Kabanata XVII

30 2 0
                                    


Malapit na kami ngayon sa Quezon Memorial Circle. Ang mga taong nasa aking paligid ay panay paypay at punas sa kanilang pawis dahil sa init. Basang-basa na rin ako sa pawis pati na rin ang mga kaibigan ko. Dahan-dahan kong isinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at ipinusod ito. Pagkatapos ng iyon ay pinunasan ko ang aking pawis sa noo at leeg.


Nagulat na lamang ako nang tumingin ako sa kaliwa ko ay nakatingin sa akin si Mateo. Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.


"Anong tinitingin-tingin mo d'yan ha?" Masungit kong tanong sabay taas pa ng kilay.


"Bagay sa'yo ang nakapusod." Sabi niya at sabay abot ng tubig galing sa box na bitbit niya.


Nauna na siya sa paglalakad na parang wala lang habang ako naman ay naiwang nakatulala habang papikit-pikit ang mata dahil sa pagtataka. Ang random talaga ng mga lalaki, kung ano-ano ang mga sinasabi!

"Pwede po ba tumabi kayo! Nakakaharang kayo sa daan!" Naagaw ng pansin ko ang lalaking sumisigaw sa harap. Nakasakay siya sa kotse niya at busina nang busina kahit walang nakaharang sa kaniyang harapan. Kitang-kita naman na malawak pa ang daan at kasyang-kasya pa ang sasakyan niya upang makadaan.


Habang nagrereklamo pa ang lalaking nasa loob ng kotse ay nagsalita naman ang matandang lalaki na tinulungan ni Mateo na magbuhat ng tubig kanina.


"Hijo, kita mong hindi naman kami nakaharang sa daanan 'di ba?" Sabi ni Manong sa mahinahong na paraan ngunit mas kinainisan ito ng lalaki. Bumaba ito sa kanyang kotse at sigang naglakad sa harap ni Manong.


"Ano pa ba ang dahilan niyo at bakit nagpoprotesta pa kayo? Sagabal lang kayo sa daan!" Pasigaw na sabi nito kay Manong.


"Hijo, ilang beses ko ba kailangan ipa-iintindi sa iyo na hindi kami nakaharang sa daraanan niyo, tignan mo, nakadadaan naman ang ibang sasakyan." Mahinahon na paliwanag ni Manong at itinuro pa nito ang daan na kung saan malayang nakadadaan ang ibang sasakyan. Mas nainis pa ang lalaki dahil sa sinabi ni Manong.


"Kung humingi na lang sana kayo ng paumanhin kaysa ang sumagot-sagot ka pa! Puro kayo reklamo e wala naman kayong ambag sa bansang 'to!" Sigaw nito na siyang 'di ko na pinalampas.


Kinuyom ko ang mga kamao ko at akmang maglalakad na papunta sa tabi ni Manong ngunit may humawak sa braso ko.


"Espeng, 'wag ka nang makisama pa, mapapahamak ka lang." Nag-aalalang sabi ni Liam.


"Hindi ko na kaya pang manood na lang." Sabi ko at itinanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. Nakasalubong na ang aking mga kilay nang makalapit na kay Manong.


"Magandang tanghali po, hindi na po kailangang humingi pa kami ng paumanhin sa inyo, kita mo rin naman pong hindi talaga kami nakaharang sa daanan niyo, kung hindi niyo po kayang tanggapin ang pagkakamali niyo, 'wag niyo po sanang tapakan ang ibang tao." Agad napatingin sa akin ang mga taong nasa paligid at kunot noong napatingin sa akin ang lalaki. Ngumisi siya at humarap sa akin.


"At ikaw, hindi ka pa tapos sa pag-aaral e ang lakas na ng loob mong mangialam at ang yabang mo na."

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon