Chapter 50: Pagbabalik
Erka's Point of View
Pumunta uli ako ng kwarto ng Reyna. Nakita ko siyang nakatingin sa bintana at malalim ang iniisip.
"Kamahalan Queen Imarra, hindi po muna daw makakapunta si Prince Andrexsel sa Munir Room at Trimpa Room dahil may pupuntahan daw muna sila ni Rhia" ulat ko sa Reyna.
Humarap si Queen Imarra at hinawakan ang noo nito. "Abala talaga ang Rhiang yan sa anak ko, kailangan talaga na mawala ng mortal na tao na yan" galit na sabi ng Reyna.
"Malira" tinawag ni Queen Imarra ang Ikatlong Punong Maraseris na si Malira at pumunta ito sa room.
"Malira gumawa ka na ng paraan para mawala ang Rhia na yun" sabi ni Queen Imarra.
Ngumisi si Malira at may iniabot na bagay kay Queen Imarra. "Sa pamamagitan niyan ay mawawala na ng tuluyan ang Rhiang yun hahaha" sabi ni Malira.
Seris's Point of View
Inihahanda ko na ang aking mga gamit para sa pagbabalik ko sa Ivatran Warriors Room para sa muling pagsasanay ng mga Ivatran Warriors doon.
Nasasabik ako na muling makita ang Mahal kong Prinsipe na si Prince Andrexsel. Ang Gwapo at makisig kong Prinsipe.
Pero napapawi ang pagkasabik kong iyon sa twing maiisip ko na meron na nga pala siyang nobya. Ang pangit niyang Dasre na ang pangalan ay Rhia.
Sa ilang beses na inakit ko siya at nagpapansin ako ng todo sa kanya ay hindi man lang nahulog ang loob niya sa akin at pinagbantaan pa niya kong papapatay. Yun pala pangit lang na Dasre niya ang magugustuhan niya. Isa itong malaking sampal sa king kagandahan at kaseksihan!
Sana ay nagpapangit na lang ako at nagtrabaho bilang Personal niyang Dasre kung yun naman pala ang gusto niya. Ay naku.
May kumakatok sa pinto ko at nainis ako dahil nais yata nitong sirain ang pintuan ko sa sobrang lakas ng pagkatok.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang umiiyak kong kaibigan na si Vire.
"Vi-Vire bakit ka umiiyak?" tanong ko kay Vire.
Niyakap ako ni Vire at nagpatuloy sa pag-iyak. "Se-Seris a-ang anak ko, wa-wala na siya, wala na ang aking anak" sabi ni Vire na kinagulat ko.
"Pu-pumasok ka Vire" sabi ko.
Pinaupo ko siya at inabutan ng tubig."A-ano nangyari Vire sabihin mo sa akin?" tanong ko na nag-aalala sa aking kaibigan.
Napansin ko ang tiyan niya at wala na ang umbok nito, dapat manganganak na ngayon si Vire.
"Bigla na lang nawala siya sa tiyan ko Seris, nawala ang anak ko" sabi ni Vire at patuloy na humagulgol.
"A-anong nangyari bakit nawala ang iyong anak?" tanong ko.
"Hindi ko alam, hindi ko alam" sigaw ni Vire at nagwala na ito.
Naguluhan ako sa sinabi ni Vire at nakaramdam ng awa sa kaibigan ko.
Kahit madalas akong tarayan at awayin ni Vire ay itinuturing ko pa ring syang matalik na kaibigan.
"Humingi tayo ng tulong sa aking pinsan na Maraseris na si Hrinade, isa sa limang pinuno ng mga Maraseris ng Kingdom of Ivatra, para malaman kung bakit nangyari yan" sabi ko.
Tulala na si Vire pero nagawa pa rin nyang magsalita. "Anong ibig mong sabihin Seris?" tanong niya.
"Ah kataka-taka kasi na biglang nangyari yan at nakakagulat" sabi ko.
"Maaaring may kinalaman si Friyan dito, dahil gusto pa rin nya ang Yola landi na yun" sabi ni Vire na may galit. Hawak pa rin nito ang kanyang tiyan.
Tumingin sa akin si Vire. "Seris dalin mo na ko dun ngayon din, baka may gawin pa na di maganda sa akin si Friyan" sabi Vire at humagulgol.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...