Kabanata I

138 8 17
                                    

Quezon City, September 2020



"Ms. Garcia follow me. Class dismissed." Tumango na lang ako at sinimulan ng ayusin ang aking mga gamit.





"Pres. Espeng paborito ka talaga ni Prof. Rosales. Esperanza lang ang malakas!" Pabulong na sabi ni Liam na tumatawa pa. "Oo, paboritong gawing utusan." Nang-aasar naman na sabi ni Benjamin sabay nguya pa ng paborito n'yang bubble gum.





"Ako lang kasi ang matinong kausap sa inyong lahat. Kaya kayong dalawa..." sabay turo sa kanilang dalawa na nakangisi. "Kumain kayo ng marami  ngayong lunch."





Ngumisi ako at tinuloy ang pagliligpit ng mga libro ko. "At bakit naman?" Tanong ni Liam. "Marami tayong gagawin." Ngumisi ako ulit at tinaasan sila ng kilay dahil alam kong hindi nila magugustuhan ang katagang iyon at mas lalong hindi sila makapapalag.




"See you sa canteen. Eat well."  Kinindatan ko sila at isang nakaiinis na  ngiti ang binigay ko sa kanila bago magsimulang maglakad. "Nakakainis ka talaga! Sana madapa ka!" Sigaw pa ni Benjamin na may halong poot. Lumingon lang ako at tumawa nang makita ang nakasimangot na mukha n'ya.




Naglalakad na ko papunta sa faculty. Inayos ko ang pin na nakalagay sa aking I.D. "President Esperanza C. Garcia"  Taas noo akong naglalakad at tumatango sabay ngiti sa mga kakilala kong estudyante na bumabati sa akin.



Tinatawag kaming Iskolar ng Bayan  dahil kami ay nag-aaral sa  Unibersidad ng Pilipinas o mas kilala bilang University of the Philippines (UP). Pangarap ko 'to rati pa na makapag-aral dito. Kasalukuyan akong kumukuha ng kursong Political Science. Tuwang-tuwa pa ang mga magulang namin nila Liam at Benjamin nang makapasa kami sa Entrance Exam. Nagsunog talaga kami ng kilay lalo na 'tong si Benjamin.




Itinayo rati ang UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES  noong 1908, kasama sa programa noong panahon ng kolonyal ng pamahalaang Amerikano sa bansang Pilipinas. Ang sikat na statue o mas kilala sa pangalang "The Oblation"  ay ginawa ni Mr. Guillermo Tolentino. Na ibig sabihin ng pagtaas ng mga kamay nito at ang pagtingin sa itaas ay nagsisimbolo ng pag-aalay ng sarili sa bansa. Sikat din ang Unibesidad na ito sa buong mundo dahil sa mga naging sikat na mga personalidad na nakapagtapos ng pag-aaral dito.






Hindi nagtagal narating ko na ang School's Faculty. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Tumingin naman ako sa paligid.


"Oh? Bakit na rito ang President ng third year?" Agad akong napangiti nang makita si Prof. Castro na pinakaclose ko sa lahat ng Prof. dito sa University. S'ya kasi ang unang teacher na tumulong sa akin nung first year pa lang ako.



"Good afternoon po Prof!" Maligayang pagbati ko sa kanya. "Bakit ka na rito? May gulo na naman ba sa batch n'yo?" Tanong ni Prof. na agad naman akong umiling. Sanay na kasi sila na pumupunta ako rito pag may nangyayari.



"Hinahanap ko po si Prof. Rosales." Sabi ko habang iniikot ang paningin ko para mahanap si Prof. Rosales. "Sige, pasok ka. Nasa table n'ya sa kaliwa, kararating lang din." Tinuturo pa ni Mr. Castro ang direksyon kung paano ko mahahanap si Mr. Rosales. "Salamat po, Prof!" Nagpapaalam na rin ako pagkatapos kong magpasalamat.

El Fuego En El Agua (Ang Apoy Sa Tubig)Where stories live. Discover now