Kabanata XII

34 3 0
                                    

Kumikirot ang ulo ko ngayon nang idilat ko ang mga mata ko. Napahawak ako sa noo ko at agad din naman napa-aray dahil may sugat pala ito. Nanlalabo pa ang aking paningin nang makita ang mga mukha ni Papa, Tito at mga kaibigan ko na sobrang lapit sa mukha ko.

"Anak, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Papa. Nangigilid din ang mga luha sa mata niya. "Ayos lang po ako, Pa. 'Wag ka na pong mag-alala." Sagot ko.

"Espeng natatandaan mo pa ba ako?" Napatingin naman ako kay Benjamin ngayon, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya o isa na naman ito sa mga biro niya. "Hindi, ang pangit mo." Sagot ko sa kaniya at tumawa ng mahina.

"Seryoso kasi e!" Aniya na may halong inis sa tono ng pananalita niya. "Akala namin ano na ang mangyayari sa iyo." Nag-aalalang wika ni Liam na nasa tabi ko. Kitang-kita ko ang mga pag-aalala sa mga mata nila at kasabay noon ay ang pag-alala ko ng mga nangyari kanina.

Isang motor na lang ang biglang huminto sa tapat ng talyer at nagpaputok ng dalawang beses ng baril. Sumigaw at hinarang ni Mateo ang katawan niya sa amin ni Papa. Pagdilat ko ng mga mata ko no'n ay bigla na lang mayroong batong tumama sa aking ulo at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pamilyar na matang iyon. Natauhan ako ng maalala ang mga nangyari kanina.

"Anong nangyari?!" Sigaw ko. Napahawak naman si Papa sa magkabilang braso ko para pakalmahin ako. "Anak kumalma ka muna." Sambit ni Papa. Agad ko naman inikot ang paningin ko dahil kulang kami, si Mateo ay hindi ko masumpungan.

"Salamat sa Diyos dahil kay Mateo. Nagulat na lang ako ng sumigaw siya ng kung anong salita na hindi ko naman maintindihan." Nagsalita na rin si Tito na kanina pa tahimik. "Na saan po siya?" Wala sa sarili kong tanong.

"Kinakausap pa siya ng mga pulis ngayon, anak. Magpahinga ka muna." Ani Papa pero bigla na lang may kumatok sa amin at pumasok sa kwarto ko rito sa hospital.

"Magandang hapon po, P03 Garcia." Saad ng isang pulis at sumaludo siya kay Papa. Ganoon din si Papa, sumaludo rin pabalik. Nasa likod ng pulis si Mateo na nakatingin na sa akin ngayon. Madumi na ang kaniyang damit, siguro dahil kanina no'ng napahiga siya sa sahig.

"Kailangan lang po namin makausap si Ma'am para po maimbestigahan na po natin ang nangyari kanina." Pagpapatuloy ng isang pulis. "Pwede bang sa ibang araw na lang? Magpapahinga muna ang anak ko." Pagtutol ni Papa pero agad ko naman pinigilan ito.

"Okay lang po, Pa." Tumango naman ako sa pulis bilang pagsang-ayon. Bata pa siya at sa tingin ko ay nasa edad twenty pataas. Ngumiti muna siya sa akin bago mag-umpisa sa pagtatanong.

"Pwede niyo po ba i-kwento ang nangyari?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Nagkekwentuhan lang kami no'ng mga oras na 'yon na bigla na lang sumigaw ang isa sa mga kasama namin." Tumingin ako kay Mateo ngayon na nakatingin lang din sa akin.

"Nagulat po ako at hindi ko agad na-gets ang sinabi niya. Nagulat na lang po ako na tinulak niya kami pababa sa sahig." Tuloy ko pa habang inaalala ko ang nga pangyayari kanina. "Pero pagdilat ko po ay may bumato ng malaking bato po sa akin."

"Anong bato?" Tanong ng pulis.

"May nakasulat doon." Singit ni Papa. Lahat kami ngayon ay napatingin sa kan'ya. "Una at may number one, kulay pula ang tinta." nakatulalang sambit ni Papa. Agad naman may pumasok sa utak ko. Baka ang tinutukoy nila ay unang babala iyon.

"Nakita mo ba ang itsura ng gun man? Kahit anong parte ng mukha." Pagpapatuloy niya sa pagtatanong. Agad naman akong napaiwas ng tingin at umiling. Nagsinungaling ako.

"May kilala po ba kayong may galit sa pamilya niyo o kaya naman kaaway ninyo?" Ang tanong niyang iyon ay para sa amin ni Papa dahil halata naman na kami ang punterya ng gun man. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay nakatingin na sa baba.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now