Chapter 21: Haresiya at Haresiyo

216 76 2
                                    

Chapter 21: Haresiya at Haresiyo

Rhia's Point of View

Nagising ako sa pagkakatulog sa kama ni Prince Andrexsel. Nakita ko na nag-eespada siya. Bumangon naman ako at tumayo.

Lumingon siya sa akin.

"Rhia Evenir" sabi ni Prince Andrexsel.

Nagulat ako ng sinabi niya ang buo kong pangalan.

"Pano mo nalaman ang buo kong pangalan Kamahalan?" tanong ko.

Lumakad siya at may kinuhang bag.
Nagulat ako ng makita ang bag ko sa school. Iniabot niya ito sa akin.

"Pinabibigay ni Graceno" sabi niya.

"Bag ko ito sa school Kamahalan" sabi ko at binuksan ko ang aking bag.

Nakita ko ang aking mga books at notebooks, paper at pencil, at cellphone.

Niyakap ko ang pinakamamahal kong cellphone.Binuksan ko ang cellphone ko. 90℅ ito Yes!

Binuksan ko ang data ko para magfb. Boom Tanga!! Rhia walang signal sa Kingdom of Ivatra hahaha.

Pero masaya pa rin ako na makuha ang CP ko.

"Hahaha, may nakuha ko sa bag mo" sabi ni Prince Andrexsel.

Hawak niya ang picture ko. Nakasuot ako ng gown. Picture ko ito noong JS Prom.

"Ka-Kamahalan picture ko yan nung JS Prom namin." sabi ko na namumula ang pisngi at kinakabahan.

"Ang pangit mo nga eh hahaha" sabi ni Prince Andrexsel habang nakatingin sa picture ko.

Promises are made to be broken talaga.

"Nagpromise ka pa sa akin na hindi mo na ko tatawaging pangit, tapos hindi mo naman tutuparin" sabi ko na tila maluluha na.

"Sor,,," pinutol ko ang sasabihin niya.

"Tama na, sorry na naman tapos sasabihin mo pa rin" sabi ko.

"Hahaha, akin na lang ito ha, tatago ko" sabi ni Prince Andrexsel.

"Lalagay ko to sa Frame" sabi pa niya na kinagulat ko. Nawala ang inis ko.

"Ano gagawin mo sa picture ko Kamahalan?" tanong ko na kinakabahan.

"Lalagay ko nga sa Frame ang kulit" sagot niya.

Kinakabahan ako sa kung anong gagawin niya sa picture ko. Baka gumawa siya ng kalokohan.

Itinago niya sa aparador niya ang picture ko. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o hindi.

Lumapit siya sa akin at nagtanong."Ano ang bagay na yan Rhia?" tanong niya.

"Ah ito ang cellphone Kamahalan" sagot ko.

"Cellphone?" tanong niya.

"Pwede ka ritong magtext, mafb, instagram, google, twitter at yung favorite kong Wattpad hehe. " sagot ko at ngumiti.

"Wattpad? Ano yun?" tanong ni Prince Andrexsel.

"Ah mga story iyon, favorite ko dun yung mga Love story, yung mga may kilig factor hahaha" sabi ko.

"Ah, Love Story" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

Napangiti ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Binuksan ko ang camera ng cp ko. "Pwede ka ding magpicture dito Kamahalan" sabi ko

"Picture? Dyan?" tanong ni Prince Andrexsel. "Dito sa amin Magic at Painting ang ginagamit pangpicture" sabi ni Prince Andrexsel na nagulat sa aking sinabi.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now