Chapter 49: Power

200 14 4
                                    

Chapter 49: Power

Rhia's Point of View

"Princess Laraneva" sabi ni Prince Andrexsel. Bakas ko ang gulat at galit sa mukha niya.

Siya pala si Princess Laraneva. Maganda nga siya pero pangbruha nga lang ang hair niya at mukha siyang nakakatakot.

"Kamusta Kamahalan, Prince Andrexsel ng Kingdom of Ivatra, ang napakagwapong Prinsipe ng Kingdom of Ivatra" sabi ni Princess Laraneva at ngumisi.

Napakalas sa pagyakap sa akin si Prince Andrexsel at hinarap si Princess Laraneva. Bakas pa rin ang galit sa mukha niya.

"Bakit ka nandito? Ano ang nais mong gawin Laraneva?" Tanong ni Prince Andrexsel.

Tumingin si Princess Laraneva sa katawan ni Prince Andrexsel at ngumisi bago tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot.

"Napakakisig mo pa rin Prince Andrexsel, at mas lalo kang naging makisig at mas lalong gwumapo habang nadadagdagan ang iyong edad." sabi ni Princess Laraneva. Tumingin ito sa akin at ngumisi. "Pero ang napili mo lang pala na maging nobya ay isang napakapangit na babae na mukhang Dasre mo lang" sabi ni Princess Laraneva at tumawa ng malakas.

Parehas kami ng Prinsipe na nakaramdam ng pagkainis sa sinabi ni Princess Laraneva. Nawala ang aking takot at tiningnan ng masama ang Princess ng Black Kingdom of Griya.

"Hindi mo pa rin ba matanggap na hindi kita gusto at mahal Laraneva? Meron na kong Nobya huwag mo na kong guluhin pa" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

Tumawa si Princess Laraneva "Prince Andrexsel, wala na akong pagtingin sayo, pinagtatawanan ko lang ang kapangitan ng iyong nobyang taga mundo ng mga tao" sabi ni Princess Laraneva na kinagulat namin ni Prince Andrexsel.

"Hahaha, nagulat ba kayo? Diba tama ako na ang iyong nobya na si Rhia Evenir ay galing sa mundo ng mga mortal" sabi ni Princess Laraneva.

"At ano ngayon?" niyakap ako ni Prince Andrexsel. "Huwag na huwag nyong sasaktan si Rhia, Hindi ko mapapayagan iyon at hindi ko kayo mapapatawad" sabi ni Prince Andrexsel na may magkahalong galit at pag-aalala.

"Hahaha, mukhang Mahal na mahal mo siya Prince Andrexsel, mukhang magiging kahinaan mo rin siya tulad ng iyong ina, at maganda iyon" sabi ni Princess Laraneva at tumawa uli ng malakas.

"Malapit na nga pala ang iyong kaarawan, at bilang regalo ay ihihinto muna ng Black Kingdom of Griya ang pagsalakay sa mahina niyong kaharian" sabi ni Princess Laraneva na nagparamdam sa amin ng kaba ni Prince Andrexsel.

"Sige maiwan ko na kayo, Pero humanda kayo sa muli nating paghaharap Prince Andrexsel at Rhia Evenir, baka bigla na lang kayong masopresa hahaha" sabi ni Princess Laraneva at naglaho na ito.

Erka's Point of View

Kinikilig ako na pumunta ng room ni Queen Imarra. Kinikilig ako kasi ngumiti na rin sa akin si Prince Andrexsel. Siguro ay may pagtingin talaga siya sa akin pero nililihim lang niya para hindi magalit si Rhia Pangit. Ginagamitan lang naman kasi siya ng Magic ng Rhiang yun kaya feeling inlove si Prince Andrexsel sa kanya. Pero narerealize na siguro ni Prince Andrexsel na ako ang Mahal niya.

Nakita ko si Queen Imarra na kausap si Punong Dasre Pigna.

"Pigna kausapin mo ang mga Manil na gumagawa ng mga invitation at letter na gawin na ang invitations para sa Birthday ng anak kong si Prince Andrexsel" utos ni Queen Imarra kay Punong Dasre Pigna at nagteleport na ito tungo sa gusali ng mga Manil.

Naexcite ako sa aking narinig. Birthday na nga pala ng Mahal kong Prinsipe sa isang linggo. Naku kailangan kong magpaganda ng todo sa araw na yun!

At dapat maakit ko na talaga siya para ako ang espesyal na babae sa kaarawan niya. Kaso nga ay panira ang Rhiang yun sa plano ko.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now