Chapter 33: Mall

172 39 0
                                    

Author's Note: Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng Kingdom of Ivatra. Sana ay patuloy nyo pong suportahan ang first wattpad story ko at first fantasy story. Thankyou sa inspiration na binibigay niyo po sa akin. Sana lagi nyo pong naeenjoy at magustuhan ang bawat chapter ng kwentong ito na aking sinulat. Sana ay marami pa po akong masulat na kwento. Thankyou po and God bless you all - writist_j ❤❤❤

Chapter 33: Mall

Rhia's Point of View

Nagteleport na ko patungo sa room namin nina Derick at Yola. Hindi na ko sinamahan ni Prince Andrexsel dahil may kailangan pa raw siyang gawin at nagmamadali siya.

Nakita kong tahimik na nakaupo sina Derick at Yola sa kanilang mga kama.
Kumislap ang mata ni Derick nang masilayan ako. Agad siyang tumayo at niyakap ako.

"De-Derick" nasabi ko sa pagkailang sa pagyakap ni Derick sa akin.

Tinanggal naman ni Derick ang yakap niya.

"So-Sorry Rhia, ganito talaga pag miss mo ng sobra ang isang tao" sabi ni Derick na namumula ang pisngi.

"Sweet hug again si Loverboy Derick sa Baby Rhia nya, nakakilig talaga" tukso ni Yola.

Tila parang pagpapawisan si Derick sa kilig na may halong hiya at kaba. Habang ako ay ngumiti lang at tila walang naintindihan sa sinabi ni Yola.

"Ano iyang hawak mo Rhia?" tanong ni Yola. Tinatanong niya ang supot na kulay red na hawak ko.

"Ah mga ginto ito na bigay ni Prince Andrexsel, pambili daw natin ng mga damit sa Slerpina" sagot ko na kinagulat nila.

"Pambili ng damit?" sabay nilang tanong.

"Oo, sabi niya ay bumili daw tayo ng damit natin na pwede nating magamit habang nandito tayo sa Haren ni Haresiya Fresca" sagot ko.

"Daming kalokohan ni Yabang bakit hindi na lang tayo pabalikin sa mundo natin" sabi ni Derick.

Tila nakaramdam ako ng hiya sa
sinabi ni Derick. Naguguluhan din talaga ko.

Nagulat ako ng hablutin ni Yola ang supot. "Ay naku Rhia, kung ayaw ni Derick ay tayo ang bibili ng damit natin" sabi ni Yola na nakangiti.

"Yola, ano ba yang sinasabi mo?" tanong ni Derick na naguguluhan sa friend namin.

"Just stay here Derick, hintayin mo na lang kami dito na nakabeautiful Dress ni Rhia" sabi ni Yola.

Hinawakan ni Yola ang kamay ko. "Tayo na Rhia, Bumili na tayo ng mga Dress" sabi ni Yola na tila kinikilig.

Kahit na naguguluhan ay nagteleport na ko kasama ni Yola papuntang Slerpina. Naiwan si Derick na sinisigaw ang mga name namin. Loko kasi tong si Yola Hahaha.

Napunta kami ni Yola sa isang pamilihan ng magagandang gown. Namangha kami sa ganda ng mga gown na aming nakita.

"Ito, ito ang piliin mo Rhia, tiyak kong lalong kikiligin sayo si Loverboy Derick" sabi ni Yola

"Anong kilig ang sinasabi mo Yola?" sabi ko at sumimangot.

Pero kinuha ko na din ang Gown at binili ito. Ang ganda kasi talaga.

Paglabas namin sa pamilihan ng Gown ay naglakad lakad kami ni Yola sa Slerpina, manghang-mangha si Yola sa ganda ng mall at kagandahan ng mga tinitinda dito.

Sa patuloy naming paglalakad ay
meron kaming nakasalubong na pamilyar sa akin. Nagulat ako ng nakatingin ito sa akin. May kasama siyang mga Ivatran Warriors at kanyang Hivre.

Lumapit siya sa akin na lalong nagpakaba sa akin.

"Tila pamilyar ka" sabi niya.

Hindi ako sumagot.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now