Chapter 17: Paglipad

200 83 0
                                    

Chapter 17: Paglipad

Rhia's Point Of View

Sa banyo ni Prince Andrexsel ako nagbihis ng Ivatran Warrior Armor ko. Saktong-sakto ito sa akin.
Magkahalong tuwa at gulat ang nadarama ko habang suot ang Armor. Hindi ako makapaniwala na makakapagsuot ako ng Armor.

Kinakabahan akong lumabas ng banyo. Iniisip ko ang magiging reaksyon ni Prince Andrexsel.

Nakita ko siyang nakatayo, napatingin siya sa akin. Kinakabahan ako at namumula ang pisngi ko.

"Bagay Rhia, hindi ka na Dasreng Pangit, Ivatran Warrior na Pangit ka na hahaha" sabi ni Prince Andrexsel, ayan na naman siya sa pangit.

"Baliw ka talaga Kamahalan" sabi ko at sinimangutan ko siya.

"Biro lang yun Rhia, bagay na bagay sayo" sabi ni Prince Andrexsel at ngumiti.

Nagteleport siya palapit sa akin. Nagkatitigan kami at hinawakan niya ang aking kamay.

"Lalabas tayo ng palasyo, pupunta tayo sa Florer Nessa Country, isa sa 6 country ng Kingdom Of Ivatra." sabi ni Prince Andrexsel.

"Florer Nessa Country?" Tanong ko.

"Oo Rhia ang Florer Nessa Country o tinatawag na Mythical Country. Tiyak ko mamangha ka dun" sabi ni Prince Andrexsel at hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay at nagteleport kami palabas ng palasyo.

Napunta kami sa isang Gold na field sa likod sa labas ng Palasyo ng Kingdom Of Ivatra.

"Lagenba" sigaw ni Prince Andrexsel.

"Lagenba lumabas ka" sigaw uli ni Prince Andrexsel.

Lumabas ang isang napakalaking ibon na aking kinagulat. Kulay Blue siya na may halong gold at kulay Gold ang mata niya.

Lumapit si Prince Andrexsel sa ibon at hinimas ang ulo nito. Pagkatapos ay lumapit uli siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti na kinagulat ko. Inakbayan din niya ako.

"Lagenba nais kong ipakilala sa iyo si Rhia. Rhia siya si Lagenba, alaga kong Leverox o malalaking ibon dito sa Kingdom Of Ivatra." pagpapakilala ni Prince Andrexsel kay Lagenba.

"Ha-Hi Lagenba ako si Rhia" bati ko kay Lagenba.

Gumalaw galaw ang ulo ni Lagenba bilang pagbati sa akin.

"Ang cute niya Kamahalan, parehas sila ni Kemin na cute" sabi ko na kumikislap ang mata habang natutuwa at namamangha na nakatingin kay Lagenba.

Kinurot na naman ni Prince Andrexsel ang pisngi ko. "Ikaw din Rhia cute" sabi niya at ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya at kinurot din siya sa pisngi niya "Cute ka rin Kamahalan" sabi ko. Napangisi siya.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko na pulang-pula ang mukha.
Nahiya ako sa nagawa ko haha.

Tumingin siya kay Lagenba. "Talagang cute ang mga alaga ko dahil cute at napakagwapo ng amo nila" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

Bumaba ang hawak ng kamay niya sa bewang ko. Sobra kong nagulat at kinabahan, mahihimatay yata ako sa ginagawa niya hehe.

"Sasakay tayo diyan Rhia" sabi ni Prince Andrexsel na nakahawak pa rin sa bewang ko.

"Sa-Sasakay tayo kay Lagenba Kamahalan?" tanong ko.

Ibinuklat ni Lagenba ang kanyang pakpak na mahaba. Umabot ito sa paa namin ni Prince Andrexsel.Tinanggal ni Prince Andrexsel ang hawak niya sa bewang ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang kanyang pakpak ang magsisilbi nating hagdanan upang makasakay tayo sa kanya" sabi ni Prince Andrexsel.

Nagulat ako at namangha sa kanyang sinabi. Tumingin si Prince Andrexsel sa akin "Tayo na Rhia, lilipad tayo sa himpapawid ng Kingdom Of Ivatra" sabi niya na nakangiti at hinatak niya ko patungo sa ibabaw ni Lagenba.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now