Kabanata XXI

25 1 0
                                    


A/N: Ihanda ang inyong sarili, hinabaan ko ang kabanatang ito bilang pambawi sa matagal na hindi pag-update. Maligayang pagbabasa!


Kababa lang namin ng tren at narito kami ngayon sa IRRI Station. Ito kasi ang pinakamalapit na station sa Majayjay, Laguna, ang lugar na hinahanap ni Mateo.

Pagkatapos ng huling sinabi niya kanina ay 'di na ako ulit nagsalita at buong sakay namin sa loob ng tren ay walang umimik sa'ming dalawa. Nakaupo rin ako nang may bumaba na sa ibang station kaya buti na lang 'di ko na kailangang hawakan ang kamay ni Mateo nang mas matagal.



"Saan tayo pagkatapos?" Ako na ang naunang bumasag ng katahimikan namin. Lumingon ako kay Mateo para marinig ang sasabihin niya.

Paglingon ko ay tahimik siyang nakatingin sa isang papel. Nagtaka naman ako kaya lumapit ako sa kaniya at sinilip ito.

"Nagprint ka pa talaga ng mapa?!" Gulat na tanong ko. Tumawa ako dahil may mga marka pa ng marker ang papel, si Benjamin pa ata ang nagprint nito.

"Na saan ba tayo ngayon?" Tanong ni Mateo habang nakatingin pa rin sa papel na hawak niya.

"Google map na lang gamitin natin! Pinapahirapan mo pa sarili mo e."

Inilabas ko ang cellphone ko at buti na lang dahil may data ako.

"Malayo-layo pa ang Majayjay rito. Siguro magjejeep pa tayo o kaya tricycle." Tumango naman si Mateo nang maintindihan ang sinabi ko.

"Pero kumain muna tayo ng tanghalian." Ngumiti ako bago lumingon sa kaniya at maglakad ulit.



Ingay ng mga tao na sinabayan pa ng init ng araw ang bumugad sa'min sa palengke. Maraming mga karinderya at mga fast food resto rito at mas makatitipid pa kami kung dito kami kakain ng tanghalian.

Kahit tanghaling tapat na ay busy pa rin ang palengke rito. May mga batang naglalaro, mga tricycle at motor na nagkalat, mga namimili, at mga tindero't tinderang naglalako.

Lumingon ako para harapin si Mateo pero wala akong nakitang ni-anino ni Mateo. Inikot ko pa ang paningin ko para hanapin siya pero wala akong nakita.

Nagsimula nang umikot ang paningin ko. Ang init ng panahon, ingay ng mga tao at nakahihilong paikot-ikot ng mga tao at bagay na nasa paligid ko ang nagpaparamdam sa'kin nito.

Nawawala ako.

Nagsimula na akong mataranta habang paikot-ikot pa rin ang mga mata, nagbabaka-sakaling makita si Mateo. Ayoko nang ganito, takot ako mawala sa gitna ng maraming tao at sa isang lugar na hindi ko kabisado. Alam nila Liam at Benjamin ang tungkol dito kaya palagi nila akong sinasamahan sa tuwing pupunta ako sa malayo.

Nanggigilid na ang luha ko habang nakahawak sa ulo ko dahil sumasakit na ito.

"Mateo" Bulong ko dahil wala na akong lakas na sumigaw pa.

Napahinto ako sa pag-ikot at akmang matutumba na nang may humawak sa braso ko.

"Ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang tanong ni Mateo habang diretsong nakatingin sa mga mata kong lumuha.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Napahawak ako nang mahigpit sa braso niya para sa suporta.

"Saan ka ba nanggaling?" Isang tanong ang sinagot ko sa tanong niya.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon