Kabanata X

48 5 2
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas na hindi ko nakikita si Mateo. Sila Liam at Benjamin lang ang nakikita ko sa loob ng campus. Papasok ako ng sobrang aga o kaya naman magpapalate ako para hindi ko sila makasalubong. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa 'to? Siguro dahil sa huli naming pagkikita 'yong nautot ako sa library? Pero ang babaw ko naman kung ganoon ang dahilan ko.

Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko dahil uuwi na rin ako. Nagring ang phone ko at si Benjamin ang tumatawag. Nagdalawang isip na naman ako ulit dahil wala akong tiwala sa ewan na 'to. Tumikhim muna ako bago ko sinagot.

"Hoy Espeng!" Bungad na agad ang sigaw niya sa akin kaya medyo nilayo ko ang phone sa tenga ko.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Pabalik ko rin na sagot sa kanya

"Paano kasi may balak ka pa ba magpakita sa amin ha?! Tara sa dorm!"

"May klase pa ako." Pagdadahilan ko.

"Ulol! Wala ka ng klase ngayon tinignan ko sched mo! Weh sinungaling!"

"At kailan mo pa nakita sched ko aber?"

"Pinakita sa akin ni Liam! Oh ano?!" Agad naman ako napatigil sa sinabi ni Benjamin. Binuksan ko ng malaki ang bibig ko para tumili pero bawal pala maingay kaya tumili ako ng walang tunog. Tumalon-talon pa ko dahil sa kilig. Kabisado pala ni Liam sched ko ha! Kumalma muna ako bago sumagot ulit.

"Uuwi rin ako agad, susunduin ko si Ellisa."

"Puro ka dahilan e 'no? Nakauwi na si Ellisa ngayon, akala mo ba hindi ko alam oras ng uwian ni Ellisa ha?! Hoy! Malapit lang naman bahay ko sa inyo kaso nasa dorm nga lang ako! Ayaw mo kasi magdorm e!" Sermon niya pa sa akin. Pinalo ko naman ang noo ko na mapagtanto na maghahapon na at tanghali pala ang uwian ni Ellisa.

"Ayaw ko nga magdorm, walang mag-aalaga kanila Papa at Ellisa." Saad ko pa na medyo may paawa effect para maiba topic.

"Alam ko kaya tigilan mo na 'yang pag-iiba mo ng usapan."

"Ah-eh kailangan ko na umuwi may sakit ako!!!" Nauutal kong sigaw.

"Weh? Bakit nakatayo ka dyan at may pa talon-talon ka pa kanina?" Agad naman ako tumingin sa paligid para hanapin kung narito talaga sila Benjamin at Mateo. Gulat na gulat akong makita sila na nasa likod ko lang pala, all this time nakita nila na kinilig ako kay Liam?!

"Oh sige! Bye na! Sama talaga ng pakiramdam ko!" Binaba ko agad ang phone ko at nagsimula na akong tumakbo.

"HOY!" narinig ko naman na sigaw ni Benjamin at ang mga yapak niyang siguradong tumatakbo na rin!

"Akala mo ba hindi kita mahuhuli!" Napahinto ako na hilain ni Benjamin ang bag ko. "Sabi ko nga ano laban ko sa mahaba ang biyas pagdating sa takbuhan?" Ani ko at napakamot sa ulo.

"Puro ka dahilan ha, ilang araw ka ng gan'yan! Ayaw mo ba makita ang poging itsura namin ni Heneral?" Pagkalingon ko ay nakita ako agad si Mateo na nakasunod din pala sa amin. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Wala ka namang lagnat? Ano ang iyong sinasabi na ikaw ay may sakit?" Tanong ni Mateo sa akin. Agad ko naman hinawakan ang kamay niyang nasa noo ko para ilayo ito.

"Hoy bawal hawakan ang mga babae!" Pag-iiba ko ulit ng usapan. "Ang iyong sinabi noong nakaraan ay matuto akong makibagay sa inyong panahon, hindi ba?" Pagdadahilan niya pero kitang-kita naman sa mukha niya na nahihiya rin siya sa ginawa niya.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now