasaka.

Sabi nga nila kapag ikaw ay nag-aaral sa Unibersidad na ito ay isa ka na sa mga aktibista o mga rebelde raw na lumalaban sa pamahalaan ngunit mali ito. Ginagawa namin ito upang iparating ang hinaing namin sa gobyerno. Sumisigaw hanggang marinig ng kung sino man ang makatutulong sa amin. 

Walang masama kung ikaw ay tutol sa nais gawin ng gobyerno kung sa tingin mo naman ay tama ang iyong ipinaglalaban. Hindi masamang gamitin ang iyong boses laban sa mapang-abusong mga opisyal na tanging nais lamang ay kapangyarihan.

Nagulat na lang ako nang magsalita si Papa. 

"Napaka-seryoso mo naman." Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti habang hawak-hawak niya ang tasa ng kape niya na palagi niyang ginagawa tuwing umaga. Ngumiti ako ng kaunti at tumingin ulit sa salamin.

Lumapit sa akin si Papa at hinawakan ang balikat ko habang nakatingin din sa harap ng salamin. Napayuko ako bago magsalita. Karamihan sa mga magulang ay ayaw nilang masali at ayaw nilang suportahan ang kanilang mga anak sa ganitong bagay dahil sa tingin nila ay mapapahamak ang kanilang mga anak kung pinagpatuloy nila ito, normal lang naman ito sa mga magulang kaya naiintindihan ko rin si Papa kung hindi niya tanggap ang gagawin ko.

"Pa, galit ka ba?" Tanong ko habang nakasimangot sa salamin. Ayaw kong magkaroon kami ng alitan ni Papa. Nagulat ako dahil tumawa siya kaya unti-unti akong lumingon sa kaniya suot ang nagtatakang mukha.

"Pa, okay ka lang po ba? Nakakatawa po ba ang suot ko?" Tanong ko sa kaniya kaya tumigil na siya sa pagtawa at tumingin sa akin na merong ngiti sa labi.

"Alam mo ba? Sobrang kahantulad mo ang Mama mo." Mas lumaki pa ang ngiti niya nang tinignan niya ang picture ni Mama sa tabi ng salamin.

"Nagkakilala kami ng Mama mo no'n sa Diliman. Doon siya nag-aaral at kumukuha na ako ng kursong Criminology no'n pero sa ibang Univ. akong nag-aaral. Nakita ko siya no'n nakikipagsiksikan sa maraming tao habang sumisigaw siya. Napakaganda niya kahit nakanganga siya no'n, para siyang tigre, nakakatakot talaga." 

Tumawa pa siya kaya napangiti naman ako. Naalala ko na under pala si Papa kay Mama kahit isang matapang na pulis si Papa ay tiklop naman siya pagdating kay Mama.

"Simula no'n ay araw-araw ko na siyang pinupuntahan para ligawan. Nahirapan nga lang ako nung una kasi nakakatakot talaga ang Mama mo pero nahulog din siya sa pogi powers ko." Tumawa kaming dalawa. Laging sinasabi ni Papa na sobrang inlove na inlove raw si Mama sa kaniya noon at lagi niyang binibiro ang "pogi powers" daw niya.

"Nagmana pala ako kay Mama, hindi lang sa kagandahan." Tumawa naman si Papa at kinurot ang ilong ko.

"Nagmana ka sa akin!" Pagtutol ni Papa. Noong nabubuhay pa si Mama hilig talaga nila pagtalunan kung kanino ako nagmana at kung sino ang kamukha ko.

Ngumiti ulit si Papa at hinawakan ang ulo ko. 

"Susuportahan kita kahit saan. Pinangako ko sa Mama niyo na gagabayan ko kayo ni Ellisa sa abot ng makakaya ko. Habang hindi pa ko nawawala sa tabi niyo ay meron pa rin kayong knight and shining armor na ganito kapogi!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap ko na si Papa. 

"Salamat sa inyo Papa." Niyakap naman ako pabalik ni Papa at nagbiro pa para tumigil na ko sa ka-dramahan namin dahil baka mauwi pa sa iyakan ang pag-uusap namin.


El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon