Chapter 24: The Nightmare
Rhia's Point of View
Ngiting-ngiti si Prince Andrexsel habang binabasa ang letter ni Haresiya Seuneda.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bagay na bagay din sila ni Haresiya Seuneda, ang pinakamaganda at pinakagwapong lalaki sa Kingdom of Ivatra.
Nagulat ako ng tumingin sa akin si Prince Andrexsel. Nakangisi ito.
Lalo kong kinabahan ng lumapit siya sa akin. Nakangisi pa rin siya. Iniabot niya sa akin ang sulat. "Basahin mo." sabi niya at tumawa pa. Baliw talaga siya!
"Ba-bakit ko ba-babasahin? sulat iyan ng gi-girlfriend mo." sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.
Tumawa ng tumawa si Prince Andrexsel. "Girlfriend? Hahaha, diba sabi ko sayo wala kong girlfriend." sabi niya at kinurot na naman ang pisngi ko.
"Basahin mo na." pangungulit niya.
Binasa ko na para matahimik na siya."Aking Prinsipe, Gusto rin kita at sobrang nagwagwapuhan ako sayo, aaminin ko pag sinasabi mong gandang ganda ka sa akin, na ako ang pinakamagandang babae sa Kingdom of Ivatra ay kinikilig ako. Ikaw ang gusto ko at mahal ko Kamahalan at hindi si Haresiyo Eridelo na walang kwenta kaya papatigil ko na ang panliligaw niya dahil wala siyang pag-asa sa akin. Pumunta ka Aking Prinsipe sa aking Haren at pagsaluhan natin ang masarap na halik, Mahal din kita Andrexsel, pakiusap huwag mong pakasalan si Arviena.
Nagmamahal Haresiya Seuneda."
"Ta-tapos ko ng ba-basahin Kamahalan." nauutal kong salita at nanginginig na inabot sa Prinsipe ang sulat ng kanyang Very Pretty Seuneda.
Tumatawa na naman ang baliw na Prinsipe.
"Ano masasabi mo Rhia?" sabi niya na nakangisi.
"A-anong ma-masabi? Wa-wala akong dapat sabihin Kamahalan." sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ang landi rin si Seuneda hahaha" sabi niya.
Tumingin uli ako sa kanya at sumimangot. "Ikaw naman ang nag-umpisa Kamahalan, ikaw ang nagsabi sa kanya na sobra kang nagagandahan sa kanya at ikinatuwa nya dahil gusto ka niya, hinay-hinay sa pagsasalita mo ng malandi sa mga babae." sabi ko.
Nagulat ako ng takpan niya ang labi ko ng kamay niya. "Itigil mo yang malaki mong bunganga at labi Rhia, lagi mo kong kinokontra." sabi ni Prince Andrexsel. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa labi ko pero hindi ko matanggal, ang lakas niya.
"Ok, hindi malandi si Seuneda, pupunta ako sa Haren niya at pagsasaluhan namin ang masarap na halik hahaha " sabi ni Prince Andrexsel.
Tinanggal din niya ang hawak sa labi ko. "Edi gawin mo." sabi ko at lumayo agad sa kanya. Tinignan ko siya na bakas sa mukha ang pagkainis.
Natatawa na naman siya. Lumapit siya sa akin at binuhat ako. "Matulog ka na." sabi ni Prince Andrexsel.
"Bitawan mo ako Kamahalan." sabi ko.
"Ayoko." umiling-iling siya. "Kailangan mo ng matulog para sa pagsasanay." sabi ni Prince Andrexsel.
Hiniga niya pa rin ako sa kama niya kahit nagpupumiglas ako. Pero nagulat siya ng tumayo ako at lumayo sa kanya.
Hinawakan ko ang medalyon ni Graceno at nagteleport patungong Dasre Room. Laging gulat ko ng may Dasre na nandoon sa room ko dati.
"Ay so-sorry dati ko kasi itong room ka-kaya napunta ako dito, di ko alam na may dasre na natutulog dito." sabi ko.
"Ah ikaw si Rhia, yung dating personal na Dasre ni Prince Andrexsel." sabi ng Dasre.
"O-oo , Ah sige alis na ko." sagot ko.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...