Kabanata XIV

46 3 0
                                    


Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan ni Benjamin. Alam kong mali ang ginawa kong pagtatago ko sa kanila at ilang beses na rin ako sinasabihan ni Liam na huwag na mag-alala at hindi rin ako matitiis ng pinsan ko na parang kuya ko na rin. Hindi ko rin siya masisisi dahil nadamay sila ni Tito kaya naiintindihan ko siya.

Si Liam na lang ang humahatid at sundo sa akin sa University, diretso school naman si Benjamin dahil nga ayaw niya pa rin akong makausap. Habang si Mateo naman ay marunong na pumunta sa talyer kaya nagcocommute na lang siya gamit ang perang kinikita niya araw-araw.






Kauuwi ko lang ngayon galing sa University. Ilang araw na rin akong hindi lumalabas bukod sa diretso sa University at diretso uwi sa bahay. Nakatulala lang ako ngayon sa kisame ng kwarto ko habang paulit-ulit iniisip ang mga nangyari noong nakaraang araw.

Maagang umuwi si Papa ngayon kasama si Ellisa na galing sa school na ngayon ay natutulog na. Tinatakot kasi siya ni Papa na matutulad siya sa height ko kapag hindi siya matutulog tuwing hapon. Natutulog naman ako rati tuwing hapon pero maliit talaga ako kaya wala na akong magagawa at umaasa na lang sa tamang stretching at inom ng gatas.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at bumuntong hininga bago tumayo. Kinuha ko ang cap na nakasabit sa pinto ko at sinuot iyon. Pupunta ako sa talyer ngayon. Gusto kong makausap si Tito na sinasabihan ko rin ng problema namin ni Benjamin na rati lang ay away bata pero ngayon ay seryosong hindi na pagkakaintindihan ang nangyari sa amin ng pinsan ko.

Dahan-dahan akong bumaba at tinignan ang paligid kung naroon ba si Papa. Mali man ang gagawin kong pagtakas ngayon pero hindi na kaya ng konsensya ko ang ginawa kong kasalanan kay Tito na nadamay lang din sa nangyayari ngayon sa pamilya namin. Madali akong nakalabas ng bahay dahil tulog din si Papa, uuwi na lang ako agad para hindi nila mapansin na umalis ako.







Naglalakad na ako ngayon at malapit na sa talyer. Rinig ko rin ang ingay ng mga tambay at iilang batang naglalaro ngayon sa kalye. Natatanaw ko na ang talyer kaya sumilip muna ako kung busy ba sila. Hinahanap ng mga mata ko si Tito Lito na hindi ko makita sa lamesa niya.

"Bakit ka narito mag-isa?" Gulat na gulat akong lumingon at bumungad sa'kin ang pawis na pawis na si Mateo. Napatulala ako dahil ang hot niya kahit may iilang langis at dumi ang nasa mukha niya.

Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya agad niyang pinunasan ang mukha niya pero mas kumalat lang ang dumi. Tumawa ako dahil doon at napatigil din na ma-realize kong pinagnanasahan ko si Mateo kanina lang. What the fuck Esperanza? Nababaliw ka na talaga!

"Batid kong marumi ako ngayon kaya huwag mo na akong pagtawanan riyan, sagutin mo ang aking tanong." Saad pa niya at tumingin pa sa paligid para hanapin kung may kasama talaga ako. "Teka ikaw ba ay tumakas sa inyo?" Tumingin siya sa akin at para bang sinisisi ako sa isang krimen.

"Ah! H-hindi ah!" Sigaw ko habang nauutal pa. Tinignan niya naman ako na para bang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko.

"Ikaw ay nagsisinungaling." Saad niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Paano naman niya nalaman 'yon human detector ba siya? Palagi niyang ginagamit ang pagiging heneral niya pati sa akin.

"Kakausapin ko lang si Tito. Ang o.a. mo talaga." Inis kong wika. Kumunot naman ang noo niya. "O-oh ey?" Nagtataka niyang mukha. Mukha siyang ewan kaya pinipigilan ko ang tawa ko ngayon.

"Oo, ikaw ang o.a. mo." Tinuro ko pa siya at kunwaring naiinis pa 'ko sa kaniya. Mas lalo naman nagtaka ang itsura niya kaya hindi ko na mapigilan at tumawa na rin ako habang siya ay nagtatakang nakatingin lang sa akin.

"Nahihibang ka na." Wika niya at umiling-iling pa. "Umuwi muna si Manong Lito kaya bumalik ka na bago pa malaman ng iyong ama na ikaw ay tumakas sa inyong tahanan." Mas lumakas lang ang tawa ko dahil sa pagmanong niya kay Tito na ayaw naman ni Tito na itawag sa kaniya dahil nagmumukha lang daw siyang lolo.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu