Kabanata V

51 7 3
                                    


Kaming tatlo ngayon ay nakatingin lang sa misteryosong lalaking ito. Galing daw s'ya sa taong 1897 at Mateo Miguel Rodriguez daw ang pangalan n'ya. Kumakain na s'ya ngayon ng lugaw at ang paligid ay tumatahimik na rin dahil gabi na at unti na lang ang tao sa loob. Nagkatinginan naman kaming tatlo at parang mga hibang na nakikipag-usap gamit ang mga senyas ng mga mata at bibig namin.




"Pa-KMJS na natin 'to." pabulong na sabi sa akin ni Benjamin. Napa-isip naman ako roon sa sinabi n'ya. Ano sasabihin namin? May time traveler kaming nakita? Anong title? Lalaking galing daw umano sa nakaraan? May sasabihin pa sana ako nang biglang ibaba ng lalaking ito ang hawak n'yang kutsara at diretsong tumingin sa akin. Hindi naman ako nagpatalo, tinignan ko rin s'ya ng diretso. Hindi ko maiwasang kilitasin ang mga mata n'yang hindi ko man sabihin, maganda talaga ang mga ito. Mas mahaba pa ang pilikmata n'ya kaysa sa'kin pero kitang-kita ko ang lungkot na nagtatago sa likod ng walang emosyon n'yang mukha.



Natauhan ako nang magsalita s'ya. "Si no me crees. ¿Puede el idioma español hablar lo suficiente como evidencia de que soy un español?" walang emosyon n'yang sinabi at 'di pa rin iniiwas ang tingin sa akin. "Ano raw?" tanong ni Liam. "Wala bang subtitle?" tanong naman ni Benjamin. Tumingin naman ako sa katabi ko, hindi ko alam kung tatawa ba 'ko o babatukan ko s'ya. Pati ba naman sa seryosong sitwasyon ay nagbibiro s'ya. Tinignan ko ulit ang lalaking nasa harap ko pero ang tingin na iyon ay nagsasabing 'Sa tingin mo bang nakaiintindi kami ng wikang espanyol?' look.



"Ang aking sinabi kanina ay kung hindi ka naniniwala sa akin. Ang pakikipag usap ba sa wikang espanyol ay sapat na bilang ebidensya na ako'y isang espanyol?" sinagot din ng lalaking ito ang tanong na tumatakbo sa utak naming tatlo. "Oo nga naman, 'no?" nag-iisip pang sambit ni Benjamin. "Wala naman atang magnanakaw na marunong mag spanish?" patuloy pa n'ya.




"Hindi." sagot ko na hindi pa rin kumbensido sa lahat ng sinabi ng lalaking ito na bigla na lang sumulpot out of nowhere. "Kung galing ka nga talaga sa nakaraan dapat may history o information ka man lang kahit sa google." saad ko pa sabay labas ng phone ko.




"Talino mo talaga" bulong sa akin ni Benjamin. "May bayad ba 'yang puri mo?" tanong ko sa kanya. "Why not?" tawa pa n'ya. Tumingin naman ako sa lalaki. "Magbigay ka ng impormasyon tungkol sa'yo." utos ko sa kanya. 




"Muli kong uulitin, ang aking ngalan ay Mateo Miguel Rodriguez y Ferdeyo." tinype ko naman sa phone ko ang sinabi n'yang pangalan. "Ang aking ama ay si Emieliano Rodriguez na may dugong kastila habang ang aking ina ay si Isabeliana Ferdeyo. Tanyag ang pangalan ng aking ama sa Laguna. Kasalukuyan akong nagtungo sa Espanya at  kumakailan lamang ako muling umuwi rito, sa Filipinas nang may nangyaring hindi ko inaasahan." napayuko s'ya pagtapos n'yang sabihin iyon na para bang hindi maganda ang nangyaring iyon, hindi na n'ya kayang itago ang nadarama.



"Ako'y bente sais anyos(26) at katataas lang ng aking ranko bilang heneral sa Maynila." saad pa n'ya. Agad naman akong natapos sa pagpindot-pindot sa phone ko. Lumapit naman ang dalawa sa'kin. "Bagal naman! Ubos na ata yang Giga surf mo e!" reklamo pa ni Benjamin. "Tumahimik ka nga amoy lugaw hininga mo." reklamo ko pabalik. 


Tumayo naman ako at tinaas ang isa kong kamay na may hawak sa phone ko para makahanap ng signal. Sunod ng sunod naman ang dalawa sa akin. Mukha kaming baliw sa labas ng lugawan na naghahanap ng signal. "Ayan na!" sigaw ni Liam. Sabay-sabay naman kaming nagbasa na parang lamok. 


El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن