Chapter 22: In The Queen's Room

168 62 0
                                    

Chapter 22: In The Queen's Room

Rhia's Point of View

"Florer Nessa Country o Mythical Country, Country of Fairies and Mermaid"

"Dell Ress Country o Royal Country, Country of Irveriz o Pinakamayayaman at Pinakaginagalang sa Kingdom of Ivatra, nandito ang Palasyo ng Kingdom of Ivatra."

"Maviya Mava Country o Magical Country, Country ng mga Maraseris o Magician ng Kingdom of Ivatra at kung nasan ang sanayan ng mga may powers at magic"

"Dorse Aren Country o Warrior Country, Country ng mga Dragons at mga Warriors"

"Prama Verda Country o Power Country, Country ng mga may Pinakamalalakas ang Power"

"Isren Gena Country o Ordinary Country, Country ng mga mahihirap at pinakamaraming walang power sa Kingdom of Ivatra"

Wow! napanganga ako sa narinig ko na pagdescribe ni Prince Andrexsel sa mga Country ng Kingdom of Ivatra.

Nasabi na sa akin ni Graceno at ni Prince Andrexsel ang tungkol sa mga Country ng Kingdom of Ivatra pero ngayon lang nadescribe sa akin ito ng mabuti ni Prince Andrexsel at sobra kong namangha.

Nalaman ko na ang Dell Ress Country kung nasan ang Palasyo ng Kingdom of Ivatra at nung una kaming lumabas ni Prince Andrexsel patungong forest, at ng pumunta kami sa Slerpina at Kressel Garden. At ang Florer Nessa na pinuntahan din namin ni Prince Andrexsel.

Narinig ko na ang Isren Gena Country nung nasa Fedrena Room ako, madalas nilang pag-usapan ang tungkol dito ng mga Dasre at Fedre. Narinig ko rin sa mga pag-uusap nila na may 6 Country ang Kingdom of Ivatra.

At bawat Country ay may mga Pinuno, Ang mga Haresiya at Haresiyo, Sina Haresiya Seuneda, Haresiya Arviena, Haresiya Fresca, Haresiyo Givion, Haresiyo Venido at Haresiyo Eridelo"

At si Arviena na pinagkakasundo kay Prince Andrexsel ay isa palang Haresiya o Pinuno ng isang Country ng Kingdom of Ivatra.

Napatitig kami ni Arviena sa isat-isa.
May halong kaba ang napifeel ko at iba pang emosyon. Ako na ang nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Wow Kamahalan ang ganda ng pagpakilala mo sa amin sa iyong Hivre na si Rhia na tila ngayon lang niya kami nakilala gayong tanyag kami tulad mo sa Kingdom of Ivatra. Maaari bang ipakilala mo sya ng lubusan sa amin" sabi ni Haresiya Seuneda.

Nagulat ako sa tanong ni Seuneda. Natatawa naman si Prince Andrexsel.

Pagkaraan ay ngumisi sa isat-isa si Prince Andrexsel at Haresiya Seuneda.

Napatingin kami ni Haresiya Arviena sa kanilang dalawa.Nakatingin ng masama si Arviena habang ako naman ay kinakabahan at nag-aalala.

Natigil ang kanilang tinginan ng umilaw ang pintuan ng room at may tumawag sa labas ng Venriva Room. Tinig ito ni Graceno.

"Kamahalan, ang Mahal na Reyna ay kailangan kayo ngayon, nasa kwarto po niya ito" tinig ni Graceno mula sa labas.

Hindi pwedeng pumasok sa opisina ng pagpupulong ang iba. Tanging si Prince Andrexsel, Queen Imarra at mga Haresiya at Haresiyo lamang ang pwede, at mga pinahuntulutan ng Reyna at Prinsipe tulad ko na isinama ni Prince Andrexsel sa loob. Ang mga usapan sa pagpupulong ay sa loob lang ng room naririnig.

"Sige Graceno. Mga Haresiya at Haresiyo lalabas muna ako upang puntahan si Ina Queen Imarra" sabi ni Prince Andrexsel.

"Sige Gwapo naming Prinsipe, ang Pinakagwapong lalaki sa Kingdom of Ivatra, hihintayin kita este namin pala hahaha" sabi ni Haresiya Seuneda at ngumisi.

Tumingin naman siya kay Haresiya Arviena ng may pang-aasar. Tumingin ito ng masama kay Seuneda.

Tumawa si Prince Andrexsel. Pagkaraan ay tumingin ito sa akin. Nagulat ako at umiwas ako ng tingin sa kanya na kinakabahan at malungkot.

Nagulat pa ko ng haplusin niya ang mukha ko. Nagulat din si Seuneda at Arviena sa nakita nila.

"Bakit Rhia?" nag-aalalang tanong ni Prince Andrexsel.

"Wa-Wala Kamahalan" sagot ko.

"Tumayo ka na lalabas tayo upang puntahan si Ina" sabi ni Prince Andrexsel.

Tumayo na ko, nagulat ako ng bumulong siya sa tenga ko. Nakita iyon ni Haresiya Seuneda at Haresiya Arviena.

"Maaaring may nadarama na namang hindi maganda si Ina" bulong niya.

Napatingin kami ng seryoso sa isat-isa. Hinawakan na niya ang kamay ko at nagteleport kami patungo sa room ni Queen Imarra.

Agad lumapit si Prince Andrexsel sa kanyang Ina at hinawakan ang kamay nito. Nakahiga ang Reyna at mukhang nahihirapan at masama ang pakiramdam.

"Aradrino, Aradrino" sabi ng Reyna habang nakapikit.

Biglang sumulpot si Graceno sa kwarto ng Reyna. Sanay na ko sa pagsulpot ni Graceno pero ang ikinagulat ko ay pagsulpot ng isang babae.

Si Haresiya Arviena.

writist_j ❤

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now