Kabanata VI

45 6 0
                                    

A/N: Maari ninyo i-play ang video na nasa itaas ng bahagi ng kabanata na ito upang mas madama ninyo ang kabanata na ito. Maligayang pagbabasa!



Nakatingin ako ngayon sa gitna ng isang tulay. Tumingin ako sa paligid na puro puno at halaman lang ang nasa paligid at may ilog sa ilalim ng aking kinakatayuan. Kulay kahel at pula ang langit na aking nakikita na ibig sabihin ay papalubong na ang araw. Bigla akong nakarinig ng ingay kaya tumingin ako sa paligid ko subalit walang kahit na sino ngayon sa lugar na ito. Nagulat muli ako ng may sumigaw sa wikang hindi ko naman naiintindihan. Papalakas din ng papalakas ang sigaw na parang ito ay papalapit nang papalapit sa akin, parami rin ng parami ang mga sumisigaw. Tinakpan ko ang aking mga tenga dahil sa nakabibinging ingay. Ipinikit ko rin ang aking mga mata dahil sa takot.

Sumigaw ako ng may tumulak sa akin at alam kong babagsak ako sa ilalim ng ilog. Nagtataka akong unting-unting dinilat ang aking mga mata na tumahimik na muli ang paligid ko. Nasa dalampasigan ako ngayon, hindi ko alam kung saan. Malakas ang alon na tila bang bumabagyo ang ilalim nito. Umatras ako dahil papalakas ng papalakas ang alon na umaabot na ito sa aking paa. Kakaiba dahil ang araw ay kalmadong lumulubog na at ang repleksyon nito ay tumatama sa malalakas na alon. Tila bang umaapoy ang dagat ngayon.

"Esperanza." Rinig kong may tumawag sa akin kaya lumingon agad ako at tumingin sa paligid ngunit wala namang tao sa aking likuran kaya humarap na muli ako sa dalampasigan. Laking gulat ko na may isang malaking alon na ang nasa aking harapan na para bang lalamunin ako nito. Agad akong yumuko at sumigaw ng tulong.

Hingal na hingal akong bumangon sa aking kama. Nasa tabi ko ngayon si Ellise na nagtataka kung ano na ang nangyayari sa akin. "Ate, okay ka lang ba? Kakain na raw ng almusal sabi ni Papa." Hindi ako sumagot sa tanong ni Ellise dahil tulala pa rin ako habang hawak ang aking dibdib na hingal na hingal at pilit na inaalala ang panaginip ko. "Ate ayos ka lang po ba? Tawagin ko po ba si Papa?" Nag-aalalang tanong ni Ellisa. Natauhan naman ako. "Huwag na, susunod na si ate. Mauna na kayo ni Papa." Tarantang sagot ko at pilit na ngumiti.

Naniwala naman si Ellisa at umalis na sa kwarto ko. Napagtanto ko ang nangyari sa panaginip ko. Niyakap ko ang mga hita ko at hindi na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ilang taon na rin ang lumipas na managinip ako ng ganoong bagay ngunit ngayon ay mas nakakatakot na. Umiiyak ako hindi dahil sa takot kung 'di dahil naalala ko si Mama.

Si Mama na tinatabihan ako bago matulog.

Si Mama na binabasahan ako ng mga alamat.

Si Mama na tinitimplahan ako ng gatas para humimbing ang tulog ko.

Si Mama na inaalagaan ako may sakit man o wala.

Si Mama na handa akong tugtugan ng paborito kong piyesa para mawala lang ang mga takot at pangamba ko.

Ngunit ngayon ay wala na siya.

Siyam na taon na ang lumipas nung huli kong marinig ang boses niya. Habang pinagbubuntis niya si Ellisa ay pinaalala na ng doktor na baka hindi raw ito kayanin ng bata o kayanin ni Mama na maipalabas ng buhay si Ellisa ngunit nagawa ni Mama, nabuhay si Ellisa at simula noon ay mas lalo lang lumubha ang lagay niya. Mas pinili ni Mama mabuhay si Ellise kaysa sa sarili niyang buhay. Nagsakripisyo siya para sa anak niya.

Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinunasan ko ang mga luha ko at kumalma bago lumbas sa aking kwarto. "Anong nangyari sa iyo? Nagpuyat ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong ni Papa. Oo, hindi rin maayos ang tulog ko dahil tawag din ng tawag sa akin si Benjamin kagabi. Nagsearch pa ko ng mga dalawang oras dahil kay Mateo. "Hindi po, Pa." Pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti. Ayaw ko ng mag-alala pa si Papa.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon