Kabanata II

58 9 2
                                    


Araw ng Sabado ngayon at kasalukuyan akong naghahanda para sa "Tour in Manila" kuno. Susunduin kami ni Liam gamit ang kotse n'ya. Sa aming tatlo si Liam lang ang naka-aangat sa buhay. Nasundo na raw n'ya si Benjamin at papunta na sa aming bahay.



Nakasuot ako ngayon ng maong na palda na lagpas tuhod, v-neck shirt na medyo fitted at white sneakers.



Nakatingin ako ngayon sa harap ng salamin at pinagmasdan ko ang aking mukha. Napangiti ako ng maalala ang sinabi ni Mama na magiging kamukha n'ya raw ako, nagbangayan pa sila ni Papa noon kung sino ang kamukha ko.




"Pa! Tignan mo si ate! Nagpapaganda para kay kuya Liam!" sigaw ng aking kababatang kapatid na si Ellisa. Siyam na taong gulang na s'ya ngayon at noong 1 year old lang s'ya ng mawala si Mama. Masyadong mabilis ang panahon kaya kung maari lang na bumalik ang dati ay sana mas nakasama ko si Mama.




"Hoy Ellisa! Ikaw talaga inaasar mo na naman si ate ha!" sabi ko kay Ellisa at akmang hahabulin na s'ya kaya tumakbo na s'ya papalayo sa akin. "Ate tama na!" bungisngis na tawa n'ya. "Sige nga, anong fish ang walang eye?" tanong ko pa sa kanya. "Pag nasagot mo hindi ka makatitikim ng kiliti sa akin!" sigaw ko pa na muntikan na s'yang mahuli.


"Edi isdang bulag?" sagot n'ya at tumigil para mag-isip. "Mali! Fsh, walang eye (i)." sabi ko at ako lang ang tumawa. "Nahahawa ka na ate kay kuya Benjamin, ang corny n'yo na po." sabi pa n'ya kaya kiniliti ko na s'ya.



"Hindi ako titigil hanggang maihi ka!" tawa rin ako ng tawa ng makita s'yang parang bulati na binubudburan ng asin habang kinikiliti ko s'ya. Mahirap ang responsibilidad ng isang panganay pero pagmamahalin mo ang ginagawa mo ay saya naman ang maiidulot nito sayo. "Pa si ateee!" sigaw ni Ellisa na humihingi na ng tulong kay Papa.




"Tumigil na nga kayo riyan. Aba! Espeng bumabalik ka na naman ba sa pagkabata?" tumatawa si Papa ng sabihin iyon. Naupo s'ya sa salas habang bitbit ang mainit na tasa ng kape n'ya. Nakangiti s'ya sa amin habang pinapanood kami kanina. "Kunwari pa 'tong si Papa gusto rin naman kami panooring naghaharutan." pabiro kong sabi na kinatawa pa n'ya lalo.




Nang mapagod ay tumakbo papalapit si Ellisa kay Papa para si Papa na naman ang kukulitin n'ya. Tinuloy ko ang pag-aayos sa aking buhok. Iniikot ko ang harapang bahagi ng aking buhok parehas  sa magkabaliktad na hati at inulugay ko ang natitirang buhok, ito ang paboritong itali sa akin ni Mama noon.




Lahat kami ay napatingin sa labas ng may bumisina sa labas ng bahay. Binuksan ni Papa ang gate. Nang marinig ko ang boses ni Liam ay agad naman akong nataranta. Nagpulbo pa ko sa mukha at tingin ng tingin sa salamin kung ayos na ba ang itsura ko.




"Magandang umaga po Tito Noel!" masiglang bati ni Benjamin sabay mano. "Kamusta naman kayo? Si Lito?" pangangamusta ni Papa sa kanila Benjamin na pinsan ko at kay Tito Lito na kapatid n'ya. "Okay naman po kami Tito, bibisita raw si Papa pag 'di na po raw busy sa talyer." sagot ni Benjamin kay Papa.




Binaling naman ni Papa ang tingin kay Liam. "Nako! Parang habang tumatagal pumopogi ka Liam ha! Nakahahawa ba talaga ang sakit ko?" Tanong ni Papa kya nagulat sila Liam at Benjamin. "Tito may sakit po kayo?!" Pasigaw na tanong ni Benjamin. "Oo, itong kapogian ko?" biro ni Papa, napahinga naman ang dalawa. Hindi nagtagal tumawa silang tatlo, nagmano si Liam kay Papa. "Kamusta naman po kayo Tito?" nakangiting tanong ni Liam. "Ayos lang naman, maraming kaso sa station." nakangiting sagot ni Papa.




"Kamusta naman? May girlfriend na ba kayo?" Tanong ni Papa sabay ngisi sa kanila at taas ng kilay. "Tito nako dapat n'yo tanungin itong si Benjamin." Tawa pa ni Liam at inakbayan si Benjamin. Napayuko at napahawak sa batok si Benjamin dahil sa hiya.



"Nako! Ang pamangkin ko, nagbibinata na pero parang nagmana sa ama, torpe!" asar pa ni Papa na mas lalong kinahiya ng pinsan ko. "Bigyan ko kayo ng 'how to make a girl fall inlove tips' sa susunod kung paano mabighani sa inyo ang mga babae. Kaya nga patay na patay sa akin ang asawa ko." tumawa naman sila dahil sa kakulitan ni Papa.



Nakadungaw naman ako sa bintana nang biglang lumabas si Ellisa. "Mga kuya!" sigaw pa n'ya. Napatingin sila kay Ellisa at napatingin silang tatlo sa'kin at nahuling pinapanood sila. Binuhat ni Papa si Ellisa na nakipag-apiran pa sa dalawang kuya raw n'ya.


"Lumalaki ka na Ellisa! Buti na lang 'di ka nahawa sa ate mong pangit!" saad ni Benjamin na kinatawa nilang lahat. Saktong kalalabas ko lang dala ang string bag ko kaya narinig ko ang lahat ng sinabi n'ya. "Hiya naman ako sayong pinanganak ka ng pangit." bwelta ko pa.



"Pasok muna kayo sayo loob ng bahay at kumain."  aya ni Papa sa kanila. "Hindi na po Tito, kumain na rin po kami bago kami umalis kanina." sagot ni Liam.  "Huwag na po Pa, sa lakas ba naman kumain ni Benjamin baka maubos n'ya sinaing ko para ngayong araw." sabi ko habang nakangiting nang-aasar. "Hala? Kapal mo ha?" asar na sinabi ni Benjamin sa'kin.



Tumawa naman kami dahil ang sama na ng tingin n'ya sa akin. "O'siya mag-iingat kayo. Iuwi n'yo si Espeng bago mag gabi. Espeng i-text mo 'ko ha." paalala ni Papa sa aming tatlo at tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon. "Ano ka ba, Pa? Binibaby n'yo na naman ako." nakangiti ako ng sabihin iyon. Masyadong maalaga talaga si Papa.



Nagpaalam na kami at umalis. Nasa loob kami ng kami ngayon ng sasakyan. Sa likod sko ngayon nakaupo pagkatapos kong matalo sa bato-bato pick namin ni Benjamin kanina. Gusto ko sanang makatabi si Liam kaso may epal akong pinsan. "Kailangan natin ayusin ang schedule natin para hindi tayo mahirapan." basag sa katahimikan ni Liam habang nakatuon ang tingin sa daan.




Nagbabasa ako ng history book na s'yang hilig ko ng mapatingin ako sa kanya. 'Di ko maiwasang titigan s'ya ng matagal. May itsura, matalino, at mabait pero bakit 'di n'ya ako mapansin? "Espeng, what do you think?" natauhan ako nang magsalita s'ya ulit. Nakatingin s'ya sa akin ngayon. "Yeah, ayusin natin after nito." sagot ko. Ngumiti naman s'ya at tumango.




"Excused naman kasi tayo. Bakit kailangan pa tayo gawan ng task?" reklamo ni Benjamin. "Hoy! Puro ka reklamo buti nga binigyan tayo ng chance 'diba?" sabi ko at binatukan s'ya sa likod. Nakasimangot pa rin s'ya hanggang ngayon. "Saan ba tayo sa Manila?" tanong ni Liam.




"Sa Luneta muna? Ikutin natin! Tagal na natin 'di nakapunta roon." sabi ko na halatang excited. "Oo nga, noong mga bata pa tayo roon ka nawala tapos nakita ka naming umiiyak sa gitna ng maraming tao." Mapang-asar na sabi ni Benjamin. Simula ng araw na 'yon natatakot akong mawala sa gitna ng maraming tao. Maiiyak na lang ako sa kaba at takot.





"Let's go! Get ready na sa mala-Dorang adventure natin." Pang-iiba ng usapan ni Liam. Tumawa naman kaming lahat dahil kinanta pa ni Benjamin ang theme song ng Dora the Explorer. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa mga tawa nila. Ngumiti ako at tumingin sa labas, ito na ang simula ng lahat.










×××







A/N: Magandang gabi sa inyong lahat! Sana ay patuloy n'yo itong suportahan at abangan ang susunod na mga kabanata. Maari kayong magcomment o kahit gamitin ang hashtag sa baba at magtweet upang mabasa ko ang inyong mga saloobin at komento rito. Maraming salamat!






#ElFuegoEnElAgua

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Onde histórias criam vida. Descubra agora