Kabanata XIII

33 3 0
                                    


Kasalukuyan kaming naghahanda nila Liam at Benjamin para sa report namin ngayon sa history class. Kaniya-kaniyang kabisa at basa kami ngayon. Ilang araw na rin namin nakalimutan 'to lalo na may nangyaring masama dalawang araw na ang nakararaan kaya ngayon ay para na kaming ewan na natataranta.

Napagdesisyon kami na ang Dungeon sa Fort Santiago ang aming irereport tutal about sa ikalawang digmaan pandaigdig ang topic namin ngayon. Inihanda na rin namin ang mga larawan na nakuha namin pati na rin ang video na inedit ni Benjamin.

Hindi na rin nagtagal ng pumasok na si Professor Rosales. Nanahimik na ang lahat at nakita ko pang nagdasal si Benjamin sa kaba. Tinignan ko naman si Liam na katabi ko, chill lang ang hitsura niya, nakangiti pa siya. Nakakapagtaka talaga lagi na siyang nakangiti ngayon. Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap siya sa akin.

"Bakit may problema ba sa mukha ko?" Tanong niya at pinunasan pa ang mukha niya. "Wala, wala!" Umiling-iling pa ko.

"Bakit ka nakatingin? May problema ba? Ayos ka lang?" Sunod-sunod niyang tanong. Kinilig namin ako at ngumiti na parang ewan at kung nakikita lang ni Benjamin ang hitsura ko ay sasabihin na niya agad na mukha akong natatae.

"May I call the trio here infront." Agad naman kami tumayo at pumunta sa harap. "Let's congratulate them about the seminar last week. They did great."
Nagpalakpakan naman ang mga kablockmates namin. Ngumiti naman kami at nagpasalamat. Hindi rin maiwasan magtanong ng iba lalo na makita nila akong may gasa sa noo. Ang sinasabi ko lang ay nauntog ako. Huli ko lang din napagtanto na baka isipin nila na tanga-tanga ako para mauntog at magkaroon ng ganoong kalalang sugat sa noo.

Sinenyasan na rin kami ni Prof. na magstart na sa report namin. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti.

"Magandang araw sa inyong lahat. Wikang Filipino ang aming gagamitin ngayon upang maipagmalaki ito at mapagbigay galang sa ating mga ninuno noong panahon ng mga digmaan."

"Ano nga ba ang iyong gagawin kung isang araw ay magising ka na lang na wala ng kalayaan ang iyong bansa? Paano kung isang araw ay tinanggalan kayo ng karapatan sa sarili ninyong bayan? Handa ka ba ipaglaban ito kapalit ng iyong buhay?"

Ipinagpatuloy na ito ni Liam na seryoso na ngayon. "Katulad ng mga pilipino noon. Mga matatapang at puno ng paninindigan. Hinarap nila lahat ng mga nagtangkang angkinin ang ating teritoryo kahit pa ang katumbas nito ay ang kanilang kamatayan."

"Ang mga larawan na inyong makikita sa harap ay ang kasalukuyang mga larawan ngayong modernong panahon, walang mananakop at malaya." Ani Benjamin kasabay no'n ay ang pagflash sa screen ng mga pictures na kuha namin.

"Makikita niyo naman sa mga susunod na larawan ang dating Fort Santiago. Ano nga ba ang kasaysayan ng Fort Santiago?" Scripted na tanong ni Benjamin sa akin.

"Fort Santiago o Fuerza Santiago ang tawag rito. Noong mapasa-kamay ng mga espanyol ang Maynila ay agad nila ginawa ang Fort Santiago noong taong 1590 at natapos din noong taong 1593." Sagot ko sa tanong niya. Nakikinig ang lahat sa amin. Nawawala ang kaba ko tuwing nagsasalita na ako mismo sa harap ng mga tao. Natutuwa akong gamitin ang boses ko sa tama.

"Simula noong panahon ng kastila, amerikano at kasama na rin ang panahon ng madugong digmaan ng mga hapon at pilipino ay nasaksihan ng Fort Santiago. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones ay ginawa nila ang Dungeon." Pagpapaliwanag ni Liam habang pinapakita naman ni Benjamin ang mga larawan noon ng Fort Santiago.

"Ang Dungeon ay ginamit ng mga hapon para gawing kulungan ng mga nahuhuli nilang mga pilipino noong ikalawang digmaang pandaigdig taong 1945. Hinayaan nilang makulong ang mga nahuhuli nila roon at pinapahirapan nila upang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga plano at pinagtataguan ng mga pilipinong kasapi sa pakikipaglaban. Hindi man lang nila pinapakain o pinapainom ng tubig hanggang sila ay mamatay at sa sobrang dami nila sa iisang selda ay karamihan sa kanila ay namamatay ng patong-patong kasama ang mga ibang nabubulok ng mga katawan." Pagpatuloy ko sa sinabi ni Liam.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now