Chapter 40: Prinsipe

130 27 4
                                    

Chapter 40: Prinsipe

Author's Note: Happy Chapter 40 to my story hehe ❤ Thankyou po sa mga sumusuporta at bumabasa ng story ko, Thankyou po sa inspirasyon. Mahirap po gumawa ng story pero masaya, lalo na kung nakakapagpasaya ng mga nagbabasa.

This Chapter is Dedicate to LUCK_J
Thankyou po sa pagsuporta sa story ko ❤

Read her beautiful story:
Back to you

Rhia's Point of View

Nilayo ni Prince Andrexsel ang mukha niya sa aking mukha at tumawa. Namumula ang mukha namin pareho.

"Pa-Pasensya na Kamahalan, kung naistorbo ko ata kayo ni Rhia" sabi ni Haresiya Fresca na nagulat sa nakita niya sa amin ni Prince Andrexsel.

Tumawa uli si Prince Andrexsel at ako naman ay nayuko.

"Ayos lang yun Fresca, pero, sayang hahaha" sabi ni Prince Andrexsel.

Lalo kong kinabahan at nahiya. Hays.

"Ipagpapaumanhin po ninyo Kamahalan, pero may nais akong ibalita sa inyo, nilusob ng ilan sa mga Maraseris ng Black Kingdom of Griya ang isang bayan dito sa Maviya Mava Country, a-at may ilang Maraseris natin na nasawi sa laban." sabi ni Haresiya Fresca.

Nagulat kami ni Prince Andrexsel sa balita ni Haresiya Fresca. Napatayo ang Prinsipe.

"Ano? Talagang napakasama nila" sabi ni Prince Andrexsel. Nagkuyom ang kamao niya sa galit.

Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig. Tumulo naman ang luha sa mata ni Haresiya Fresca.

"Tumulong ako sa laban Kamahalan pero wala akong nagawa. Kasama nila si Aderre." sabi ni Haresiya Fresca.

"A-At si Princess Laraneva" sabi ni Haresiya Fresca

Napahampas si Prince Andrexsel sa lamesa sa galit.

"Ang Laranevang yun, ubod talaga siya ng sama" sabi ni Prince Andrexsel.

"Malalabanan ko sana si Aderre pero biglang sumulpot si Princess Laraneva" sabi ni Fresca.

"Nang nakahiga ako sa lupa ay nagsalita ang Prinsesa ng Black Kingdom of Griya, sabi niya ay pakisabi niyo sa inyong Reyna at Prinsipe na hindi pa tapos ang aming laban at matatalo ang Kingdom of Ivatra ng Black Kingdom of Griya." sabi ni Haresiya Fresca.

Lalong nakaramdam ng galit si Prince Andrexsel sa narinig.

"Pumunta tayo ngayon dun sa bayan na iyon Fresca." sabi ni Prince Andrexsel.

Tumingin sa akin si Prince Andrexsel , kinabahan ako at namula ang mukha ko, lalo na ng tumingin siya sa labi ko.
Ngumisi siya at hinawakan ang aking labi at hinaplos ito.

Agad niyang tinanggal ang hawak sa aking labi at hinawakan ang aking kamay.

"Sandali lang Kamahalan, isama din natin ang mga friends ni Rhia upang makita din nila ang sitwasyon" sabi ni Haresiya Fresca.

"Sige" sabi ni Prince Andrexsel.

"Kamahalan, pano nga pala si Haresiya Arviena?" tanong ni Fresca at tumingin ng seryoso sa akin.

Natawa si Prince Andrexsel. "Ang Inang Reyna ko lang naman ang may gusto na pakasalan ko si Haresiya Arviena" sagot ni Prince Andrexsel.

"Kung ganun ay gusto niyo si Rhia?" tanong ni Haresiya Fresca at ngumisi.

"Oo" diretsyahang sagot ni Prince Andrexsel.

Natawa si Haresiya Fresca. Natawa din si Prince Andrexsel. Namumula ang mukha niya, pati ako.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now