Chapter 42: Pagpupulong
Dedicated to Mr_Asukal
Rhia's Point of View
Pinipilit ko na ikalma ang sarili ko sa loob ng Venriva Room. Sa mga nasabi ni Prinsipe Andrexsel at sa galit na tingin ni Haresiya Seuneda at Haresiya Arviena.
Natutuwa naman ako sa sinasabi ni Prinsipe Andrexsel na girlfriend niya ko, kahit ngayon sa harapan ng mga Haresiya at Haresiyo ng Kingdom of Ivatra.
Dahil special at mahalaga din siya sa akin tulad ng sinasabi niya kung ano ko sa kanya.
Pero hindi pa naman nagiging opisyal iyon, nanliligaw pa lang siya kung tutuusin hehe.
Pero siguro sa kinikilos din namin, na parang magboyfriend na din kami. Tama lang siguro na sabihin niya na Girlfriend niya ko.
Masasabi kong ang relationship namin kung sa mundo ng mga tao ay parang MU o Mutual Understanding hehe.
Pero may pag-aalinlangan pa rin ako at kaba dahil sa biglaan at nakakagulat na mga aksyon at sinasabi ni Prinsipe Andrexsel.
At kinakabahan ako sa maaaring kahihinatnan nito.
"Lumusob muli ang Black Kingdom of Griya sa isang bayan sa Maviya Mava Country, a-at na-nawawala si Graceno, yan ang dapat nating pagpulungan mga Haresiya at Haresiyo" sabi ni Prinsipe Andrexsel na bakas sa mukha ang kaba at lungkot.
Napatayo si Haresiya Fresca"Na-nawawala si Kuya Graceno, Kelan pa Kamahalan?" tanong ni Fresca na nag-aalala at kinakabahan.
"Ka-Kahapon pa Fresca" sabi ni Prinsipe Andrexsel sa malungkot na tinig.
Hinawakan ko ang kamay ni Prinsipe Andrexsel. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Alam niyo na ba kaagad ito Kamahalan, bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?" sabi ni Fresca na di na napigil ang pagluha.
"Pa-patawad Fresca, hi-hindi ko din alam ang gagawin, kahapon tinatawag ko si Graceno, ngunit di siya pumupunta, kaya pinahanap ko siya, at ngayon ay pi-pinapahanap ko pa rin siya ay hindi pa rin siya mahanap" sabi ng Prinsipe.
Naikuyom ni Haresiya Fresca ang kamao sa galit at lungkot.
"Sadyang pabaya ka Kamahalan, tulad ng pagbabaya mo sa Isren Gena Country, marahil ay busy ka sa pakikipaglambingan sa napakaganda mong nobyang si Rhia" sarkatiko na sabi ni Haresiyo Eridelo.
Nakita kong nagkuyom ang isang kamay ni Prinsipe Andrexsel at bakas sa mukha ang galit kay Eridelo.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumayo ako at nagsalita.
"Alam ko na akoy isang Dasre o Hivre lamang at mababa ang tungkulin kumpara sa inyong mga Irveriz na Haresiya at Haresiyo, pero nais kong ihayag sa inyo ang aking saloobin. Sana ay huwag nyong husgahan ang Prinsipe, base lamang sa inyong naiisip at pagkakakilala sa kanya, Sandaling panahon lamang mula ng siyay aking nakasama at nakilala, pero nalaman ko ang mga problema na iniisip niya at bigat ng kanyang tungkulin bilang Prinsipe na nagpapahirap sa kanyang kalooban. At alam ko ay kaibigan ang turing niya kay Graceno, kaya nalulungkot din siya sa pagkawala nito, maging ako man na napalapit na din kay Graceno ay nalulungkot din sa nangyayari at nag-aalala sa kalagayan ni Graceno. Ginagawa ni Prinsipe Andrexsel ang makakaya niya upang mahanap si Graceno, kaya niya din kayo pinulong uli upang matulungan niyo din siya, at iniisip din niya ang kalagayan ng mga mamamayan ng Kingdom of Ivatra, ginagawa din niya ang makakaya upang matungulan ang kaharian na maging mapayapa at ligtas sa Black Kingdom of Griya , kaya sana ay magtulungan kayo imbes na mag-away-away" sabi ko na pinipigil ang luha na nais pumatak sa mata ko.
YOU ARE READING
KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)
FantasySi Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng mga friends niya sa Mahiwagang kaharian ng Kingdom of Ivatra at malalaman nila ang labanan sa pagitan ng Kingdom of Ivatra at Black Kingdom...