Chapter 3: Rhia

587 291 9
                                    

CHAPTER 3 : Rhia

Dedicated to zenaku_tora and MKBriones

Rhia's Point of View

Hinawakan ni Graceno ang silver medallion niya bago hinawakan ang aking kamay at nagteleport sya kasama ko papunta sa Fedrena Room o kusina ng palasyo.

Napakalaking kusina ito na maraming magagarang kagamitang pangluto at marami ding lamesa at upuan. Marami ang mga kusinero o tinatawag na Fedre dito.

Ang  Punong Fedre o Punong Kusinero ay si Ikayil na isang lalaki. Abala sya sa pagluluto at pag-uutos din at paggabay sa mga iba pang kusinero. Nagulat naman ako sa aking nakita na kusang gumagalaw at umaabot ang mga plato at ibang kagamitang panluto sa mga kamay ng mga Fedre.

Nakita ko rin si Punong Dasre Pigna na kumakain kasama ang kanyang anak na babae na si Matavara na mataba din tulad nya. Isang napakalaking tinapay ang kinakain nilang mag-ina hehe.

Binati ko si Pigna."Kamusta po Punong Dasre Pigna Magandang araw po" ngumiti rin ako sa kanya.

Pansamantala nyang tinigil ang pagkain para akoy batiin at tanungin din. "Kamusta Rhia Magandang araw din.Kamusta ang iyong pagiging personal na tagasilbi ni Prince Andrexsel?"

Ako ay napasimangot ng maalala ko ang pinagawa ng Prinsipeng yun sa akin. Sinabihan pa ko ng tanga at pangit.Napakayabang nya at napakasama!

"Itanong nyo na lang po kay Graceno." nababagot kong sagot.

Natawa si Pigna."Hahaha, mukhang di naging maganda ang nangyayari sa pagsisilbi mo sa ting Prinsipe. Tiisin mo lang Rhia, maaring makaya mo yan"

"Punong Dasre Pigna tiisin ko lang? Pano kung di ko matiis ang ugali ng Prinsipe?" tanong ko kay Pigna na naiinis.

Tumawa uli sya. "Hahaha aaminin ko na di maganda talaga ang ugali ng Prinsipe kaya maraming inis sa kanya pero dapat pa rin natin syang paglingkuran at igalang bilang Prinsipe ng Kingdom of Ivatra. Tungkulin natin na sya ay paglingkuran."

Tungkulin na paglingkuran? kung alam nyo lang di naman ako tagarito. Kaya di ko dapat paglingkuran ang Yabang at Bad Prince na yun!

Biglang nagsalitan si Graceno. "Rhia gawin mo na ang pinag-uutos ng Prinsipe" paalala ni Graceno.

Nakasimangot na tinungo ko ang timplahan ng ayis at lutuan na tinuro ni Graceno para lutuin ang almusal ni Prince Andrexsel.Tinimpla ko na ayis na kulay orange na parang juice na mainit, sunod kong niluto ang almusal ng Prinsipe ng Kayabangan. Tinuro sa kin ng isang Dasre ang dapat kong lutuin na almusal, parang lugaw lang na may konting sahog ang aking niluto, madali lang pala att marunong naman akong magluto. Nang matapos kong lutuin ang almusal ay inilagay ko ito sa isang tray kasama ng ayis.

"Rhia ikaw naman ngayon ang magteleport papunta sa room ni Prince Andrexsel. Gaya ng sabi ko pikit mo ang iyong mga mata at isipin mo kung san ka tutungo at hawakan mo ang silver medallion at makakarating ka na tungo sa room ng Prinsipe." sabi sa kin ni Graceno.

Ginawa ko nga ang sinabi nya at nagawa ko na magteleport patungo sa kwarto ng Prinsipe. Nakita ko ang Prinsipe na nakahiga sa kanyang kama. Nakadilat ang mata nito at nakita nya ang aking pagdating na dala ang pinaluto at pinatimpla nya sa akin. Biglang sumulpot si Graceno pero di na ko masyadong nagulat at mukhang nasasanay na sa biglang pagsulpot niya.

"Rhia mabuti naman at nagawa mo yung pinagagawa ko" sabi ng Prinsipe at umupo na ito para abutin ang pinaluto nya.

Inabot ko sa kanya ang tray na nakalagay ang almusal nya at ayis at ipinatong nya sa kanyang hita.  Ininom na muna nya ang ayis bago nya tinikman ang niluto kong almusal. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now