Chapter 43: Inang Reyna

141 19 2
                                    

Chapter 43: Inang Reyna

Rhia's Point of View

Nakatitig lang kami ni Prinsipe Andrexsel sa isat-isa. Kapwa kami kinakabahan.

"I-Special din ba ko sayo Rhia?" tanong uli niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Please Rhia, sagutin mo ko" sabi niya sa malambing na tinig na tila nagmamakaawa.

Nanginginig ang aking katawan. Di ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi.

"Mahalaga kasi sa akin yung sagot mo, at gusto ko ng maging tayo na talagang dalawa. Gusto kitang maging Girlfriend" sabi niya.

"A-Andrexsel, hi-hindi kasi pwede" sabi ko sa nanginginig na boses. Sobrang sakit ng ulo at puso ko.

"Iniisip mo ay yung magkaiba tayo ng mundo, kaya sinasabi mo na hindi  pwede, iniisip mo yung family mo at Ina ko na maaaring maapektuhan sa sitwasyon, sa nararamdaman natin, alam mo iniisip ko din yan Rhia kaya hindi ko agad naamin sayo na kakaiba na nararamdaman ko sayo" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

" Pero di dahil sa kanila kaya hindi ko nasabi agad, kundi dahil ayoko ring mahirapan ka Rhia sa sitwasyon kung sakaling parehas tayo ng nararamdaman, naisip ko nga na mas ok kung si Derick na lang ang piliin mo dahil mas mapapasaya ka niya, dahil walang kaguluhan sa buhay niyo di tulad ng buhay na meron ako" sabi niya na kinagulat ko.

"Saka di rin ako sigurado nung una sa nararamdaman ko Rhia,  dahil ngayon ko lang naramdaman to, at nung una inaasar pa kita, iniinsulto, pero ngayon ikaw nagpapasaya sa akin, masayang masaya ako pagkasama kita at lagi kitang iniisip, a-at di ko kakayanin pag nawalay ka sa akin" sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng may luha sa mata niya.

Pinunasan niya ang luha niya at tumawa ng pilit.

"Alam mo ba ngayon lang ako umiyak, di ba sinabi ko sayo na hindi ako umiiyak, masama ka eh pinaiyak mo ko, dapat sayo papaparusahan." sabi niya at ngumisi.

"Dahil ako si Prinsipe Andrexsel, Prinsipe ng Kingdom of Ivatra, Matapang ako at may masamang ugali. Ako nagpapaiyak sa mga tagarito lalo na sa mga kababaihan hahaha" sabi niya.

"Kahit sa kalungkutan ko sa king Ina ay di ako naiyak" sabi niya at kinuyom niya ang kamao.

Tinitigan niya ko "Di ka naman maganda" sabi niya at tumawa.

Napasimangot ako.

"Di ka maganda, Kasi ikaw yung Pinakamagandang babae, at syempre ako yung Pinakagwapo hahaha" sabi ni Prinsipe Andrexsel.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sige magpahinga muna tayo sa room ko, medyo nakakastress din yung napag-usapan natin, dun muna tayo sa room ko kasi di pa naman sigurado kung nandun na sa Haren ni Haresiya Fresca yung mga friends mo" sabi ng Prinsipe.

Nagulat siya ng bigla ko siyang yakapin.

"Andrexsel, Special at Mahalaga ka rin sa akin" sabi ko at di ko na napigil ang lumuha.

Niyakap rin niya ko.

"Thankyou Rhia" sabi niya sa malambing na tinig.

Biglang may tumawag sa labas ng Venriva Room.

"Si Temivo po ito Kamahalan" sabi ni Temivo.

"Ano ang kailangan mo Temivo?" Tanong ni Prinsipe Andrexsel. Yakap pa rin namin ang isat-isa.

"Pinatatawag  po kayo ni Reyna Imarra sa kanyang kwarto, nais po niya kayong kausapin" sabi ni Temivo.

Kinabahan ako sa narinig.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now